CHAPTER 7 : Trouble!

64.3K 2.2K 482
                                    

Louise POV

Lunes. Pasukan na naman, kahit medyo inaantok pa ako tumayo na ako agad sa higaan at tsaka niligpit ang mga ito. Medyo ginabi na ako ng uwi kahapon dahil ang tagal namin ni Audrey sa mall, kung ano-anong games ang nilaro namin. Pati mga stalls yata ng buong mall pinasok namin, nag food trip din kami siya nga halos gumastos lahat eh, libre daw niya di na lang ako tumanggi mapilit talaga siyang tao kaya minsan di mo mahihindi-an kahit ano pa siguro yan.

Pauwi na nga kami nung parang di siya mapalagay, nag-uutal pa nga siya kahapon. Parang may sasabihin na di siya mapakali? Ewan ang weird niya eh.

Pagkatapos ng isang oras lumarga na ako pababa ng hagdan ng boarding house ng tumunog yung cellphone ko. May tumatawag, tsk. Pagtingin ko sa screen, 'DAD' agad ang nabasa ko dito. Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi, huling pag-uusap namin ay yung naputol ang tawag dahil nawalan ng baterya ang cellphone ko.

Eto na naman si dad.

"Louise.."

"Ano po dad?" walang ganang tanong ko, naman eh. Pipilitin na naman niya ako. "May dapat tayong pag-usapan.."

Ayan isa pa yang pag-uusapan na yan. Ganun na ba ka-importante kay dad yung gusto nyang usapan namin? Pwede naman na ngayon na niya sabihin diba?

"Ano ba yun dad? Ngayon nyo na po sabihin." ginagalang ko pa rin siya noh kaya may 'po' dapat lagi. Pero kasi naman talaga eh, makulit rin itong si dad.

"No. Louise, umuwi ka na dito sa atin at tsaka natin pag-uusapan ang bagay na yun."

Ay grabe!

"Mag-resign ka na rin sa trabaho mo mamaya." dagdag pa niya. Anak ng tupa! Hindi pwede!

"Dad! Ano na naman ba 'to? Paulit-ulit na lang tayo eh." gusto kong lumukot ang mukha ko dahil napapasimangot ako, pinigilan ko lang. Maaga pa Louise para mainis chill lang.

"Mapilit ka ring bata ka sige tingnan natin kung di ka biglang mapa-uwi dito." yun lang ang huling sinabi ni dad tsaka niya pinatay yung tawag. Grabe sarili kong tatay pinag-bantaan ba naman ako? Ano bang connect ng trabaho ko sa pagbalik sa amin? Wala naman akong maisip na dahilan, di naman ako mapapahamak sa trabaho ko eh. Isa pa nag-eenjoy din ako at nakakatulong yun sa aki--.

Teka..

Ang trabaho ko ay nakakatulong sa pang araw-araw na gastos ko. Gusto ni dad na mag-resign na ako sa trabaho kong yun tapos pinapabalik na ako sa amin. Di kaya---?

Di kaya tumatakbo sa isip ni dad na, kayang-kaya niya akong tanggalin dun sa trabaho ko kahit di niya may ari ang coffee shop na yun? Isa siya sa mayamang negosyante ng bansa at kaya niyang gawin yun sa akin. Kapag nawalan ako ng trabaho, walang sahod!

Walang sahod, walang pang gastos sa mga daily needs ko! Tutal si dad mismo ang pumipigil kila mommy at Lance na padalahan ako ng mga financial supports nila kaya wala talaga akong matatanggap, matagal nang naka freeze ang bank accounts ko. Pag nangyari nga ang naiisip ko ngayon, mapapabalik nga ako sa amin ng di oras.

Lagot.

Pero teka, bakit? Pwersahan naman masyado si dad sa pagpapabalik sa amin. Mukhang seryosong usapan nga ang pag-uusapan namin. Hays. Kakausapin ko na lang yung manager o yung owner ng coffee shop mamaya, baka nag order si dad na tanggalin nga ako dun lagot na talaga. Di naman pwede ngayon, may pasok pa ako.

Pagdating ko ng LCU, nag-hagdanan na lang ako paakyat ng Building of Architecture, exercise na rin sa umaga. Malapit na ako sa pintuan papasok ng may nakabunguan ako.

Aray naman. Tsk! Nasapo ko ang noo ko ng dahil sa lakas ng impact.

"Sh*t! Will y-- L-Louise??"

"Audrey? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang sapo pa din ang noo ko. Siya din naman ay napahawak sa noo niya, nagmamadali naman ako masyado kasi.

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon