KABANATA 26

15K 586 114
                                    

Madilim na nang mapagdesisyunan namin ni Antonio na bumalik ng bahay. Nilalamok na rin kasi ako saka masyado ng malamig.

Habang naglalakad ay tahimik lang kaming dalawa. Pero hindi ko din naiwasang basagin ang katahimikan.

"Ano nga palang nangyari sa pulong?" tanong ko habang nakatingin sa aking dinadaanan. Napabuntong-hininga siya dahilan upang ibaling kong muli ang paningin sa kanya. "May problema ba?"

He shook his head, "Hindi lang naging maganda ang kinalabasan ng pulong."

Napakunot ang noo ko, "Bakit?"

So, the strong feeling I had days before the meeting was right. Something went wrong.

"Tinalakay ang pahayag na inilabas ni Aguinaldo bago pa maganap ang pulong. Gusto ng magdalo na magtatag ng bagong samahan." He clenched his fist, "Para bang inilabas na niya ang kanyang tunay na saloobin."

Hindi ako palabasa ng history books, hindi rin ako makabayan pero narinig ko na ang tungkol sa pagtataksil ni Emilio Aguinaldo.

"Iginiit niyang hindi isang rebulosyonaryong pamahalaan ang Katipunan. Bukod sa isang lihim na kilusan ay wala raw itong itinatag na ganap na mga batas. Hindi ko alam kung bakit gusto niyang magtatag ng isang pamahalaan gamit ang mga batas na ginaya sa kasuklam-suklam na Batas Maura."

"Isang pamahalaan ang Katipunan. Wala man itong konstitusyon, marami naman ang kumikilala rito," I said out of the blue.

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil agad siyang napatingin sakin.

"B-bakit?"

Napalitan naman agad ito ng isang ngiti, "Nakakamangha lang na marinig sa isang babae ang ganong mga salita."

I blushed as I felt my heart jumped in joy. "Mahilig kasi akong magbasa ng mga aklat kaya kahit papano ay may alam ako tungkol sa mga ganyang bagay."

Mas lalong namula ang pisngi ko nang mapansing hindi pa niya inaalis ang tingin sakin. If looks could melt a person, kanina pa ako natunaw.

I faked a cough, "Ah, a-ano na nga palang nangyari pagkatapos nun?"

Inalis niya ang tingin mula sakin saka ibinaling sa dinadaanan. "Hindi naayos ang sigalot kaya't napilitan ang supremo na magkatakda muli ng pulong ngayong darating na marso."

The Tejeros Convention.

I kicked the small stone because of irritation. Why would they replace the group na pinaghirapan ni Andres Bonifacio?

'Di lang nagtagal ay narating na namin ang bahay. Pero agad kaming napahinto nang makita ang isang lalaking nasa harapan ng gate ng bahay.

"Si Santiago 'yun, diba?" I asked Antonio and he nodded.

Nakatayo lang dun habang hawak-hawak ang isang maliit na kahon. Nakatalikod siya samin kaya hindi niya kami napansin. Santiago was wearing his usual attire. Black trousers, black leather shoes, his black waistcoat over his white shirt, a flat cap.

Bakit nakatayo lang siya dun? He's always welcome. He can enter the house even without permission from Tandang Sora or the others.

"Santiago," Antonio called dahilan upang lumingon siya sa direksyon namin.

Because of the moonlight illuminating the sorrouding, I saw the expression plastered on his face. I saw a glint of sadness but it was replaced with his usual playful smile.

"Antonio, Kristin! Gabi na ah. Baka ano na ang ginawa niyo."

"Shut up, bastard."

He laughed but it didn't reach his eyes. Lumapit kami sa kanya.

My Handsome KatipuneroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon