CM 8 : Xena Reyes

398 12 0
                                    

 

.08

CM : 8

Xena Reyes

Selena

Hindi pa din nagsi-sink in sa utak ko na isang Aconite poison ang ginamit ng murderer sa pagpatay kay Faye Alvarez. Una, isa itong sikat na get away murder weapon although fans lang ni Hercule and Sherlock ang nakakaalam. Pangalawa, Aconite or also known as wolfsbane are hard to find. At sa tingin ko nga mga laboratories na lang ang mayroon nito since they are studying it for better purposes pero how come na nagkaroon ng murder case involving aconite poison?

And then it hit me. Since ang mga taong mayroong connections sa mga physicist and scientist lang ang pwedeng magkaroon ng ganong source ng poison. Isang maimpluwensiyang tao ang murderer ni Faye Alvarez. Pero ang tanong ay sino. Sino ang taong pumatay sa kanya? Ano ang motibo niya sa pagpatay kay Faye Alvarez? How did he or she commit the crime?

I was cut in my trance nang may pumasok na isang babae, wearing an all black outfit. Isang black fitted na pantalon, isang black na tank top na pinatungan ng itim na blazer tapos nakaitim na combat boots. Napadako naman ang paningin ko sa kanyang mukha, and then realization hit me like a baseball bat.

"Ikaw?!" Agad kong bulalas sabay nakaturo pa ang hintuturo ko sa direksyon niya.

"Hello. Nice to formally meet you. My name is Agent Xena Reyes and I'm assigned to protect you." Pagpapakilala nito na mas nakapagpa-kunot ng noo ko.

"What?" Takang tanong naman ni Sander na ngayon ay mas nakakunot ang noo.

"Ang sabi ko I am Agent Reyes and I was assigned to protect you." Pag-uulit niya but this time it was more clearer at mabagal na ang pagkakasabi niya rito. But the question is protect us from whom? From what?

"Protect us from?"

"People who cannot be trusted." Sagot niya naman sa amin.

"And who might that be?" Singit naman ni Franz.

"Some people not worth mentioning. You all just have to open your eyes and look for what you are not seeing." Sabi niya revising the saying 'hear what I am not saying' which was a poem.

"How did you get in our facility?" Tanong ni Franz sa kanya na ikinangiti naman niya.

"I hacked your system. You know you should strengthen your security next time. I just did it in four minutes to sweat shed. To be honest."

"What the heck! I designed that security and i was sure it was hard to pass by." Pagdedepensa naman ni kuya Franz.

"Well you should try again, I think?" Pang-aasar naman ni Agent Reyes sa kanya. Oooh. Okay. I think Franz Freaking Alberts met his rival. Selena Alberts have something to look forward to then.

Nanatili na lang na tahimik si Franz dahil siguro wala na siyang maisumbat kay Agent Reyes. Naku. Naku. Nakatingin ng matalim si Franz kay Agent Reyes hayst. Nangangamoy gyera ito mga bes.

Hindi na kami nakapagsalita pa after that kasi bigla na lang bumukas iyong pintuan at iniluwa noon ang isang taong nakasuot ng white mask at nakacoat ito ng puti rin. Its a lab coat to be exact. Humahangos ito na tila ba may nasaksihang hindi kanais-nais na pangyayari.

"Patay! Patay na si Mr. Terry Johnson Dr. Franz!" Bulalas nito na ikinagulat namin kaya naman agad-agad kaming nagpunta sa kaninang kinaroroonan nila.

At isang scenario ang sumalubong sa amin. Kagaya ng itsura ni Faye Qlvarez nang makita namin siyang nakahandusay sa classroom ay siya ring posisyon ni Mr. Johnson.

Nakadapa ito sa sahig at mukhang nahulog sa kinauupuan niya at natapos din ang iniinom nitong kape habang nakatayo naman sa sulok sina Mr. Carson Alvarez at Mr. Ferdinand Dolores. Agad namang ininspeksyon ni Agent Xena Reyes ang katawan ni Mr. Terry Johnson.

"Suffocation. He's dead." Sambit nito. Pinapakiramdaman niya ang rigor.

"Anong nangyari dito?" Tanong naman ni Franz sa mga kasama ni Mr. Terry Johnson na sina Carson Alvarez at Mr. Dolores.

"Hindi namin alam basta umiinom lang kami ng kape tapos bigla na lang siyang nagkaganyan." Sabi naman ng Tatay ni Faye Alvarez.

"Tumawag na kayo ng pulisya." Sabi naman ni Mr. Alvarez.

"No. Walang pulis na dapat makaalam dito. May kilala akong taong makakatulong sa sitwasyong ito." Sagot naman sa kanya ni Franz.

Knowing Franz Alberts, hindi yan papayag na basta-basta na lang maglabas pasok ang mga pulis dito sa facility niya. It is part of his damn rule.

"Mark! Call Ferguson." Sabi nito sa sekretarya nito na siyang kaninang nagpunta sa amin na humahangos. Agad naman niya itong tinawagan.

"Ferguson? As in The Matthew Ferguson?" Di makapaniwala kong tanong.

"The one and only." Sagot naman niya kaya mas napanganga ako and then napamura ng malutong. 'What the fuck!'

Sino ba naman kasing hindi makakakilala kay Matthew Ferguson? Tanga na lang ang hindi makakakilala sa kanya. Matthew Ferguson is a famous detective of all times. Kumbaga katumbas niya si Sherlock Holmes. He solved many cases in different places minsan tinatawag pa siya sa ibang bansa para lang malutas ang isang kaso at base sa mga bali-balitang nadidinig ko sa iba, he never failed once. Magpapa-autograph talaga ako sa kanya mamaya.

Killers' Point Of View

Ha! Kahit iyang Matthew Ferguson na iyan walang magagawa dito sa kasong ito. Masyadong complex ang pagkakagawa ko sa krimeng ito na siyang magpapahirap sa kanila na iresolba ang kasong ito. Sino ba sila sa tingin nila, mga manghuhula? Titingnan ang sanhi ng pagkamatay, kailan namatay at kung ano ang mga damages na natamo ng biktima sa katawan niya then poof! Alam na agad ang krimen?

Hindi ganoon kadali ang lahat, hindi sa lahat ng pagkakataon sa Forensic experts at sa mga detectives aasa.

Pagkatapos kong patayin ang babaeng iyon itong lalaking ito naman ang sinunod ko. Pare-pareho silang mga walang kwenta. Akala mo naman kung sino sila biniyayaan lang ng pera napakamatapobre na hindi sila marunong tumanaw ng utang na loob sa taong tumulong at nag-angat sa kanila.

Kaya dapat lang na mangyari iyan sa kanila mga walang kwentang tao. Tama lang na nilagyan ko ng lason ang tasa niya.

Criminal Minds: KWhere stories live. Discover now