CHAPTER 31 : Valentines Special

81K 2.7K 2.6K
                                    


Louise POV

Matapos kong maka-tanggap ng mag-asawang sampal kay Tricia nahagip ng mata ko si Vienna kasama ang mga kaibigan nito. Mag-asawang sampal dahil kabilaan ba naman, pero mas masakit yung ikalawa dahil tumama ang mahahabang kuko nito sa labi ko. Kainis nga eh.

Ang dahilan lang naman kasi ay dahil kasama ko si Zac, na gusto ni Tricia. Naman! Inaakala siguro na nilalandi ko ang huli, eh sa ibang pederasyon naman ako nabibilang. Yung pakiramdam na niyaya ka lang niya na sabay kayo kumain tapos may biglang eeksana para higitin ako at pagsalitaan ako ng kung ano-ano.

Hindi naman gaanong masakit para sa akin yung mga sampal niya, pero yung mga pambibintang niya simula kanina pa hindi ko na matanggap. Nagkaroon tuloy ng kumpulan dito sa cafeteria, tinitingnan ako na may panghuhusga sa mga mata nila. Ngayon ko na lang ulit maramdaman simula nung ma-bully ako ni Vienna.

Vienna Cheng..

Nagulat na lang ako ng bigla niyang sinugod si Tricia at sinabunutan ito. Grabe, anong naisip niya at pumatol pa siya kay Tricia? Napalunok ako ng mapansin kong mukhang nasasaktan na yung isa sa pagkaka-higpit ng paghila sa buhok niya.

Lalong lumakas ang ingay sa cafeteria, yung tipong pati mga nagtitinda eh nakikinood na rin. Meron na ring nagpupustahan. Kami ni Zac, gulat lang na nakatingin dun sa dalawa.

Hindi ko man alam kung anong tumatakbo sa isip ni arte pero nakikita ko naman ang galit sa mata nito.

Maingay ang paligid pero sa kanya lang ako nakatingin, pinapakinggan ko ang mga sinasabi niya ano pa nga ba at nakipag-trash talks siya. Bakit ba ganun na lang ang galit niya?

May natanaw akong prof. na papalapit sa amin kaya mabilis na bumalik sa kanya-kanyang mga ginagawa ang estudyante, maging si Tricia at dalawa pa naming blockmates, halatang nahintakutan kay Vienna.

Nakita ko kung paano siya pumunta sa direksyon ko at mas nakita ko pa ang galit sa mata niya. Galit ba siya sa akin? Ano naman ang ginawa ko?

"Let's go." aniya at hinawakan ang kamay ko, nakipag-titigan pa siya ng masama kay Zac ng masama.

Hindi na ako nagtanong pa kung saan niya ako balak dalahin. Ang alam ko lang pinagtitinginan na naman kami.

"Tell me what happened.." mahinahon na niyang tanong, hindi gaya kanina na kulang na lang sumigaw siya. Pero hindi ko rin naman masasabi kung mahinahon na nga ba talaga siya.

"H-hindi ko alam." ayaw ko munang magsalita dahil kumikirot ang gilid ng labi ko. Napaka-immature naman kasi ng babaeng yun.

Naramdaman ko pa lalo ang paghigpit ng kamay niya sa kamay ko.

Napansin ko na lang na papunta pala kami sa clinic. Naalala ko bigla si Jamie, wala kasi siya sa eksena sa nangyari kanina. Nag-cr muna siya, ewan ko lang kung bakit sobrang tagal niya bumalik malamang siguro nagpaganda pa yun. Pero kung naabutan niya ako sa ganun lagay, magiging tiger look yun napaka-over protected niya kasi sa akin kaya ko siya naging kaibigan at ganun rin ako sa kanya.

Si Audrey naman, nagiging busy ulit siya pero sana wag na niyang totohanin na gagawin niya ang lahat para makuha ako. Grabe, parang sobrang ganda ko naman diba para isipin pa yun? Akala ko nga nung una trip niya lang ko, knowing na wala sa itsura niya ang maging gay, ang alam ko nga marami siyang naka-date na guys noon.

"Mind to Earth Louise." napa-tingin ko sa kanya ng banggitin niya ang pangalan ko. Hindi naman sa first time niya ako tinawag sa pangalan ko, parang ano kasi eh.. sobrang lambing nung pagkakasabi niya.

"Sorry."

Lumingon siya sa akin matapos kong sabihin yun. "Don't be." uh bakit ang lambing niya ngayon?

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon