CM 23 : Dead Beat Of Music

270 8 0
                                    




.23

CM : 23

Dead Beat Of Music

"I own my world, they own theirs."

Sander

Napakatahimik ng hallway ngayong araw, its friday at ang bilis ng oras. Marami ring nangyari sa mga nakaraang araw pero hindi gaanong eventful. Usual things pa rin naman ang ginagawa ko. Labas sa gabi, tulog sa umaga. Gwapo pa rin naman ako pero may pasa nga lang sa may kaliwang parte ng labi ko.

May gago kasing sumapak sa akin kagabi kaya heto tuloy at nagka-pasa na ako. Nakakainis nga e, pero siyempre ako si Sander Alberts at walang sinumang nakakaalis ng hindi baldado pag pinakealaman ang mukha ko.

So I sent him to the hospital, injured. Bad.

Its 10: 23 at wala na akong anomang subjects para attendan at dahil wala masyadong tao dito sa hallway ay naisipan kong maupo muna sa sahig sa isang sulok. Wala namang mga dumi o ano rito kaya safe ako.

I put on my earphones pero hindi naman talaga ako nakikinig sa music. It is unplugged. Para kunwari lang na hindi ko naririnig ang mga sasabihin ng tao whenever they are around. It works every time. They don't disturb me and I'm fine with that. I don't care about them. May mga sari-sarili kaming buhay at sari-sariling problema. I own my world, they own theirs.

Nakapikit ako nang may naramdaman akong dumaan sa harap ko at saka ko narinig ang kanta ng The Fray na How To Save A Life. Maganda ang song choice nitong taong ito a.

Papalayo na yung tunog kaya naman malamang ay papalayo na rin yung taong naglalakad na siya namang nagpapatugtog nun.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako ng kaunti sa pag-upo ko roon at nagising sa bell na siyang nagsasabi na end na ng last subject ng mga estudyante. Mayroon na ring mangilan-ngilang estudyante ang naglalakad sa hallway kaya naman ay tumayo na ako saka naman ako nakatanggap ng isabg text message.

From Selena:

Library. Now.

End of message

Hindi niya alam kung anong meron ngunit dinalian na lang niya ang pagpunta sa library dahil base na rin sa way ng pagkakasulat o pagkakatype ni Selena sa kanyang text message ay parang may masama ngang nangyari. Madiin ito dahil sa period na pagitan ng bawat salita.

After I sprinted through unending hallways —i know nagiging exaggerated medyo— nakarating rin ako sa library at doon ko nga nakita na may isang maliit na komosyon roon. Agad namang nahanap ng mga mata ko si Selena na siya ngayong kumakausap ng ilan sa mga estudyanteng tila ba parang nasa isang police line up dahil sa pwesto nila.

Di kalayuan kina Selena ay ang katawan ng isang hindi ko pa kilalang babae. May hawak itong cellphone sa left side ng kamay niya at kutsilyo naman sa kanan. May dugo rin sa kanyabg leeg na patunay na nagpakamatay ito. Lumapit na ako kay Selena para malaman kung ano nga ba talaga ang tunay na nangyari dito at hindi yung mananatili akong nakatingin mula rito habang napupuno ng spekulasyon sa aking isipan.

"Anong nangyari dito?" Agad kong tanong sa kanya. Kasama niya pala rito sina Bryce at Jared. Saka si Carla na siga namang nag-e examine sa bangkay kasama ng tinawagan nilang forensic analyst at mga pulis na siyang pumipigil sa nga estudyante dahil masyado ng crowded dito sa loob ng library.

"Sabi nila nagpakamatay daw, but still I am not closing my mind to the thought na baka pinatay siya at sinet up lang na parang nagpakamatay ang biktima." Sabi naman ni Selena.

"Anong pangalan? Age? Address? Or other informations about sa biktima?"

"Gary Banquo, 17 years old, second year BS Psychology nakatira sa Parañaque, Manila at nag-iisa na sa buhay. Walang kaibigan at iba pang kamag-anak na puwedeng mag-claim sa bangkay nito. Self supporting ito sa pag-aaral. Yun lang ang impormasyon na nakalap namin sa ngayon."  Sabi naman ni Jared na may hawak-hawak na maliit na libro na parang nagsisilbing IRL o Investigation Report Log kung tawagin ng mga pulis.

"Is that suppose to be an IRL?"  Sabi ko sa kanya.

"If I can't be Sherlock Holmes, atleast I want to be Dr. Watsons." Sagot naman nito.

"Whatever." Banat naman ni Selena saka ipinagpatuloy ang pakikipag-usap sa mga tao na sa pagkakaalam ko ay narito sa loob ng library nang mga oras na nagpakamatay o pinatay ang biktima.

Nilapitan ko si Hared at inagaw sa kanya ang IRL. Wala naman talagang nakasulat ritong kung ano at tanging mga drawings lang ang nakikita ko. Walang kwentang IRL.

"Wala naman palang sulat e." Sabi ko sa kanya tapos inagaw niya sa akin yung maliit na notepad.

"Bakit? May sinabi ba akong may sulat jan."

Hindi ko na lang siya pinansin saka ako umupo sa sahig at tinignan iyong biktima. Inabutan naman ako ng surgical gloves ng isa sa mga police officer na malapit sa akin para hindi magulo ang ebidensya kung sakali mang pagpatay ang nangyari dito.

Pinulot ko yung cellphone niyang nasa kaliwang kamay niya at saka in-open iyon. Wala itong password hindi katulad ng ibang mga cellphone na pahirapan sa pagbukas dahil mayroong passcode. Text messages? Wala namang anomang nakalagay sa inbox niya, pero sa sent items niya ay merong isang message pero unknown yung number.

To: 09875******

I'll die with what I know.

End of message.

This just complicated everything. Posibleng nagpakamatay ito o talagang pinatay ito. Hindi namin malalaman unless na mapa-imbestigahan namin ang nilalaman at kung sino ang may ari ng cellphone number na pinag-sendan ng biktima nitong messages na ito. Pero base naman sa posisyon at ayos ng katawan ng biktima. Malinaw na nagpakamatay ito.

Tinignan ko lahat ng used apps niya sa pamamagitan ng pagpindot ng home button.

And then there I saw, the music. And it was the one How to save a life by the fray, the one I heard when i was napping on the hallway.

Could it be? Could it be that she played it on purpose? To let me or somebody hear it. Pero bakit biglaang humantong sa ganito? Bakit biglaan siyang namatay? Pinatay? Nagpakamatay?

Whatever it is.

I'm dying to know.


A/N : Okay next update will be next week. Haha char. Exams na naman. Ugh. Kapagod kaya mag-review pero para sa future go lang. Haha. Okay. Adios readers. 😘

Criminal Minds: KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon