CHAPTER 19 : Guilty

65.5K 2.4K 679
                                    

Louise POV

2 months later..

Ang bilis ng araw, at nagpapasalamat ako dahil dun. Buwan na ng October ngayon, nalalapit na naman ang bagong semester? Akalain nyong 2 years and 10 months na lang hihintayin ko at makakawala na ako sa maarteng yun! Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos, nakakailang beses akong nakakapagtimpi sa isang araw pero wala din dahil nauuwi din kami sa bangayan.

Third subject na namin ngayon ang Architectural History sa hapon. Oo hapon na naman agad, at naiisip ko na naman ang pwedeng mangyaring sagutan sa pagitan namin ni arte. Dahil minsan di ko mapigilang sagut-sagutin siya, nakakarindi kasi. Goal ko rin naman na magkaayos na kami, ang kaso lagi yata siyang nagp-PMS!

Ang activity namin sa subject na 'to ngayong araw ay reporting lang, ano pa nga ba at by 2s na naman ang pairing. More on reporting lang naman lagi ang subject na to dahil tinatalakay lang namin ang history. Nakahinga naman ako ng maluwag na hindi si arte ang ka-partner ko, bakit nga ba nag-eexpect ako na maka-partner siya?! Lalaki ang partner ko, may isang babae kasi ang absent kaya nagsakto sa bilang.

"Zac and Louise." sabi ni Prof. Mercado, substitute ni Prof. Ruz dahil nasa ospital siya. Matanda na kasi, puro may mga edad na rin kasi ang mga professors na nagtuturo dito. Si Prof. Mercado ay isang practice teacher lang, di pa siya totally na natatanggap dito sa LCU para magturo, o kung dito ba niya gustong mamasukan. Kung tinatanong nyo kung babae ba siya o lalaki. itanong nyo na lang sa mga kaklase kong lalaki na halos lumuwa na yata ang mga mata kapag siya na ang subject teacher namin, sexy kasi at maganda. Tama lang rin ang height at kung di ako nagkakamali tatlo na taon lang siguro ang gap niya sa amin. Kaya nga practice teacher malamang ay bagong graduate lang si Prof.

May Vienna na nga, tumitingin pa sa iba.

Luh!

"I'm calling out Ms. Louise again to went in front and report your topic with Mr. Zac." bigla naman akong siniko ng katabi kong si Jamie, at ngumuso sa unahan. Na-curious naman ako kung bakit, doon ko lang napagtanto na nandun si Zac, ang partner ko sa activity!

Natutuliro na ako sa dami ng iniisip ko. Kabadong pumunta ako sa unahan, hindi kasi ako sanay na nagsasalita sa harap ng maraming tao. Mas nag-eenjoy pa ako na nasa library lang at tahimik.

"O-our topic is about the architectural history of Roman Architecture." nautal pa ako sa unang part.

Chill Louise. Magrereport ka lang!

"Roman architects continued to follow the guidelines established by the classical orders of the Greeks had first shaped: Doric, Ionic, and Corinthian." salita kami ng salita ni Zac sa unahan at siguro kalahati lang ng ng klase ang interasado at nakikinig, at ang kalahati naman ay halos pinipigilan lang na makatulog sa klase.

Ilang beses rin akong nagkamali, at sa bawat pagkakamali kong yun walang ginawa si arte kundi ngumisi lang. Di ko naman ginugusto na tumingin sa kanya pero mapapatingin ka na lang talaga dahil nasa unahan ka. Ang sarap lang burahin ng mga ngiting yun!

Noong sila na ng partner niya ang magrereport, ang topic nila ay tungkol sa Chinese Architecture ng Great Wall of China. Napailing ako ng palihim, malamang ideya niya yun. Bago pa man siya magbigay ng information and facts tungkol sa topic nila, nagpakitang gilas muna siya sa pagmamandarin.

Tss. Bilib na bilib naman ang buong klase, sanay na ako sa pagmamandarin niya. Di ka pa ba masasanay kung multilingual siya kapag paginaaway ako? Nandyan ang Tagalog, English, at Mandarin ng mga tirada niya sa akin! Isa pa may dugo siyang Chinese kaya di ko malaman sa ilan kong kaklase kung bakit manghang-mangha sila sa kanya.

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon