CM 2 : Over And Out

822 25 0
                                    



Chapter

.02

CM : 2

Selena

My first subject was done. Wala naman kaming ginawa kung hindi ang magpakilala sa harapan at nag-kwento lang ng talambuhay si Ms. Bigwasan. Ang ganda ng pangalan ni? Parang ang sarap gawin sa kanya. Pero siyempre secret lang natin yon. Baka mamaya ma-detention ako ng wala sa oras. Unang araw pa naman. Its not that I care but siyempre grumaduate sina mama at papa ng clean records dito sa school na ito so I want to do to.

As I said, katatapos lang ng first subject ko at nandito ako ngayon sa labas ng room ko habang hinihintay si Sander. Habang may pasikretong nakikinig sa usapan ng mga clowns sa di kalayuan. Hindi ko naman talaga intensyong pakinggan sila pero talaga kasing ang lalakas lang ng boses nila akala mo ang layo-layo nila sa isa't isa. Mga taga bundok siguro ito. Kaasar. Di man lang marunong mahiya. Abot yata kabilang building pati tawa e.

Oo na. Ako na napaka-judgemental. Bakit? Totoo naman kasi. Okay, fine. Sorry. Nagmamaldita na naman ako. Wag niyo akong sisihin. Nakabandila ang red flag ngayon. Kaya don't me.

"Hoy! Tara na!" Sigaw naman ni Sander sa di kalayuan. I just rolled my eyes paano ba naman kasi ang tagal tagal tagal tagal niya. Mga 5 minutes din akong naghintay at nairita sa mga babaeng clown na yun no. At heto na naman po sila.

"Uy bes! Tignan mo yun o. Gwapo!" Sabi nung mukhang higad sa 'bes' daw niya. I-blade ko mukha mo e. Bes-bes-bes ahas ka. Argh! Kainis.

"Oo nga bes! Omg! Ang gwapo. Ano kayang pangalan!?" Sabi naman nung isa pa. Oo na. Alam na ng buong sambayanang pilipino na gwapo si Sander. Kailangan pa bang ipagsigawan. Paulit-ulit te? Nakaunli? Aish. Bwisit.

"Bes itanong mo dali!" Dagdag naman nung isa pa. Sige subukan mo at dudukutin ko yang mata mo gamit ang tinidor. Pucha ka.

"Hoy, bat ganyan itsura mo." Sabi sa akin ni Sander saka idinikit ang palad sa mukha ko na agad ko namang tinabig. Pwe. Ang alat!

"Nagugutom na ako!" Sagot ko na lang at hinila siya paalis doon. Fuck, natatawa ako sa reaksyon ko kanina ay muntanga. I almost sounded like a jealous girlfriend over Sander! Pero yuck! Hindi pwede yun no! Incest! Kadiri haha.

Pumunta na kami sa Cafeteria and as usual si Sander ang nagdala sa amin doon. What do I now? Pero mamayang gabi talaga promise papag-aralan ko na ang mapa ng buong eskwelahang ito. Tinatamad kasi ako •3•

Marami-raming tao rin ang nandito sa Cafeteria, mabuti na lang at maluwang ang hall na ito kaya naman marami pang available na space. Umorder na kami. Dalawang dutchmill na strawberry at isang chocolate cake slice lang ang kinuha ko para sa akin. Hindi ko feel magpaka-glutton ngayon. Maybe some other time.

Sabi ni Kid Next Door masarap daw yung Strawberry na dutchmill kaya ita-try ko. Nasanay kasi ako sa blueberry. Gusto ko kasi yung medyo maasim asim yun lang naman. Paano ko nalaman? Magbasa kasi kayo ng tweets niya makikita niyo. K. Fangirl mode ako haha.

"Para kang tanga jan. Nakangiti mag-isa." Sita sa akin ni Sander kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at iniwan doon. Nilibot ko ang paningin ko sa buong cafeteria para maghanap ng spot at bam! Nakita ko ang isang spot sa dulo nito maganda doon pero may babae nang nakaupo. Pero wait lang.

"Is that Carla?" Tanong ko sa sarili ko. At para makumpirma kung siya nga yun ay lumapit ako sa kanya. And there I confirmed na siya nga yun. Mag-isa niyang kumakain doon. I smiled at the thought na sabay kaming kumain. I really want her to be my bestfriend. She's just the right girl to be one.

Criminal Minds: KUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum