XXXVI. Phone Call

1.9K 44 0
                                    

MAXWELL's POV

(naks... May POV na siya bes! Hahaha)

Nasa may balkonahe ako ng mansion ng mga Stallworthy. Nagpapahangin. Sa dami rami ng sikretong binunyag nila kanina. Hindi ko na alam kung makakahinga pa ba ako. Hindi ko na alam kung ano ang totoo. Akala namin, patay na sina Madame Veronica pero, hindi pa pala. Palabas lang pala ang lahat ng toh para mapagtakpan ang tunay na pinaplano ng mafia at para lumabas na rin ang mga traydor. Nakita ko naman mula rito ang katawan ng anim na heads na hinihila ng mga tauhan ng mafia. Napakamatalino talaga ni Sir Nathaniel. Sinong mag-aakalang alam na niya ang lahat ng ito ng hindi man lang namin napapansin.

Ang anim na heads na hinihila nila palabas ng mansyon ay ang mga matagal nang espiya ng White Serpents. Kaya pala naging maingat si Sir Nathaniel. Kaya pala sa tuwing may meeting ay tanging mga Wolves, HiGH5 at GiANT4 lang ang naroroon. Kaya pala nasa huli nun si Weather para makita kung sino ang liliko ng daan. Kaya pala niya sila pinatay... Kaya pala. No doubts. Siya nga ang Mafia Prince. Hangang hanga na ako sa kanya. Sana nga lang ay mahanap na namin si Miss Alex. Alam kong kahit natanggal na namin ang mga traydor sa mafia, hindi pa rin siya napapanatag hangga't hindi niya nakikita ang mahal niya.

"Yow" napatingin ako sa bagong dating. Si Nico, kasamahan ko rin sa Wolves. "Lalim naman ata ng iniisip mo diyan" sabi niya. Tumingin na lamang ulit ako sa baba kung nasaan ang natitirang miyembro ng HiGH5 na masayang nagtatawanan sa may pool area. Napapangiti na lamang ako sa tuwing makikitang tumatawa si Winter. Atleast ngayon, hindi na siya naiistress sa mga kaguluhang nangyayari. She can breathe, at least for now. We can all rest, kahit ngayon lang. Kahit bago sumabak sa isang napakadugong digmaan. Hindi pa namin alam kung kailan pero basta alam naming malapit na. We should be ready, anytime. Dahil, maaaring bulas na bukas rin ay magdeklara na ng digmaan ang aming leader. Sa ngayon, si Sir Nathaniel na lamang ang hinihintay maging ng kabilang grupo, alam na nilang wala na silang karapatang magdeklara ng digmaan, sa ngayon, puro pagbabanta na lamang ang kaya nilang gawin. That's how strong the Black Sovereign is. Samahan mo pa ng dalawa pang naglalakihang Mafia, no one can defeat the BiG3 of the underground society.

"Bakit kasi... Hindi ka na lang magtapat sa kanya?" oo nga pala, may kasama nga pala akong gago dito. Tsss.

"Kung makapagsalita ka diyan... Bakit ikaw? Hindi ka pa rin makapagtapat sa kanya hanggang ngayon" uminom naman siya ng beer at inalok sa akin ang isang can na tinanggap ko naman. Binuksan ko ito tsaka uminom.

"Alam naman ninyo kung sino talaga ang gusto niya eh... At hindi ko mapapantayan ang lalaking yun" sabi niya at uminom ulit ng beer.

"Ang drama mo naman. Magkaiba kayong dalawa tsaka alam din nating lahat kung sino ang mahal na mahal ng lalaking tinutukoy mo" sagot ko. Napailing na lamang siya sa sinabi ko. Ang hina hina naman kasi talaga ng bata ko oh.

"Oo. Alam natin kung sino ang mahal ng lalaking mahal niya pero ngayong wala dito ang babaeng yun, mas lalong may pag-asa silang dalawa" sagot niya kaya binatukan ko na lang. Sinamaan naman niya ako ng tingin at tinawanan ko na lamang siya. Ang nega talaga ng taong ito.

"Alam mo. Kung ganyan ka lang rin naman mag-isip  talagang wala ka nang pag-asa pa sa kanya" sagot ko. Tsss. Kahit kailan talaga tong gagong toh oh.

"Tsss. Ako na nga ang nagsasabing hindi ko kayang talunin ang lalaking mahal niya dah---"

"Because you don't need to be like me. You just need to be you" nanlaki ang mata niya dahil sa taong nagsalita mula sa likuran namin kaya natawa na lamang ako. Kanina pa siya nakikinig sa likod pero dahil nakatutok lang si Nico sa iisang tao ay hindi niya napansin ang presensya niya.

The Mafia Prince: The ChaosWhere stories live. Discover now