VI. Pictures

3K 68 0
                                    

ALEXANDRA's POV

*kruu kruu*

*Mulat ng mata*

*kurap kurap*

*kruu kruu*

Huhu! Gutom na ako! Hindi naman kasi ako nakakain ng maayos kagabi eh... Pero, O____O Teka, hindi naman ito ang kwarto ko ah?! At! Hindi naman ganito kalambot at kalaki ang kama ko eh! Paanong?

*Reality Strikes*

Ang stupid mo talaga Ry... Malamang andito ka sa kwarto ng Sir mo... Ay hindi pala kwarto, bahay niya pala... Sa kabilang room pa pala ang kwarto ni Sir... Eh kahit naman kasi mag-asawa na kami, ayaw ko pa rin naman na matulog sa iisang kama kasama si Sir noh!

Pero teka, speaking of the devil... Umuwi kaya yun kagabi? Agad akong pumasok sa banyo para ayusin ang sarili ko, pagkatapos ay bumaba na ako... Nakita ko naman yung katulong ni Sir dito... Actually yung iba eh nasa may reception pa ata ng venue at nag - aayos... Medyo late na rin kasi natapos ang reception eh...

"Oh hija... Andiyan ka na pala... Eto oh. Nagluto na ako para makakain ka" sabi niya saka ngumiti sakin...

"Ah eh... Ano po bang pangalan niyo?" tanong ko sa kanya... Pasensiya naman, hindi ko pa talaga alam kung ano ang pangalan nila eh.... Ngayon lang naman ako nakaapak sa palasyo ni Sir... hehe...

"Ah manang Lilia na lang ang itawag mo sakin hija..." sabi niya... Since si manang ang nagluluto eh napagdesisyunan kong ako na lang ang mag - aayos ng lamesa...

"Naku hija... Ako na diyan... Umupo ka na lang diyan" suway niya sa ginagawa ko...

"Naku naman manang Lilia! Okay lang po... Alangan naman po na panoorin ko lang kayo" sabi ko... Umiling iling na lang rin siya na nakangiti...

"Ah... Manang Lilia?" tawag ko sa kanya...

"Bakit hija?"

"Si Sir po?" tanong ko... Tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo niya...

"Sinong Sir?" tanong niya...

"Eh si Mr. Stallworthy po" sagot ko naman sa kanya...

"Ahaha! Bakit Sir ang tawag mo sa asawa mo hija?" tanong niya sakin... Oo nga pala, asawa ko na pala siya... Yieh! Kinikilig ako... Shet. hihi...

"Ah trip ko lang po" sagot ko na lang rin...

"Ah, maagang umalis hija" sagot niya sakin at tumango na lang ako... Umalis na nga lang siya kaninang madaling araw tapos maaga na namang umalis?

"Pinapasabi rin niyang huwag ka na munang pumasok at magpahinga ka na muna" dugtong ulit ni manang...

Pagpatapos ni manang Lilia magluto eh napagdesisyunan kong bigyan muna siya ng day off... Tumutol pa siya nung una pero pumayag rin... Actually nagdadalawang isip pa siya... Pero, pinatawagan ko yung apo niya kaya ngayon may day off siya kasama yung apo niya... Ako naman, eto nagligpit na ng kinainan then naghugas ng pinggan...

Libutin ko kaya tong bahay nila? ay bahay namin pala... heheh... Pero, hindi eh... Maglilinis na lang ako... heheh

Kaya pumunta ako sa may lalagyan ng cleaning tools nila at naglinis... Hindi ko na lilinisin yung labas kasi sabi naman ni Manang kanina na okay lang daw kasi may maintenance naman daw yun... Yaman nila noh? hehhe... Kaya inuna ko na muna yung kwarto ko...

Yung guest room...

At since 5 ang kwarto rito inisa-isa ko sila...

Then yung Maid's quarters...

The Mafia Prince: The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon