CM 21 : Missing

270 7 0
                                    



.21

CM : 21

Missing

Bryce

Pagkabalik na pagkabalik namin sa school after ng semestral break ay hindi magkamayaw ang mga estudyante na makipag-kamustahan sa kani-kanilang mga kaibigan. Kesyo ano raw ang ginawa nila noong sembreak at ganito ganyan. Kaya naman napuno ng ingay ang buong cafeteria dahil sa kanila.

Wala pa sina Sander at Selena at tanging kami lamang nina Jared at Carla ang nandito. Yung pinsan naman nila Sander at Selena ay nasa trabaho niya since hindi naman talaga siya estudyante ng Trinity University in the first place, at kasama niya yung Xena Reyes na girlfriend niya yata. Noong nandun kasi kami sa Barden Beach and Resort di mo sila mapag-hiwalay na dalawa.

Walang umiimik sa aming tatlo dahil pare-pareho kaming busy sa mga ginagawa namin. Si Jared na may kung anong binabasa, The Valley Of Fear daw ni Sherlock Holmes. And he is pretty on to the book. Si Carla naman ay namiss yata talaga ng professor nila kaya naman pinagawa sila ng 1000 words essay patungkol sa Knights ng round table. Kung bakit pa kasi ito kumuha ng Literature subject.

Panay ang kamot nito sa ulo nito na para bang may kuto.

"Punta lang akong library." Paalam nito sa amin. Tango lang ang sinagot ni Jared dahil masyado siyang concentrated sa binabasa niya. Kinuha nito ang mga libro niya sa lamesa saka inilagay sa back pack nito.

Di pa nagtagal ay dumating na yung dalawa. Si Sander ay may kausap sa telepono pero hindi mo maiintindihan ang sinasabi dahil nasa lenggwahe ng mga koreano ang gamit nito. Si selena naman ay may hawak-hawak na folder at inililipat ito from page to page.

"Ano yan?" Tanong ko naman kay Selena, hindi siya nagsalita bagkus ay tumabi ito sa akin saka inabot yung folder.

"Pinatawag kami sa Principal's Office." Sabi ni Selena, na siya namang nagpa-angat sa ulo ni Jared na ngayon ay nailipat na ang atensyon mula sa pagbabasa papunta kay Selena.

"Bakit?" Tanong nito habang nakakunot ang noo.

"Because of that." Sabi niya sabay nguso sa folder na kanina nga ay hawak niya na binigay niya sa akin.

I opened it and it revealed about the student council's treasurer named Alliyah Valdez.

"Principal Molina, talked to us and she suggest we investigate in this case. Alliyah Valdez, the Student Councils' secretary. It is because she's missing and her co-officers in the student council proposes that she is still in the school premises." Sabi ni Sander, na katatapos lamang sa kausap niya sa telepono.

"But why us? Diba sila na nga rin ang nagsabi na sa tingin nila nandito pa rin siya sa school premises, bakit hindi nila siya hinanap?" Tanong naman ni Jared. He is correct. Definitely. Mukhang nahahawa na siya kay Dr. Watson sa pagsama-sama nito kay Sherlock.

"Yun nga rin ang tinanong ko kanina sa meeting but they just said they don't know where to start. At kung paano hahanapin si Alliyah." Sabi ni Selena.

"When did this happen?" Tanong ko.

"Noong isang araw. A day before class starts again. Kasi diba ang student council they didn't took the sembreak dahil maraming paper works silang kailangang tapusin. Sabi ng mga co-officers niya, she insisted on buying snacks but then she never came back. And that left the question to them kaya naman ni-report nila ito sa Principal and then that's when they called us." Sabi ni Sander.

"But the thing is, she left a note but its composed of jumbled letters and it seems like a code to me." Selena said.

"Ano ba ang impormasyon niyo tungkol sa nawawalang tao na yan." Tanong naman ni Jared.

"Her name is Alliyah Valdez, 19 years old and a graduating student. Siya ang secretary ng Student Council. May isang nanliligaw sa kanya who is named Henry Cruz, apart from that informations we have nothing more." Sander explained.

"Then we have to investigate. Ask. Na-confirm na ba sa bahay nila na nawawala siya?" Singit ko naman.

"Hindi pa. At hindi na kailangan dahil before weekend, we have to find her. The principal gave us a deadline." Sabi ni Selena.

"Paano kapag hindi na natin siya mahanap? O kung patay na siya kung mahanap man natin siya? Is it gonna be our fault?" Tanong naman ni Jared.

"That. I forgot to ask. But I will not let that happen. She can't blame us because we are just student in the first place at dapat una palang ay pinaalam na niya sa mga magulang ni Alliyah Valdez na nawawala ito. Hindi magandang tignan kung saka nila malalaman na nawawala ang anak nila when we found her body cold and a corpse." Sander said.

"Let me talk to the principal about that." Sabi ni Selena and stood up from her seat. Hindi na namin siya napigilan dahil dire-diretso siyang lumabas ng cafeteria.

"That hard headed woman." Sander murmured.

"Well, that hard headed woman is your twin." Jared said at saka ito bumalik sa pagbabasa ng The Valley Of Fear no Sherlock Holmes. I opened my phone.

I-search ko kaya ang pangalan ni Alliyah Valdez. I think that would help.

Nang ma-visit ko yung facebook account niya ay wala naman akong ibang nakita kung hindi ang birthday niya at ang pagka-hilig sa codes and mysteries. She was born February 2. And visiting her account did not make sense.

"Sander, patingin nga nung note na sinasabi niyong iniwan niya." Sabi ko kay Sander.

By just seeing the note.

"Alam ko na!"

Criminal Minds: KWhere stories live. Discover now