CHAPTER 4 : Almond Eyes

76.6K 2.4K 1.1K
                                    

Louise POV

Kinabukasan, gumising ako ng maaga dahil papasok na naman at mamayang hapon naman para sa shift ko sa coffee shop. 6:55 na ng umaga at 8:00 ang first subject ko.

Naisipan kong magluto na lang ng itlog dahil yun na lang naman ang natira sa mga food stocks ko, pag siguro nakasahod na ako uli tsaka ako mag-grogrocery nang akin medyo hassle ang budget ko ngayon dahil next week exam na at panibagong semester na ulit.

Minsan naiisip ko na ngang bumalik na lang sa mansion namin, kaso mapride talaga ako at nagmana ako sa tatay ko. Kahit naman na nakuha ko na ang pagpasok sa kursong architecture na kesa sa kursong pinipilit ni dad sakin nun pero ewan ko ba di lang naman pride ang pumipigil sa akin na bumalik sa pamilya ko, may something na isa pa na pumipigil lalo na yung sinabi ni Lance sa akin na gusto na akong pabalikin ni dad at may pag-uusapan kami. 

Pakiramdam ko hindi maganda ang pag-uusapan namin ni dad kung ano man yun.

Tumingin ako sa bintana at umuulan pala sa labas, buti na lang at napaayos ko agad yung payong na pinagtyatyagaan kong gamitin. Alam mo yung feeling na umuulan tapos ang sarap bumalik sa kama at maghapong matulog na lang?

Ganun ang nararamdaman ko ngayon, gusto kong bumalik na lang sa kama at magrelax tapos matulog samahan mo pa ng mainit na sabaw. Pero hindi naman pwedeng hindi ako pumasok hello ang mahal kaya ng binabayad ko at ako ang nag-iisang tumatayo sa sarili kong mga paa para mabuhay. Ang drama lang. Pagkatapos kumain at gumayak ng mahagit isang oras, sinarado ko na yung pinto at bumaba sa inuupahan kong boarding house, nasa ikalawang palapag kasi ako nangungupahan ng maliit na kwarto lang.

May ilan din akong nakasalubong na boarding mates sa baba at syempre binati ko sila ng magandang umaga kahit ang sama ng panahon. Ganyan dapat simulan ang umaga mo, believe me maghapong maganda ang araw mo, well sana sa akin din at wala akong main-kwentrong masamang hangin, tsk.

Dahil umuulan nga ngayon wala akong choice kundi magtricycle. Mahirap na at baka magputik ang suot kong damit, mahirap labahan. 

Wala pang sampung minuto nasa tapat na ako ng malaking gate ng LCU, wala pang masyadong estudyante baka tinatamad nang pumasok, pasado 7:39 am na kaya. O baka naman napapaaga lang ako dahil maaga akong dumating. 

Papasok na ako ng gate nang may mahagilap ang mata kong babaeng intsik na nakakunot ang noo at agang-aga eh mukhang badtrip, si Vienna lang naman, nakatayo sa may waiting shed. Agad ko siyang nilapitan mukhang walang dalang payong ang maarteng yun papasok ng mismong gate ng LCU.

"Ano pang ginagawa mo dyan?" tanong ko sa kanya, bakas sa kanya ang pagkagulat sa biglaang pag-sulpot ko sa harap niya pero agad din namang napalitan ng pagkairita sa mukha niya. Aba, baka akala niya nakalimutan ko na yung ginawa niya sa akin kahapon ha.

"What are you doing here? Go away shoo." nag-gesture pa siya ng pagtataboy na parang aso ako, kainis lang. "Tinatanong ko lang naman eh, wala ka bang payong? Ang lapit-lapit na nung gate oh di mo takbuhin?" tss mag-o-offer lang naman ako na pwede siyang makishare sa payong ko, alam nyo naman kung gaano siya kaarte at ayaw atang mapatakan ng kahit isang patak ng ulan. Arte talaga.

"Halata naman siguro na wala akong hawak diba? Bwisit na driver nakalimutan magdala. Now you know, shoo dīlián." kita mo nga naman, kaya pala naghihintay ang prinsesa at grabe siya makatanga dun sa driver niya ah, nakalimutan lang dalahin yung payong tinanga agad? Wala talagang imposible sa maarteng to. Tsaka ano yung sinabi niyang chinese word?!

Nakataas kilay siya sa akin dahil nasa harap pa rin niya ako, di ako sumilong sa waiting shed basta nasa harap niya lang habang umuulan pa rin medyo nababasa na nga ako dahil sa pagtilamsik ng ulan sa bubong ng waiting shed. 

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon