KABANATA 28

14.4K 593 44
                                    

Ipinatong ko ang kumot sa natutulog na si Corazon bago ako lumabas ng silid. Nung nahimatay si Corazon ay agad siyang binuhat ni Emilio papunta sa sala. Nang kumalma siya ay inilipat siya sa silid ni Lola Adelina upang makapagpahinga. Sobra akong nag-alala sa kanya. Sumabay sa pag-aalala ko kay Santiago. Ang Corazon na halos walang emosyon nitong mga nakaraang linggo, ang Corazon na halos walang imik sa tuwing pinag-uusapan si Santiago, ang maskarang suot niya ay biglang binasag ng pagkakadakip nito. I was still wondering why he was arrested. For what reason? Sa pagkakakilala ko kay Santiago, he was a good man. Could it be that it has something to do with the Katipunan?

Habang naglalakad pabalik sa sala ay nakasalubong ko si Aling Lucia— siya ang katulong ni Lola Adelina rito sa bahay, na may dala-dalang baso ng tubig.

"Aling Lucia, ako na po," I voluntered.

"Naku, hija. Ako na."

I shook my head, "Ako na po. Alam kong pagod na kayo." Dahan-dahan kong kinuha sa kanyang kamay ang baso ng tubig.

"Maraming salamat, hija. Mauna ka na doon at may gagawin pa ako sa kusina."

Tumango ako saka naglakad pabalik ng sala. Pagdating ay napansin kong nakaupo na si Matias— the guy who told us about Santiago's arrest, sa armchair sa gilid kaharap ng armchair na kinauupuan ni Lola Adelina. Nakaupo si Emilio sa pahabang sofa habang tinatapik ang balikat ni Matias habang si Antonio naman ay nasa likuran niya at nakatayo.

Lumapit ako sa kanila saka ibinigay kay Matias ang baso ng tubig. Tinanggap niya ito saka dali-daling ininom.

"Maraming salamat," sabi nito saka ipinatong sa mesa ang baso.

"Walang anuman," sagot ko saka naglakad papunta sa kinatatayuan ni Antonio. I was about to talk to him but he looked like he was immersed in a deep thought. Seryoso ang mukha nito at nakakrus ang mga braso habang nakatingin sa sahig na para bang ito na ang pinakainteresanteng bagay sa mundo. I decided not to disturb and turned my attention to Emilio who was now talking to Matias.

"Matias, maaari mo bang ikuwento sa amin ang nangyari?"

He gulped. At kahit na nanginginig ay tumango ito, "H-habang ako'y naglilinis sa sala ng bahay ng mga Iglesias ay biglang dumating ang tinyente Vasquez kasama ang dalawang guwardiya. H-hinahanap nila ang ang señor Santiago dahil nagkasala raw ito. Bago pa man ako makapagsalita ay lumabas na ang señor kasama ang kanyang ama't ina. Doon ay puwersaham nilang inaresto ang señor. Pumalag ang mga magulang nito at.. at.." Matias' face turned pale. Napahilamos siya ng mukha na para bang hindi na alam ang gagawin. "Doon na nag-umpisang magkagulo. Sa bilis ng pangyayari ay nakita ko na lamang na nakahandusay na sahig ang ama ng señor Santiago h-habng ang.. ang señor ay sugatang inilabas ng mga guwardiya ng bahay."

Napakunot ang noo ni Emilio, "Anong kasalanan ang kanyang nagawa?"

"Ang pagtulong raw sa mga bandido. At sa tingin ko'y ang tinutukoy nila ay ang samahan."

Emilio ran his fingers through his hair in frustration, "Pipilitin nilang magsalita si Iglesias. At sa oras na magsalita siya ay mailalagay sa panganib ang samahan dito sa Kalookan."

I looked at Antonio when he removed his gaze from the floor and it landed on Emilio. His hands balled into a fist. "Mawalang galang na, heneral. Ngunit hindi magagawang pagtaksilan ni Santiago ang samahan."

"Antonio," I muttered.

"Tapat at maaasahan si Santiago. Mahal niya ang Katipunan lalong-lalo na ang bayan. Wala sa pagkatao niya ang ipagkalulong ito."

Tumayo si Emilio saka hinarap si Antonio, "Hindi ko nais na pagsabihan ng masama si Iglesias ngunit maaari itong mangyari. Iba ang pamamaraan ng mga taong iyon sa pagpapahirap upang mapaamin ito."

My Handsome KatipuneroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon