CHAPTER 43 : No More Secret

94.8K 2.6K 1.9K
                                    

Louise POV

Grabe ang maarteng yun, matapos akong mangalay 1 lang score ko? Hustisya naman!

Ah. Pero hindi ko inasahan na magagawa namin yun sa tagong lugar, hindi ko na pigilan..basta ang alam ko yun na ang pumasok sa isip ko.

"Cutie, bakit parang init na init ka?" bulong sa akin ni Joice, pero lalo lang akong namula.

"H-hindi naman." sagot ko at umiwas ng tingin, mahalata pa niyang may ginawa kaming iba dun. "Ah okay." parang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko? "Bakit mo ba tinatanong Joice?" naramdamam ko na lang na may kumawit na naman sa leeg ko. Si Vienna, ang hilig yumakap eh nasasakal ako.

"Wala lang Vi, masama bang magtanong?" asar naman ng kaibigan niya. Tumawa na lang ako ng mahina, baka si Kayla din ang makahalata kung bakit kami natagalan kung saan man kami galing.

Nagbibiruan lang sila, habang nakatingin lang ako. Tama nga ang kutob ko noon pa lang na isa nga sa mga kaibigan ni Vienna ang alam ang pagkatao ko, pero sa totoo lang dalawa pa nga silang nakatuklas. Ang nakaka-gulat pa dun, nagkaroon sila ng something sa isa't isa dahil sa amin.

Napangiti ako.

Hinarap ko si Vienna sa akin, niyakap ko siya sa bewang. Wala na siguro kaming pakialam kung iba ang isipin sa amin ng ilang turista na nandito din, baka nga kaming apat na ang highlight ngayon dahil kanina ko pa napapansin ang harutan nila Kayla at Joice.

"Ano na namang balak mo huh?" naka-ngising tanong niya habang nakalagay ang dalawa niyang kamay sa balikat ko. Mas hinigit ko pa siya sa akin, at kunwaring parang tinuturuan ko lang ang katawan niya na lumutang. "Gawin natin ulit dito?" pilya kong tanong, grabe naman ang hormones ko mag-release kaya kung anu-ano na lang nasasabi at nagagawa ko.

"Louise!" saway naman niya haha. Tinitigan ko lang siya sa mukha at simpleng hinipan ang ilang hibla ng buhok dahil natuyo na ang ilan. Mas lalo ko lang siyang minamahal sa bawat araw na lumilipas.

"Stop eye-f*cking me." singhal niya. Bastos talaga ng bunganga eh, sapat na sa akin na gawin yun ng isang beses sa kanya ngayong araw na 'to pero iba naman ang naiisip niya.

"Kapal mo." asar na sagot ko sa kanya, gigil na lumambitin pa sa leeg ko. "Unggoy ka ba?" tanong ko pa. "Duh. Unggoy ang ganitong mukha?" naman! Ang lamig na nga ng tubig dito papalamigin pa niya sa kahanginan niya.

"Get a room, you two!" alam naming si Joice yun kaya napa-bitaw siya sa akin bigla. Kapag talaga katabi mo ang mahal mo di ka na aware sa paligid, parang may sarili lang kayong mundo.

Okay. Ang corny mo na Louise.

"Baliw talaga." sabi niya. Nginitian ko lang siya, yung ngiting kontento at masaya dahil sa kanya. Kumaway sa amin si Kayla, nandun pala sila ulit sa talon.

Lumangoy kami papunta dun at wow parang minamasahe ang likod ko dahil nga sa malakas ang pagbagsak ng tubig. Hindi din siya malimig sa pakiramdam. Karamihan nandito ang mga tao kaya pasalamat na lang ako na walang nagpangahas na tumingin sa kwebang yun.

Nag-dive ulit kami sa tubig bago naisipan nila Kayla na sumampa sa balikat namin ni Joice. "V-Vienna..may balak ka bang paagahin ang pagkamatay ko?" nahirapan akong sabihin yun dahil sumakay na siya sa balikat ko. "Aww!" napangiwi ako, inaayos niya kasi ang pag-upo hilahin ba naman ang buhok ko.

"Opps. Sorry!" pa-cute niyang sabi, di ko man makita ang mukha niya pero alam kong nang-aasar siya.

Pagkatapos ng laro o kung matatawag nga bang laro yun dahil masakit na ang katawan ko, umahon na rin kami. "Ang galing ko diba?" naka-ngiting bulong niya, palibhasa nanalo kay Kayla eh. Pinisil ko na lang ang ilong niya, nakakagigil.

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon