CHAPTER 11 : Frustration

59.1K 2.1K 253
                                    

Louise POV

"Louise, give your wife a kiss too. We wouldn't mind it, if you kiss my baby on her lips." natigilan ako dahil sa sinabi ni Mr. Cheng, magkatulad sila dad masyado silang mapagbiro. Porket nalaman nilang di ako straight kailangan harapan kong halikan ang babaeng maarte na to? Kung ganun maghahalo ang balat sa tinalupan, tsaka ano daw? Pfft. baby. Baby pala ni Mr. Cheng si arte haha.

Na pa "A-ano po..?" na lang ako, lahat na lang ng gusto nilang mangyari dapat sundin ko. Ano ba yan, na saan ang hustisya dun? Hanggang sa dumakdak na si arte, ang arte na nga ang ingay-ingay pa. Di ko nga alam kung makaka-survive ako kapag kasama ko siya.

"But Louise is not nobody. She's your wife." napantig na naman ang tenga ko sa narinig, wag nyo na pong ipamukha sa akin, wala pa ngang kasal na nagaganap eh wife agad? Di ko talaga maatim na magiging asawa ko ang maarteng ito.

Tumingin sa akin si dad at pinanlakihan ako ng mata, parang sinasabi niyang.."Sige na gawin mo na." grabe naman oh nawawalan na ako ng kalayaan dito, seryoso talaga sila dad. Umangal pa ako, pero mapagpumilit talaga si dad wala na nga akong nagawa at halos mangatog ngatog akong naglakad papunta sa direksyon niya. Inilapit ko ang bibig ko sa kanya at mabilis na dinampian siya ng halik sa pisngi.

Baka akala niya siguro sa labi niya ko siya hahalikan, di ko talaga gagawin yun baka kasi mamaya ipa-salvage na niya ako. Makatingin eh.

Parang pinagpawisan ako ng malapot dahil sa ako mismong nag-initiate na halikan si arte. Sa pisngi lang naman yun pero kinilabutan talaga ako sa mga titig niya dahil mukhang gusto na niya akong patayin. Kung sana may magagawa lang akong paraan di ako sanang napilitang gawin ang bagay na yun.

Napaka-pabebe ng isang to.

Binulungan ko rin siya na sumunod na lang, madali lang ang tatlong taon para sa amin. Maraming pwedeng mangyari, baka nga wala pang ilang buwan maghihiwalay rin kami pero at least di siya lumabag sa tradisyon kuno nila. Magalang pa rin akong nagpa-alam sa kanila. Palabas na kami ng malaking gate ng mga Cheng nang tapikin ako sa balikat ni dad.

"Good job Louise, maging mabuting asawa ka kay Vienna." ngiting tagumpay pa ni dad. Nagkibit balikat na lang ako at walang emosyong tumugon sa kanya. Dad kung alam mo lang, baka kanina pa dumanak ng dugo sa kanila.

--

Pagkaraan ng araw na yun, malugo-lugo akong pumasok sa LCU. Parang ayaw ko na namang makita ang pagmumukha ni arte, bukod sa laging nakataas ang kilay parang gusto niya akong patayin sa mga titig niya. Tulad na lang ngayon, ilang minuto na lang at magta-time na para sa sunod na subject, di pa rin namin natatapos ang isa pang partner activity yung Eiffel Tower namin sa Paris.

Naka-crossed arms lang siya at sa ibaba nakatingin, minsan kaming nagkakasikuhan dahil nananadya siya. Magkatabi lang naman kami, puro guhit pa lang ang nasa tracing paper namin. Hanggang sa mag-time na nga di manlang namin nakibo yung papel, parang biglang naging awkward sa pagitan naming dalawa.

"Grabe kayo isang oras ang lumipas yan lang nagawa nyo? Last week pa yan mga teh!" okray na sabi ni Joice, tama siya last pa nga itong partner activity na to. Tumayo na lang ako at binigyan siya ng matipid na ngiti.

"It's so new nga eh they didn't away kanina." sabi naman ni Katrina kung di ako nagkakamali, ganito pala talaga magsalita ang isang to.

"Shut up! Let's go girls.." si arte at padabog na tumayo, grabe talaga may attitude ang isang to. Di pa nga lumalabas ng room si ma'am tatayo na lang ng basta-basta? Ibang klase rin reh no? Alam ko namang lalong nadagdagan ang inis niya sa akin dahil  ikakasal siya sa akin pa na kinaiinisan niya lalo't pa na babae ako. 

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon