CHAPTER 12 : Cat & Dog

59.4K 2.1K 819
                                    

Louise POV

Pumunta na lang muna ako sa kwarto ko at napaupo bigla. Naramdaman ko na lang na may luhang pumatak. Kainis lang talaga, naiiyak na ako sa frustrations dahil sa pesteng arrange marriage na yan!

Tinaggal ko muna ang salaming suot ko at tsaka napahilamos ng mukha. Louise, para ka namang bata, iyakin. Sino bang di maiiyak kung ilang araw na lang ikakasal ka na? Yung papakasalan mo pa ay kinaiinisan nyo ang isa't-isa. Yung tipo ng taong, alam mong di mo magiging ka-sundo, hays. 

Sinuot ko ulit ang salamin ko at tumayo, lumapit ako sa bintana ng kwarto ko at dumungaw sa labas. May kalakihan kasi ang bintana dito, yung tipong kakasya ka kapag lumusot ka. Naiisip ko tuloy na tumalon na lang para dedo na, pero isang kalokohan lang yun kapag ginawa ko. Di ko sasayangin ang buhay ko para lang di matuloy ang kasal namin ni Vienna. Baka magtatalon pa yun sa tuwa kapag ginawa ko nga ang pagtalon ko ngayon. Ano siya siniswerte?

Nag-abang na lang ako ng babagsak na bulalakaw para humiling na hindi matuloy ang mangyayari sa pagitan namin ni arte, o mas mabuti kaya kung bigla na lang nakalimutan nila dad ang mga plano nila.

Napabuntong hininga ako, niloloko ko lang sarili ko sa bulalakaw na yan alam ko namang matutuloy at matutuloy pa rin ang kasal. Kainis.

Natigil lang ang pagmasaid ko sa malalim at malamig na gabi nang may kumatok sa pinto ng kwarto.

Agad kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin si ate Che. "Iha, maaari ba akong pumasok?" tumango ako at pinapasok siya sa loob.

"Mukhang mabigat ang pinoproblema mo ngayon ma'am." aniya nang maupo kami sa couch. "Ate Che, wag niyo na po akong tawaging ma'am." mas okay na kasi ang tawagin na lang ako sa simpleng pangalan ko, bakit ba kapag mas nakakaangat ang buhay mo kaysa sa isang tao ay may ganon pang tawag?

"Bakit hindi? Anak ka ng amo ko kaya marapa't lang na tawagin kitang ma'am. Noon pa lang naman ay tinatawag na kitang ganyan diba?" nagtatakang tanong niya. Kung susuriin, halos magkasing edad lang sila ni ma'am Rina kaya't hindi kataka-takang ganito ang pakikitungo niya sa akin. Kung sabagay, iba naman ang naging buhay ko nung mga panahong nagdaan.

"Ate Che, di na ako sanay. Medyo naninibago pa po ako." sagot, totoo naman talaga yun. Mag a-adjust ka para sa isang bagay at paunti-unti pa lang ako doon. "Ganun ba? Kung siguro ba'y hindi ka tumakas sa iyong ama ay malamang di mo na lang papansinin ang pagtawag ko sayo ng senyora. Kabataan talaga." pailing-iling pa siya habang sinasabi ni ate Che yun, bahagya tuloy akong napatawa ng mahina.

"Ate, malaki na ako. Kaya lang naman ako tumakas kay dad dahil sa kagustuhan niya. Pangarap ko na po ang pinag-uusapan doon kaya tumutol ako sa kanya." paliwanag ko habang inaalala ang mga pagkakataong sinugal ko ang lakas at pawis ko para lang makatungtong sa course na Architecture. 

"Kung gayon ba ay di ka na tutol sa kagustuhan na iyong ama ngayon?" napakunot noo naman ako doon, alam ni ate Che? Hinintay ko na lang siya magpatuloy sa pagsasalita para maunawaan ko kung ano nga ba nalalaman niya.

"Ilang buwan na ang nakakalipas, lagi ko na lang naririnig ang mga magulang mo na nagtatalo. Yun pala ay ipinagkasundo ka na ng ama mo noon pa lang na ikasal, ang mommy mo naman ay tutol dahil ang matagal nang ipinagkasundo sayo ay di inaasahang parehas kayo ng kasarian. Susmaryosep!" 

Literal na nanlaki ang mata ko dahil dun, pero napalitan rin agad ng lungkot at hinanakit ng loob para kay dad. "Hindi po ako makakapag-suway tungkol sa kasal na yun ate Che. Madadamay ang pangarap kong maging isang architect balang araw, kilala ko po si dad alam ko kung ano ang kaya niyang gawin para lang sa gusto niya. Kaya pala noong mga nagdaang buwan, di na niya po ako pinakailaman sa kinuha kong course dahil ito po ang kapalit." habang kini-kwento ko kay ate Che ang lahat na nangyari parang pahina naman ako ng pahina. Bakit kasi ako pa? Bakit siya pa? 

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon