XXIX. White Hawks

1.7K 43 1
                                    

ALEX's POV

Last day na namin dito sa resort nila hubby. Hindi naman kasi pwede na magbakasyon kami hanggang gusto namin lalo na kapag marami kaming naiwang trabaho sa Maynila. At okay na rin yun, na - miss ko na rin naman maging secretary eh. Hehe.

Isang salu - salo ang inihanda ng Wolves kasama ng GiANT4 except si hubby siyempre. Yung HiGH5 naman daw ay inaayos na ang mga pwedeng lusutan ng mga kalaban kapag nagtangka silang umatake ulit.

Maya - maya pa ay nagtawag na sila na kakain na raw ay sakto namang dumating na ang HiGH5. Pero may napansin ako... Yung nakakalokong ngiti na nakatanim sa mga labi ni Autumn...

Hindi ko na lamang iyong pinansin dahil, natural na kay Autumn ang ganung expression. Baliw rin eh. Haha! Nagdasal na muna kami at kumain na.

"Here wifey, have some shrimp"

"Thanks hubby"

+ after 1 minute +

"Here wifey, have some crab"

"Thanks hubby"

+ after 1 minute +

"Here wifey, taste this cuttlesfish"

"Ah... Thanks hubby!"

+ after 1 minute +

"You must eat vegetable wifey..."

"Eh? Mas masarap ang seafood"

"No buts..."

+ after 1 minute +

"Wifey, have some---"

"Sandali nga. Kanina ko pa napapansin na kada minuto ka kung maglagay ng ulam sa pinggan ko... Anong akala mo sa akin baboy?!" tanong ko kay hubby. Eh paano ba naman, una yung hipon, tapos crab, tapos pusit, tapos vegetable... Tapos ngayon naman... Napatingin ako sa spoon na hawak niya kung ano nakalagay... Bangus?! Naman! Magkakakaliskis ako neto eh.

"Ah... Hehe... I'm sorry wifey..."

Pinagpatuloy na lamang namin ang pagkain ngunit napansin ko na nakatingin sa amin si Fall ngunit hindi ko mabasa kung ano ang reaksyon niya. Ano ba ang nangyayari sa kanya nitong mga nakaraang araw?

"Uhhh... Fall? Eto oh, hipon..." Alok sa kanya ni Suho...

"No thanks, allergic ako diyan..." Maarteng sabi ni Fall sabay sandok sa nakahain na chicken. Ah, so sa hipon pala allergic si Fall? Ngayon ko lang lama yun.

"H - Hah?!" gulat na tanong ng Wolves, pati na sina Luhan, Tao, Summer, at Weather. Ngunit nanatiling walang reaksyon ang apat na kasama ko.

"S - sigurado ka Fall? E - eh, diba nga yan ang paborito mo?" halatang natigilan naman si Fall sa tinanong ni Weather... Anong meron?

Nagtatanong lang naman si Weather eh. Wala naman masama...

"H - ha? A - ahm... a - ano... Uhm... C.R lang muna ako..." sabi niya then naglakad na paalis sa dining room. Ano bang nangyayari dun sa babaeng iyon?

"Autumn? Allergic pala sa hipon si Fall?" tanong naman ni Weather...

Pero, nagshrug lamang si Autumn. As usual, ganyan naman siya eh, masanay na kayo. Kumain lang kami ng kumain at bumalik na rin si Fall then pinagpatuloy na rin niya ang pagkain. Pero, kanina ko pa pinapansin na parang may pinapakiramdaman si Autumn. Ewan ko lang kung ano. Pero, hindi ko na rin lamang iyon pinansin pa.

+

Naghahanda na kaming umalis sa resort at nasa sasakyan na rin ang lahat ng mga bagahe namin. Napagpasyahan kong pumunta na muna sa tabing dagat dahil gutso kong magpaalam dito.

The Mafia Prince: The ChaosWhere stories live. Discover now