CHAPTER 44 : Cat Fight

77.3K 2.3K 2.5K
                                    

Vienna POV

"A-Audrey hindi na yata kita kilala.." sabi ng asawa ko, yes! Asawa ko! Ang kapal talaga, sinuot niya ang singsing na hindi naman sa kanya! Hindi ko alam kung paano napunta sa kanya yun but heck, alam na rin niya ang tungkol sa amin!

Maraming pictures na kami talaga ang mag-kasama, meron sa tinitirhan namin, may pictures din na palihim kami na pumapasok sa LCU. Even our double date with Joice and Kayla, don't tell me pati secret relationship nila alam na rin niya?

"Louise, kilalang-kilala mo sana ako kung ako ang nasa posisyon ni Vienna. At hindi siya ang kinikilala mong asawa ngayon!" what? Anong pinagsasabi niya?! So may imagination siya na siya dapat ang nasa kalagayan ko which means siya ang asawa dapat ni Louise? Baliw na nga, assuming pa!

"Don't know what you're talkin' about! Just give me back my ring!" galit na sigaw ko. Bakit pakiramdam ko na maagaw si Louise sa akin? Naiisip ko pa lang, parang di ko na kakayanin.

Maybe it sounds too corny but I don't care, Louise is my everything, my always first. Kahit na ideya pa ng parents namin dati yung arrange marriage, nagpapasalamat na ako ngayon dahil di ko siguro mararamdaman yung happiness kung di dahil kay Louise.

Naka-sitting pretty pa siya habang mataman kaming tinitignan.

"Why would I?" she hissed then tumayo na, erased the pretty word. Hindi naman siya maganda.

Gustong-gusto ko na talaga siyang sugudin pagkakita ko palang sa kanya kanina.

"Vienna. Kumalma ka saglit." si Louise na mahigpit akong hinahawakan, gustong maglaro ni Audrey huh? Tiningnan ko ng napaka-sweet si Louise.

"Okay." I exhaled, "Then kiss me." gulat lang niya akong tiningnan ako, yun na lang lumabas sa bibig ko para pikunin si Audrey. By our eye contact, nagtatanong ang mga mata niya kung seryoso ba ako sa sinabi ko.

I hate waiting so I insisted. I peck her lips.

Now, let's go back to sinto-sinto.

Tinaasan ko lang siya ng kilay parehas kaming babae ni Audrey, parehas din kaming nagmamahal kay Louise pero isa siyang desperada.

"So, wala ka pa rin bang balak na ibigay ang singsing ko?"

Mukhang di pa rin natitinag at tinignan pa ako nang nakaka-insulto.

"Miss Vienna, singsing palang ang nasa akin pero ganyan na agad ang reaksyon mo? Paano pa kaya kung si Louise na?" sa sinabi niyang yun dun na talaga umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. Ako naman ang nagawa niyang pikunin! Pilit na umalis ako sa naka-hawak na kamay ni Louise sa akin dahil kanina pa niya ako pinipigilang wag sugudin ang baliw niyang ex, na napaka-eww lang talaga kung babanggitin.

*SLAP*

Malakas na sinampal ko siya bago pa man siya maka-atras, "Vienna!"

"Wag mo na akong pigilan Louise! Kanina pa ako nagpipigil sa babaeng 'to!"

"What the fck!" nanggagalaiti rin nitong sigaw sa akin. Swerte pa nga siya kung tutuusin dahil first time ko maka-hawak ng isda, at napaka-gaspang pala katulad ng mukha niya!

Maya-maya pa tinigilan ko na ring sampalin na naman siya. Sadyang pinuno lang niya ako sa sinabi nito.

Pero imbis na sugurin din niya ako pabalik, narinig na lang namin na tumatawa siya. An evil one.

It seriously made me shiver. She really got her brain sick. Malala na siya! Napa-hawak ako bigla kay Louise hindi dahil sa naduduwag ako sa Audrey na 'to, para na siyang sinasapian ng kung ano.

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon