CHAPTER 45 : Secretly Married A Nerd

73.8K 2.7K 2.7K
                                    

Louise POV

"Hello po." ramdam ko na may kumalabit sa akin habang busy ako sa pag-manage ng mga booths na ginagawa by departments. Automatic na napangiti ako nang makita ang taong kumalabit sa akin, paano ba naman ang cute niya. Lalo na ang hairstyle nito na katulad ng hairstyle ni pucca.

"Hi!" ganting bati ko naman sa bata na kasing edad ni Lance, napansin ko pa na may hawak siyang brown envelope sa kamay nito.

"Kilala nyo po ba si ate Audrey?" nagtaka naman ako bigla, bakit sa lahat na pwede niyang banggiting pangalan ay siya pa? Hindi na talaga ako natutuwa sa panggulo niya sa amin ni Audrey, lalo na nung nakaraang tatlong araw harapan pa niya akong hinalikan.

"Oo little girl, may kailangan ka ba sa kanya?" tanong ko agad at tinanggal sa isip ko ang gumugulo na naman sa akin.

"Wala po. Pero mukhang ikaw po ang may kailangan sa kanya." sabay abot niya ng envelope na
hawak nito.

"Galing sa kanya 'to?"

"Opo." tuluyan na akong napakunot-noo. Tatanungin ko pa sana yung bata pero naka-alis na pala ito. Ang hirap naman kung hahanapin ko pa siya sa dami ng tao.

Binalot agad ako kaba sa hindi ko malamang dahilan.

Tumabi lang ako sa gilid para makita na ang nasabing laman ng envelope. Malamang na panibagong pictures na naman ito ni Audrey sa amin ni Vienna. Para saan pa kung alam na niya ang lahat diba?

Napalunok ako pagka-tingin ko sa unang picture.

Paanong–?

Minabuti ko na tingnan lahat ang pictures, magka-tabi kami sa iisang kama ni Audrey pero pikit ang mga mata ko at mukhang tulog ako ng kinuhaan niya ito. Pero sa last picture, tuluyang nagimbal ang emosyon ko.

Sa sobrang galit.

Sobra na nga talaga si Audrey, hindi ko alam ang binabalak niya. Pero ngayon pa lang sinasabi ko na kapag nalaman 'to ni Vienna, kakalimutan kong kaibigan ko siya.

May katotohanan nga na magkasama kami sa iisang kama ni Audrey, pero hindi kami hubad! Walang nangyari sa amin! Yung last picture na naka-tingin ako sa kanya na may lust sa mata ko yun ay dahil sa pinainom niya kaya rin nasa loob ng damit niya ang kamay ko dahil sa matinding init pero alam ko sa sarili ko na wala talagang nangyari sa amin.

Nung gabing yun din nakita ko mismo na naghahalikan si Cedric at Vienna nagkataon pa na may sakit ako nun at si Audrey ang nag-aalaga sa akin. Basta ang alam ko, hindi ko niloloko si Vienna!

Mula dito sa kinatatayuan ko tumingin ako sa direksyon nila Joice kung na saan ang booth nila dahil nandun si Vienna malamang, pero ang kinahihina ng loob ko nang makita ko paglapit sa booth nila na may hawak si Vienna.

Yun ay gaya ng hawak ko.

"Vienna.." halos manlambot ang tuhod ko dahil habang tinitingnan niya ang mga pictures na kagagawan ni Audrey tumutulo ang luha niya.

"Louise.." at sa tingin ko pa namutla ako dahil nakita ko ang poot sa mata niya, pero mas tumitimbang ang sakit.

Oo, alam ko naman na ang iisipin niya agad may nangyari sa amin ni Audrey.

Pero mali eh, maling-mali na isipin niya yun dahil may saplot kami ni Audrey. Ginugulo niya lang talaga kami, kung gusto niya talaga kaming sirain sana ang pinakita na lang niya sa aming pictures ay hubad talaga kami diba? Pero hindi yun ang ginawa niya dahil sa wala naman talaga. Handa akong magpaliwanag kahit na wala naman akong ginawang masama.

Parang kaming dalawa lang ang tao ngayon. Naka-angat ng konti ang mukha niya dahil ako ang nakatayo at nakatingin siya sa akin. Puno ng hinanakit, pag siya kinikilig minsan hinahampas niya ako sa braso o kahit saan man pero ngayong nasasaktan at galit siya sa nakita niya parang mapapatay niya ako ng wala sa oras..

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon