CHAPTER 13 : The Unwanted Marriage

66.2K 2.3K 392
                                    

Louise POV

Pagkatapos kong bitawan si arte ay tumagilid na agad ako, isa pa hindi pa naman siya tapos kumain kaya mas mabuting mag-isa muna ako. Normal naman na ulit ang paghinga ko di gaya kanina, bata pa lang naman ako ay pinaalalahanan na ako nila mom na wag na wag kakain ng pagkaing may peanut. Dahil na nga sa allergy ako dito. Hindi din naman namin alam kung ano ang sanhi kung bakit ako nagka-peanut allergy, pero base na rin yun sa siyentipikong pag-aaral.

Napailing na lang ako dahil di ko akalain na may kagandahang loob din pala ang isang yun. Halata nga ang nerbyos sa mga singkit niyang mata kanina, na-obserbahan ko yun kahit nahihirapan akong huminga. Kaya naman bukal sa loob ko na pasalamatan siya kanina, dahil pwede kong ikamatay ang simpleng pagkain lang nun, na-enjoy ko ba naman yung dessert na yun tsaka huli ko na nung malamang may lahok na makakasama pala sa akin. Humarap na lang ako ulit at bumungad sa akin ang isang puting ceiling pero agad rin namang napalitan ng mabugaran ko ang nakataas-kilay na si arte. Ang bilis naman nyang matapos?

"Okay ka na right? You can leave now my room, shoo!" sukat noon ay napa-upo naman ako bigla sa sinabi niyang yun, maka-shoo eh parang aso ako. Wala na ang pamumula ng balat ko, mukhang okay naman na talaga ako. "Oo na! Maka-shoo ka dyan!" nagsisimula na naman kaming mag-bulyawan, parang kanina lang makapag-panic siya eh wagas. 

"Who cares? Now shoo and please lock the door, k?" tuluyan na siyang nag-gesture nang pagtataboy sa akin, talaga namang ang arte.

"Bakit ka ba nagmamadaling paalisin ako ah? Akala mo naman may gagawin ako sayo, tss." sa tingin ko lang naman, baka iniisip niyang may gawin akong something sa kanya kesyo nalaman na niya kung saang pederasyon ako nabibilang.

"I wasn't thinking about that!" hindi daw! Sino ba talaga ang niloloko ng maarteng to? Ako o yung sarili niya?

"Hindi? Alam mo nga agad yung tinutukoy ko, wag ka nga! Di kita pagnanasaan kahit kailan! Itaga mo yan sa bato ah! Night.." sabi ko at tumayo na agad, balak niya kasing batuhin ako ng unan niya. Bago ko pa man tuluyang makalabas ng kwarto niya, umatake na naman siya, "Whatever! I am gorgeous and sexy as hell kaya di malabong may gawin ka sa akin. I know you can't resist me!" natigilan naman ako dun, ang hangin niya masyado eh. Sabihin na nga nating may mukha siyang ihaharap pati yung sexyng katawan niya kuno pero ilugar naman niya yun dahil masyadong mataas ang self-confidence niya. 

"Arte! Kilabutan ka nga dyan sa sinasabi mo, ikaw lang nag-iisip ng ganyan." sagot ko naman at tuluyang sinara ang pinto ng kwarto niya, Napaka..napaka! Kaasar, babae pa rin naman ako kahit di na tuwid! 

Kanina pa ako paikot-ikot dito at di ko malaman kunng saan nga bang kwarto ang tutulugan ko. May ilang kwarto naman akong nakita pero naka-lock naman. Masyadong magarbo itong private plane nila arte, hmm nagagawa nga naman ng pera. Hanggang sa mga maliliit na gamit ay halatang mamahalin ang mga ito. 

"Miss Louise, bakit hindi ka pa natutulog?" napalingon naman ako sa nagsalita, siya yung babaeng crew kanina na nagbigay sa akin ng dessert. "Wag nyo na po akong i-miss, kahit Louise na lang po." tingin ko ay mga kasing edad niya si ate che. "Crew lamang po ako dito at mas nakakataas pa rin po kayo sa akin. Pasensya na rin po sa nangyari kanina." napangiwi ako dahil dun hindi dahil sa nangyari kanina kundi dahil sa sinabi niyang kesyo mas nakakataas ang angat ko sa buhay, binabasta-basta niya lang ang pagiging crew niya, marangal na trabaho kaya yun.

"Wala po yun, di nyo naman po kasalanan dahil di nyo alam. Matanong ko lang po kung saan ba ang kwarto ko dito? Puro mga naka-lock po yung mga nadaanan ko kanina." magalang at sunod-sunod kong tanong, nakakaramdam na rin kasi ako ng antok at tingin ko nga ay 10 pm na.

"Tungkol po riyan, binilin po sa akin ng dad nyo na sa iisang kwarto lang po kayo matutulog ni Miss Vienna." parang biglang nawala ang antok ko dahil doon! Ano na naman ba itong pakana ni dad?! Nakakainis na ah!

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon