CHAPTER 38 : Make It Wih You

104K 3.3K 3.3K
                                    

Louise POV

Kanina pa ako dito nakahiga sa di gaanong malambot na kama habang nakatingin sa kisame. Iniisip ko ang mga nangyari, kaya ang hantungan ko ngayon bumalik ako sa dati kong inuupahang boarding house.

Alam ko na masyadong naging ma-drama ang nagdaang linggo, kahit naman hanggang ngayon ganun pa din. Gusto kong lumayo sa lahat ng mga nagbigay sa akin ng hinanakit, gusto kong sarili ko naman ang iisipin ko.

Pina-iyak na naman ako ng maarteng yun kanina, pasalamat na lang talaga siya at mahal ko siya. Wala naman akong ibang mapag-sasabihan ng mga hinanaing ko kaya hanggang utak ko na lang sinasabi.

Lakas ng tama niya na sabihing masarap raw sa kama si Audrey, hindi ba niya alam kung anong pagpipigil ang ginawa ko para walang mangyari sa amin? Syempre hindi, wala naman yung pakialam. Siya lang iniisip ko ng muntik nang may mangyari sa amin ni Audrey, nakipag-laban ang utak at puso ko sa katawan ko dahil sa pinainom niya.

Dapat iniiwasan ko na rin muna si Audrey dahil sa nangyari, hindi ko alam na may balak na pala siyang ganun sa akin. Hindi rin naman mangyayaring mamahalin ko din siya kung sakaling may nangyari nga, lalo na kung nakuha na ni arte ang kiliti ng puso ko.

"Corny ko! Hanggang dito ba naman ang maarteng yun pa din?!" inis na bulong ko sa sarili, pinadyak ko pa ang unan sa paanan ko.

Nalaman ko kanina na nag-away na naman si Vienna at Audrey, kulang na lang maging arena ang cafeteria. Nakita ko ang bakat na kamay ni Vienna sa mukha ni Audrey, mukhang malakas ang pagkaka-sampal niya. Hindi ko na inalam kung anong dahilan kung bakit kulang na lang mag-sambong sila, pero nag-alala pa rin ako ng husto sa maarteng yun.

Pero paano ko nga ba iiwasan si Audrey? Parang aping-api siya ni Vienna kanina, hindi ko alam kung may iba pang pina-plano si Audrey para sa kagustuhan niyang mahalin ko rin siya pero dapat hindi ko din siya basta na lang husgahan. Simula't sapul mag-kaibigan na kami.

Tiningnan ko ang phone ko at 6:46 pm na pala. Hindi ko pa naaayos ang ilan kong gamit dito sa boarding house, hindi alam ni dad na umalis muna ako saglit sa bahay namin at sana huwag muna rin niyang malaman dahil panigurado akong gagawa siya ng paraan para maka-balik ako dun. Kailangan ko rin naman na mag-isa, wala sa bokabularyo ko ang salitang move on pero kailangan ko din nun.

"Kumain na kaya siya?"

"Baka matakot yun dahil mag-isa lang siya."

"O baka naman mas natutuwa pa siya dahil wala na ako dun?"

Napa-hilamos na lang ako ng mukha, parang gusto kong bumalik ulit. Hindi ko malaman kung bakit kahit na sinaktan niya ako nang makailang beses kalagayan pa rin niya ang iniisip ko? Ganito ba talaga pagdating sa love?

Nagkasya na lang ako sa mga selfies niya sa phone ko sa lahat ng lugar na pinuntahan namin, hindi naman ako yung tipo ng taong magdi-delete ng pictures ng mga taong nanakit sa kanila kesyo gusto nilang makalimot. Kahit manlang dito masilayan ko ang mukha niya, yung mukha niyang laging nakasimangot pero parang dyosang bumaba sa langit kapag ngumiti.

Kung may mga awards lang sa mga tangang kagaya ko malamang marami na akong trophy na naiuwi.

Hindi talaga ako mapakali kung dito lang ako sa boarding house. Nagsisimula nang dumilim sa labas pero sadya yatang may utak rin ang katawan ko at naghanap na lang ito ng maisusuot na jacket. Namalayan ko na lang na naka-labas na ako, alam ko kung saan ako dadalahin ng mga paa ko.

Ganito ba ang tamang pagmo-move on Louise? Malamang hindi! Tama bang puntahan ko pa siya eh nag-evacuate muna ako panandalian?

"Ngayong gabi lang, promise!" bulong ko sa sarili ko at saglit na tumingin sa phone ko, mukha niya ang bumungad sa akin.

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon