KABANATA 33

12.9K 540 292
                                    

Ilang minuto na din akong nakatitig sa mga langgam sa lupa. Ang iba sa kanila'y may dala-dalang butil ng pagkain sa likuran nila at papasok sa isang maliit na butas.

"May feelings din kaya ang mga langgam tulad ng tao?" tanong ko sa sarili ko. Kasi kung wala, ang swerte nila. Di tulad ng tao, minsan masaya tapos magiging malungkot. Minsan galit, minsan tumatawa, naiinggit, nagyayabang, namimintas, umiiyak. Siguro nasasaktan lang ang mga langgam kapag pinatay sila. Ang tao, palaging nasasaktan. Nakakapagod din.

Nung nakita kong niyakap pabalik ni Antonio si Burandai, bumigat ang pakiramdam ko. Para akong tinusok ng di mabilang na karayom. Mas masakit pa nung nalaman kong gusto ni Burandai si Antonio. Kasing-sakit noong nakita kong hinalikan siya ni Burandai pero dinoble ng sampung beses. Antonio looked at her like she was the most fragile thing ever. Hindi kagaya nung tinging ibinigay niya sakin nung sinagot ko si Burandai. It was cold

I excused myself after that at lumabas ng bahay. I stayed under the mango tree at the back of the house. Pakiramdam ko kapag nanatili pa ako dun ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko hanggang sa hindi na ako makahinga. Mahigit isang oras na rin akong nandito. I don't have the guts to go back inside. Seeing Antonio and Burandai hurts me like hell. Naguguluhan na ako. Expect ako ng expect sa mga ginagawang kabutihan sakin ni Antonio. Nakalimutan kong ganun pala siya sa lahat. But last night. Habang tumutugtog siya para kay Corazon at Santiago, his eyes were fixed on me. What was the meaning of that? How am I supposed to feel after that? I want answers badly. But how am I supposed to do that? Masasagot lang naman ang mga katanungan ko kung siya mismo ang sasagot. Kung mismong sa bibig niya maggagaling. But...

Itinakip ko ang hintuturo ko sa maliit na butas sa lupa.

But I'm afraid of rejection. If I want answers, the I have to tell Antonio how I feel and that means I have to be ready for anu possible rejection.

"Kristin," napaayos ako ng upo nang may tumawag sa pangalan ko. I turned my towards the person who called me.

"Santiago?" Ngumiti siya at paika-ikang lumapit sakin. Dala-dala nito ang isang kahon na binalot ng isang tela.

I stood up saka lumapit sa kanya at inalalayan siya hanggang sa makaupo kami sa bangkong kinauupuan ko kanina.

"Bakit nandito ka?" tanong ko nang makaupo kami. "Di ka pa masyadong magaling. Gusto mo bang makurot uli ni Tandang Sora?"

He chuckled, "Maayos na ako. Maliit na sugat at pasa na lamang ito."

I sighed, "Sabi mo e."

"Hindi pa pala kita napapasalamatan."

"Para san?"

"Sa pagligtas sakin. Kung hindi dahil sayo ay wala ako ngayon dito."

I raised a brow, "Pero 'di ko naman ginawa yun mag-isa."

He gave me a tight smile saka ibinaling ang tingin sa lupa. "Alam ko," he paused. "Ngunit kung hindi mo daw pinilit si Emilio at gumawa ng plano para iligtas ako, baka nga pinaglalamayan na ko ngayon."

"Kung ganun, 'di mo na kailangang magpasalamat," inalis ko ang tingin sa kanya at ibinaling ito sa kalangitan. The sky was clearlight blue and there were big fluffy clouds floating. "Ginawa ko yun dahil kaibigan kita. Saka ayoko ng makitang umiyak ulit si Corazon."

Nung napagdesisyunan kong iligtas si Santiago, walang ibang pumasok sa isip ko kundi silang tatlo. Matagal na silang magkakasama at parang pamilya na ang turingan nila sa isa't isa. And I know the feeling of losing the most inportant person to you. Well, I didn't literally lose my brother. Pero parang nawala na din ito mula nung nangyari ang insidenteng yun. And that incident broke me... changed me. Everyday, I was hurting. Wala araw na hindi ako pinapatay ng insidenteng yun. Ayokong maradaman nila yun.  Especially Antonio and Corazon. They've lost so much already. I don't want them to lose another.

My Handsome KatipuneroWhere stories live. Discover now