CHAPTER 21 : When Audrey Strikes

70.6K 2.4K 2.1K
                                    

Louise POV

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa biglaang pagtulak niya sa akin.

Napaawang ang labi ko sa nangyari, hingal at hinahabol pa rin ang hininga. Dinaig ko pa, I mean siguro namin ang isang runner na tumakbo ng mahabang kilometro.

Narinig ko ang isang malutong na "Fuck you" nito sa kausap niya sa phone. Aba talagang bastos ang bunganga eh, tumayo na ako agad dahil nag-iinit yata ang paligid dito sa room na fully air-conditioned naman.

Bago ko tuluyang lisanin ang nasabing kwarto na muntik na naming gawan ng kung ano, nilingon ko muna siya at may nabasa akong iba sa mata niya.

Yung singkitin niyang mata na lagi kong nakikita, parang namilog ngayon. Aware naman ako sa kung ano ang meron sa mata niya, na ngayon ko lang nakita. Mukhang na-aroused rin siya. Iniwas ko na agad ang tingin sa kanya at baka mahalata pa ang lust sa mata ko.

Umalis ako ng kwartong yun at umakyat pataas sa kwarto ko. Parang may nagtatakbuhang kung ano sa dibdib ko, dahil pa rin siguro sa sobrang intense ng kiss na ginawa namin kanina. Sino nga bang hindi maa-aroused kung french kiss yun diba? Idagdag pa na damang-dama namin yung halik. Naalala ko tuloy bigla yung posisyon namin kanina, parang ang awkward lang.

Ang hirap naman niyang paamuhin. Daig niya pa ang isang mabangis na hayop. Napaka-walang tiwala niya kasi at akala ata ay dinaya ko ang pagka-check ko sa mga sinagutan niya.

Hays..

Paniguradong lalong nadagdagan ang galit nun sa akin. Eh pero diba siya naman ang nag-initiate? Nakaka-intimidate pa naman siya minsan, at aaminin ko yun. Hindi ko naman alam ang tumatakbo sa isip ng isang yun, unpredictable nga siya gaya ng sinabi ko noon.

Hinarap ko ang salamin at tiningnan ang sarili ko. Medyo lukot pa ang damit ko. Louise, nakipag-deep tongue ka lang naman sa maarte at maingay na yun..

Pati ang lips ko na-moist pa rin hanggang ngayon. Kinuha ko na lang yung salamin na hindi ko sinuot kanina at narinig ko na lang na tumutunog pala, may tumatawag.

"Mom? Napatawag ka?" sagot ko, ang nanay ko pala ang tumatawag. Anong oras na ba? Pasado 8:45pm na pala, halos inabot na pala kami ni Vienna sa pag-lecture ko sa kanya, sa pang-aaway niya sa akin at ang halikan namin.

Tsk. Masama ito.

"Kinakamusta lang kita anak, si Vienna iha? Kamusta na rin siya, pasensya anak di namin kayo naaabutan ng dad mo kapag nasa mansion kayo." may himig pa ata ng lungkot ang pagkakasabi ni mom, si mom talaga. 

"Naiintindihan ko po. A-ayos lang rin po siya." tukoy ko kay arte. 

"Louise may problema pa rin ba sa pagitan nyong dalawa? Wag mo siyang sukuan anak kung may mga bagay na hindi nyo pa rin mapagka-sunduan." 

Mothers knows best nga naman. Ang lakas din ng instinct ng mga nanay kung tutuusin, siya pa nga nakatuklas na gay ako, na hindi ako kasing straight ng ruler. Kahit nga ako di ako makapaniwala sa sarili ko na ganun ako, akala ko confused lang ako pero hindi. I just found out that I'm checking out girls, nagtatago lang ako sa suot kong salamin ganyan ang naging takbo ng buhay ko simula nang matuklasan ko yun sa sarili ko.

Ni isa nga wala pa akong naging girlfriend pero tinamaan yata ako ng kamalasan at may asawa na. Sa mata ng batas at sa pinagkasunduang papel. Napangasawa ko ang isang Vienna Cheng.

"Sige mom. Susundin ko po."

"Ibababa ko na ang tawag anak at nga pala pumunta kayo bukas sa mansion. Doon kayo magdi-dinner ni Vienna kasama ang pamilya niya."

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon