XV. Going Back

2.4K 53 0
                                    

ALEXANDRA's POV

Napagdesisyunan ko nang umuwi, or should I say, bumalik sa bahay... Nakapag - isip isip na rin naman kasi ako eh... At kailangan ko na ring bumalik... Pero, may dadaanan raw muna kami ni Autumn, yung parang main area ng Mafia nila... At yun ay sa basement lang pala ng East Anonymous Corporation.

At dahil medyo malayo pa naman ata kami eh, makikinig na muna ako ng music.

(Now Playing: Your Guardian Angel by The Red Jumpsuit Apparatus)

When I see your smile

Tears run down my face

I can't, replace

And now that I'm strong

I have figured out

How this world turns cold and it breaks through my soul

And I'll find, deep inside me

I can be the one

I will never let you fall

I'll stand up with you forever

I'll be there for you through it all

Even if saving you sends me to heaven

Napapikit ako habang pinapakinggan ang kantang toh... Masyado siyang maganda... Maraming meanings na sinasabi... Hayyy! Sana balang araw, kantahan rin ako ng taong mahal ko ng kagaya nitong kanta... Diba, ang sarap sa pakiramdam kung may nagsasabi sa'yo ng 'I will never let you fall'? Parang ikaw na ang pinakamaswerteng tao sa mundo dahil sa nasabihan ka ng ganun... Pero, alam kong malabo na mangyari yun... Pero, hindi naman masamang umasa at mangarap diba? Pwede naman ako kantahan ng kahit na sinong lalake eh.. Kaso ang problema, isa lang ang gusto kong kumanta niyan para sa akin.. At, napakaimposible nun... Dahil, hindi naman niya ako mahal, kaya bakit naman niya kakantahin yan? Baka nga, walang siyang pakialam kahit na mag'divorce kami eh... Naisip ko na rin ang divorce, kaso ang tanong, kaya ko ba? Kaya ko bang mawala siya? EWAN!

Hay ano kaya ang magiging reaksyon nila kung nalaman nilang, alam ko na ang... lahat? Pero, parang hindi eh. parang may mali. Parang... parang... parang may hindi pa ako alam. Parang, may dapat pa akong malaman... Pero ano nam---

"Aray!"

"Shit! I'm sorry Ate Ry" sabi ni Autumn habang hinihimas ko pa ang leeg kong halos putulin ng seat belt... Bigla kasing huminto si Autumn eh.

"Bakit tayo huminto?" tanong ko kay Autumn... Papasok na sana kami sa parking lot pero, bigla siyang huminto... Nagulat na lang ako nung umikot siya ng daanan.

"Autumn? Saan tayo pupunta?" Tanong ko... Pero, may napansin ako... Parang palinga - linga siya sa paligid eh... Then bigla siyang nagpark sa pinakagitnang parte.

"Ate Ry? I need you to do something" sabi niya na ikinakaba ko... Bakit parang may mangyayaring hindi maganda?

"Ano yun?" pinipigilan kong ipakita yung kaba ko, kaya kahit nahihirapan ako eh pinipilit kong maging okay... Binuksan niya yung parang secret compartment ng kotse niya... Secret yun kasi ngayon ko lang nakitang may parang drawer dun... Tapos naglabas siya ng *gulp* b-baril?

"Here Ate Ry" O________________O

"A-anong..."

"Use this for your safety" sabi niya...

"P-pero, hindi ako marunong..."

"It's easy, when you see someone who you can't trust... Just pull the safety pin off, aim the target and pull the trigger" sabi niya... Naglabas rin siya ng baril which is color gold... Lalabas na sana siya nang...

The Mafia Prince: The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon