KABANATA 2

28.6K 1.5K 465
                                    

Pagkatapos ng mahabang sermon ay sa wakas tinantanan na rin ako ni Mommy. I saw how disappointed she was. I hurt her. But I can't let her control my life forever. Eighteen na ako at kaya ko ng magdesisyon para sa sarili ko. May mga bagay akong gustong gawin at daang gustong tahakin. Hindi habang-buhay ang daang tinahak nila ay siya ring tatahakin ko.

I hope I could make her understand.

I cleaned my working table then took a quick shower. After that, I decided to visit my brother. Lumabas ako ng kuwarto at binagtas ang napakahabang hallway papunta sa kwarto ni Kuya. Tanging ang mga wall lamp ang nagbibigay ilaw sa madilim na hallway.

'Di ko pala siya nabisita kagabi. Nagtatampo na ata 'yun ngayon. Baka isipin niya, pinagpalit ko siya sa One Direction.

It was already nine o'clock in the evening kaya tahimik na ang paligid. I could only hear the strong wind from outside. Nang makarating na ako sa kwarto ni kuya ay huminto ako. I stared at the doorknob for a while before opening it.

Pagkapasok ko ay isinara ko agad ang pinto.

And there, I saw my brother sitting on his bed, staring blankly at the window. The lights were turned off but the moonlight illuminated the whole room.

I smiled.

Kahit na madilim, my brother's beauty still stands out. His pale skin, his long lashes, his pointed nose, and his hair. He looked like he was hewn from a greek god statue with a hint of filipino features.

Angel. Yes, he looked like an angel.

Naglakad ako palapit sa kanya then I sat down beside him, "Hello, Kuya Kevin."

And, as usual, I didn't get any answer.

I sighed, "Kuya, how was your day? Did you eat already?"

I held his hand at ipinatong ang ulo sa balikat niya, "We fought again, kuya. Mom is making a big deal of me idolizing foreign artist. I really don't get her," I closed my eyes. "Pano kaya kung hindi ka nagkaganyan? Siguro, ikaw ang taga-awat samin ni Mommy. O baka nga, hindi kami nag-aaway. Everything in this house changed after what happened. It became gloomy as if it lost its light."

I looked at my elder brother, "Kuya, sana bumalik ka na sa dati."

Natawa na lamang ako dahil sa pinaggagagawa ko. I keep talking kahit alam ko namang hindi siya sasagot.

'Di naman ganito ang Kuya ko. Hindi siya ganito katahimik. Hindi siya palaging tulala. Hindi siya palaging nagmumukmok sa kwartong 'to.

He was the liveliest person I know. He was always cheerful. Palatawa at palaging nakangiti. Siya ang nagpapasaya sa malaking bahay na 'to.

But a certain event changed him. The event that changed me too.

8 years ago

     "Siya si Andres Bonifacio, ang ating pinakaunang pangulo," nakangiti si Kuya Kevin habang itinuturo ang larawan ni Andres Bonifacio.

Nagtataka ko siyang tinignan, "Pero, bakit sabi ni teacher, si Emilio Aguinaldo ang unang president?"

      "Kapag nasa highschool ka na, marami ka pang malalaman tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Saka, kapag mas matanda ka na, you'll read texts that tells the events that happened before na wala sa mga books niyo ngayon." Lumapit siya sakin saka ginulo ang aking buhok, "Now, go to bed. May pasok ka pa bukas, diba?"

Umiling ako, "Mamaya na po. Sasama po ako sa paghatid sa'yo sa airport."

Napangiti si Kuya, "Kristin, sa Sulu lang ako pupunta. I'll be back after a week. Volunteer lang si Kuya. Marami kasing nadamay sa bakbakan doon kaya kailangan nila ang tulong ko, namin. Alam mo namang soon-to-be doctor na si Kuya."

My Handsome KatipuneroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon