CHAPTER 25 : Confession

67.6K 2.3K 2.2K
                                    

Louise POV

Katatapos lang ng third subject namin nang lumapit si Zac sa akin, siya yung naka-partner ko last time sa isang subject.

"Hi Louise." ngiting bati niya sa akin, napatingin naman ako sa kanya more like napatingala pa. Matangkad kasi itong si Zac kaya mapapatingala ka talaga.

Nagtaka naman ako kung bakit bigla na lang niya akong nilapitan. "Ikaw pala Zac." sabi ko na lang habang inaayos ang gamit ko. Pakiramdam ko naman parang may mga nakatingin sa akin, lihim akong luminga-linga sa paligid.

May ilang babaeng nakatingin sa akin at matalim na nakatingin, paano ba naman at nakikipag-usap ako kay Zac crush siguro nila. Heartthrob kung ituring ang lalaking nasa harap ko ngayon, pero di tulad nang ibang lalaki mabait siya at hindi mayabang.

"May kailangan ka ba?" tanong ko pa. Hindi ko na alintana pa ang mga matang nagtataka sa akin. Sino nga bang lalaking ubod ng kagwapuhan ang lalapit sa isang nerd lang na tulad ko? Hindi naman kasi talaga ako pansinin. Buti nga di nila ako pansinin pa, ma-bully na naman ako tulad dati.

"Ah wala naman. Yayain sana kita na sabay tayong kumain sa canteen."

Ha?

"Ako?" nagtatakang tanong ko, tinuro ko pa ang sarili ko baka nantitrip lang itong si Zac.

Lihim naman napadako ang tingin ko sa sqaud nila Vienna na kalalabas lang ng room. Ano pa nga ba at poker face pa rin ang lola nyo, porket magaling na siya tsk.

Natawa naman si Zac at pabiro pang tinapik ang balikat ko.

Wait. May nase-sense ang gay radar ko na something dito kay Zac ah.

Mas kapani-paniwala pa siguro kung hinaplos niya ang balikat ko, e kasi sa kanya tapik e. Parang ano..teka baka masyado lang ako nagiging OA paano ba naman may OA rin akong kasama sa bahay.

"Oo, may iba pa bang Louise dito?" ngiti pa niya, yung super tamis. Pero off limits.

"Ah eh a-ako nga lang." sabi ko, nahiya naman ako bigla. Oo nga naman, ako lang naman ang Louise dito sa room.

"So tara?" ayan na naman ang ngiti niya. Nakakasilaw nga eh. Ganda ng ngipin niya, perfect teeth.

Di ko alam kung tama ba ang magiging desisyon ko pero tumango na lang ako. Bakit hindi? Na-mention ko na kanina yung ilan kong babaeng kaklase na nakatingin sa akin na parang papatayin ako, mamaya nyan harangan nila ako at ipapasalvage.

OA mo talaga.

Kung bakit ba naman kasi ngayon pa naisipan ni Jamie na lumiban sa klase. Si Audrey naman hindi ko naman kung ano nang nangyari sa kanya o kung kamusta manlang siya. Simula kasi noong hmm insidente na hinalikan niya ako di ko na siya nakikita o nakakausap, marami na rin kasing naganap.

"Louise, ayos ka lang ba?" tanong ni Zac pagka-punta namin sa cafeteria, lalong na-conscious ako dahil maraming nakatingin sa aming dalawa ni Zac. Mamaya magtsi-tsismisan na sila at dadami ang mag-bubulungan. Kesyo bakit magkasama kami, basta talaga in o may itsura ang kasama mo pag-iisipan ka nila ng kung ano. Kita nyo na?

Ganyan din ang mga tingin nilang yan sa akin noong nakita nila kami na magkakasamang tatlo ni Jamie, kung alam siguro ng lahat kung sino ako at kung ano ang kaugnayan ko sa paaralang pinapasukan nila, ganun pa din kaya?

"Zac, mauna na ako sayo ah? Next time na lang s-siguro.. May importante pa akong gagawin." palusot ko, di ako komportable eh. Sa library na lang muna ako, ang totoo nagsinungaling lang ako na may gagawin akong iba. Ang totoo vacant time na ang kasunod.

"Pero Louise.." pigil niya pa sa akin. Binigyan ko na lang siya ng pilit na ngiti. Pigil pa ang pagkagat ko sa labi ko dahil sa pagsisinungaling ko. Mamaya pag-isipan pa niya ako ng ano eh.

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon