CM 7 : Wolfsbane

466 16 1
                                    




.07

CM : 7

Wolfsbane

Selena

"Sino yung Alonzo na iyon boyfriend mo?"

Iyang mga katagang iyan ang sumalubong sa akin pagkauwing-pagkauwi ko galing sa school. Agad na tinanong ni Sander. Mygast. Boyfriend na? Utot. Kakakilala lang nga namin e tapos boyfriend agad. Iba talaga.

Siyempre agad akong sumagot ng hindi. Tapos bigla ba namang sinabi na ang defensive ko daw kasi totoo. Hay naku. Nilayasan ko nga, paano ba naman kasi nagtatanong na nga lang hindi pa naniniwala enebe nemen. Nakakaasar kaya kapag ganoon iyong kausap mo. Natatanong tapos di maniniwala ano yun? Lokohan. Hello.

Naligo muna ako at ngayon ay nakapalit na ako simpleng pantalon at itim na t-shirt lang na may nakaimprinta na "Trust Him" sa harapan at red converse na low cut. Tapos kinuha ko na yung plastic bottle ni Faye Alvarez para idala sa pinsan kong isang Forensic Analyst or Forensic Anthropologist. Basta yung nag-aaral sa mga bangkay at nalalaman nila kung anong oras namatay at kung ano-ano ang mga natamo niyang damages sa katawan.

Nasalubong ko naman si Sander on the way sa pababa. Nakabihis na rin siya gaya ko.

"Saglit may kukunin lang ako." Sabi nito.

"Ako magmamaneho a." Paalam ko naman sa kanya. Tumango na lang siya bilang pagsang-ayon at saka siya tumuloy na umakyat papuntang second floor. Ako naman masayang naglakad takbo papunta sa sala kung saan nakalagay yung susi ng kotse ko. Siyempre kapag ako ang mag-d-drive kotse ko ang gagamitin.

As if naman din kasing papagamit sa akin ni Sander kotse niya. Never ko pa nga nahawakan yung drive wheel niya kasi ayaw niya talaga. Malalagyan daw ng germs. Minsan talaga nagtataka ako kung lalake ba talaga iyan o bakla e. Paano ba naman kasi mas mabagal pa siyang kumilos sa akin, pero minsan hindi naman. Sobrang arte niya promise. Tapos yung kwarto niya, dinaig pa yung kwarto ko parang dinaanan ng catastrophe sa loob dahil kalat-kalat mga damit makikita mo sa ilalim ng kama. Tapos yung mga novel ko kung saan saan mo makikita wala na nga yata halos nakaayos na nakalagay sa shelves e.

Paano ba naman kasi tinatamad akong maglinis ng kwarto ko. :P

Ilang minuto pa ay bumaba na si Sander. Kinuha lang pala niya iyong cellphone niya. Ay apo. Kahit kailan sa lahat ng bagay cellphone ang kailan mang hindi ko kayang makalimutan. Oo forever ko yun. (;

Isang bagay na alam kong hindi niyo pa alam tungkol sa akin ay mabilis ang magmaneho. Noong first time akong tinuruan nila mama at papa na magmaneho I broke countless of traffic rules mabuti na lang at wala masyadong traffic dito kung hindi, lagot talaga sa batas e.

Pero hindi pa rin talaga mawala-wala sa isipan ko iyong ngiti ni Chief Inspector Dave Martinez. Hindi dahil crush ko siya o ano pero iba talaga e. May ibang kahulugan ang dating sa akin. Parang may binabalak siyang kalokohan or kung ano mang hindi makabubuti sa kahit na isa sa amin.

Pero siguro, iniisip ko lang iyon. Baka hindi totoo. Baka lang. Kasi hindi rin natin malalaman kung kaya niya nga ba talaga gumawa ng isang bagay na hindi makabubuti. Hayst. Masyado lang siguro akong masyadong iniisip kaya praning na ako. Very wrong. Chill lang dapat.

Sander

Si Selena ang kasalukuyang nagmamaneho ngayon. Na parang akala mo may kaagaw sa daan o di naman kaya eh parang may humahabol sa amin sa likuran namin. Hot pursuit lang e no?

Criminal Minds: KWhere stories live. Discover now