CHAPTER 23 : Unusual Vienna

69.7K 2.8K 2.5K
                                    

Louise POV

Hindi ko malaman kung bakit wala manlang reaksyon si Jamie sa sinabi ko, para bang alam niyang kayang gawin sa akin ni Audrey ang bagay na yun. Di na kasi ako mapakali kaya na-kwento ko agad sa kanya dito sa room. Yung paghalik sa akin ni Audrey na di ko pa rin nakakausap hanggang ngayon. Sa sobrang pagka-bagabag sa akin nang bagay na yun na-ikwento ko naman agad kay Jamie wala naman akong pwedeng ibang pagsabihan.

Wala pa naman si Prof. Wenceslao kaya nagkakagulo na naman ang klase, tinaguriang mga Class-A pero nandun pa din ang immaturity nila.

"Jamie, wala ka manlang bang reaksyon diyan? O magugulat manlang?" tanong ko, nag-snapped finger pa ako sa harap niya, bored lang siyang nakatingin sa akin tapos ayun wala lang. Ano ba naman 'tong si Jamie? Magpalit na kaya ako ng kaibigan?

Doon ko lang napansin na lumabas pala ng room si Vienna, hinang-hina at halata talagang may sakit. Ayaw kasing magpapigil eh, sinabing nang wag pumasok! Tigas ng bungo niya ah. Gusto niya talagang laging napapahamak.

Susundan ko sana siya baka kung mapano pa siya sa daan, pero naisip ko rin na baka maghinala si Jamie na bakit ako susunod sa kalalabas lang na si Vienna, naghinala na nga siya nun noong ilang araw kaming nawala dahil kinasal kami.

Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Kahit kelan ka talaga Vienna Cheng.

Nakaramdam na lang ako ng may kumurot sa akin.

"Bakit?" nakakunot noong tanong ko kay Jamie, siya lang naman ang gagawa sa akin nang bagay na yan. Napangiwi pa ako kasi ang sakit niya mangurot.

"I saw that!" ngisi niya, di ko naman siya ma-gets. Ang ingay pa rin ng buong klase ang class president naman, isa din sa nagpapasimuno ng ingay. Lalaki ba naman.

"Anong nakita mo?" tanong ko. Baka may nakikita siyang hindi ko nakikita, wag naman sana.

"Patay malisya lang girl? Nakita ko na sinundan mo ng tingin si Vienna." at lalo pang lumawak ang ngisi niya. Eh ano namang problema kung sinundan ko ng tingin yung maarteng yun? Pero sabagay hindi naman niya kasalanan na hindi niya alam na asawa ko -- *cough* si Vienna Cheng.

"Tapos? Bakit mo naman ako kinurot?"

Nakita ko ang pag-irap niya sa sinabi ko, eh? Para saan naman yun?

"Let's go back to our topic, when Aud kissed you--" pinanlakihan ko siya ng mata, baka kasi may makarinig kahit ang ingay ngayon. Bukod sa madaldal si Jamie, malakas ang boses niya na akala mo eh nasa palengke at nakikipagtawaran.

"I mean, when she did that it didn't occur to you ba na baka you know.. she has a thing for you best friend!" bulong niya pa, may kasama pang tapik sa balikat ko. Ano raw? Si Audrey may thing sa akin? Teka nga.. di ko pa rin maintindihan! Tsaka anong thing yun?

Napapailing na lang siya habang tinitingnan ako, eh sa di ko ma-gets. Di na lang niya i-direct to the point, dami niya pang paikot-ikot.

"Don't make that thing literally Louise. Hindi ka naman bato bakit di mo mapansin-- whatever, hindi ako ang taong magsasabi sayo ng bagay na yun." ngiti niya at kinindat pa ako.

Bato raw? Tapos yung thing na naman. Ayun ba ang tinutukoy niya? Sabi niya huwag ko raw i-literal eh.

Hindi ko na lang muna pinansin ang bagay na yun, lalo lang gumugulo ang utak ko at na saan na ba si Vienna?

Bigla naman ang pagbukas ng pinto, baka si arte na yan. Buti naman at nakabalik na siya agad. Tsk.

Pero sa di ko inaasahan si Prof. Wenceslao pala, akala ko pa naman si arte na. Hindi ko naman mapigilang mag-alala, clumsy yun eh.

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon