CM 22 : Wednesday Questions

240 5 2
                                    








.22


CM : 22

Wednesday Questions


Bryce

"Alam ko na!" I exclaimed when I got the answer of the code.

Ito yung nakaulat sa papel:

K. C O. U C H G. K O. E Q O K P I. D C E M. U Q Q P.

"The answer is - i am safe, im coming back soon-."

"How did you do it?" Jared asked.

"And here I thought na nahawa ka na jan sa binabasa mo and became a detective you are like Sherlock Holmes. I used a Caesar Cipher. Caesar Shift Cipher to be exact. Nakita ko kasing nakasulat sa timeline niya, sa lahat ng shares niya ang iba't ibang klase ng codes at mystery stories. So I decided to try na i-decode ito using the first and latest shared post before she was taken or lost. And i used her birthdate na siya ngang numero nung ilang beses mong ililipat yung isang letter." Sabi ko and showed them the scratch where I wrote it.

A Y
B Z
C A
D B
E C
F D
G E
H F
I G
J H
K I
L J
M K
N L
O M
P N
Q O
R P
S Q
T R
U S
V T
W U
X V
Y W
Z X

At nang ma-gets nila eksakto namang dumating si Hilary. Fuming mad.

"Bwisit! Bwisit! Bwisit!" Asar niyang sabi.

"Bakit? Ano sabi?" Tanong naman ni Sander sa kanya na tila ba parang walang pake na inis na inis si Selena.

"Hindi siya ang kinausap ko. Kinausap ko yung mga kaibigan ni Alliyah Valdez tapos ang sabi nila hindi naman daw pala siya nawawala. Nagbakasyon lang siya saglit at nagpaalam naman pala and then I confronted the Principal, she said yes." Sabi nito.

"What the fuck." Mahinang mura ni Sander.

"Putek. Pinaglaruan niya lang tayo kung ganon. What a douche." Sabi naman ni Jared.

Selena

Walang hiyang Principal yun. Pinaglaruan lang pala kami. Ano ba kasing gusto niyang mangyari?! Nakakainis. Mabuti nalang at hindi pa namin inuumpisahan ang pag-iimbestiga. Sinayang niya ang 45 minutes and 35 seconds ng buhay ko.

Ilang minuto ko ring panagsasaksak sa utak ko yung principal namin nang tumunog iyong cellphone ko. Unknown number yung tumatawag. Habang nag-iisip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi tumigil na yung tawag at may nag-pop na message sa screen ng cellphone ko and it was the same number na tumawag sa akin.

Answer the call. Its important.

Yan ang nakalagay sa text message at tumawag nga ulit. So I did answer it right now. Kahit na napapaisip pa rin ako kung sino nga ba talaga itong taong ito.

"Hello." Sabi ko sa kabilang linya.

"You're one curious cat are you?" Sabi ng isang boses ng lalake sa kabilang linya.

"Who is this?" Tanong ko.

"I'm the answer to your dreams." Sabi nito at bahagyang natawa sa sarili niya.

"Funny."

"Chill kitten. I can see you doing sarcastic faces right now,"

"Where the heck are you?" I asked him as I look around with a person on a phone. But I didn't see someone with a phone.

"Don't try to look around, you can't see me." Sabi nito at bahagya na namang humalakhak.

"What? Are you invisible or something?"

"Its a good thing you can joke like that. Hindi ko lang alam ang magiging reaction mo kung malalaman mo ang totoo sa tunay mong pagkatao. I expect it would be priceless." Natahimik naman ako sa sinabi niya. Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin sa mga katagang iyan? Bakit niya sinasabi sa akin yan? May dapat ba akong malaman?

"What did you just say?!"

"Its for me to know and for you to find out. If I were you, I'd stay observant. Adios." Sabi nito at saka binaba ang telepono. What the fuck does he mean?

May mga bagay ba akong dapat na malaman?


Third Person's Point Of View

Natatawa nalang ang isang lalake sa reaksyon ng babaeng tinawagan niya. Alam niyang sa sinabi niyang iyon ay pati siya mapapahamak ngunit wala siyang pagpipilian. Dahil kahit anong gawin niya nasa bingit na siya ng isang bangin at ito na lang ang tanging sangang makakapitan niya. Alam niyang malalagot siya sa oras na malaman ito ng nakatataas. Siguradong mamamatay siya.

Nag-ring naman ang telepono nito saka nagpop ang caller ID. Xe ang nakalagay rito.

"Hello?" Bungad niya dito.

"Ano na namang ginawa mo?" Mahina ngunit may diin na tanong dito ng nakakatandang kapatid niyang babae.

"What are you referring to. Marami akong ginawa. You've got to be specific." Sabi nito sa babae sa kabilang linya, nakarinig naman siya ng isang pilit at frustrated na buntong hininga mula sa kapatid niya.

"The thing you did a while ago, calling her. Sa lahat ba naman ng kapalpakan na gagawin mo, ito pa talaga ang naisipan mo? A fucked up operation and now this?!" Sabi nito sa kanya. Naiintindihan naman niya kung saan nanggagaling ang kapatid niya dahil buhay nilang pareho ang nakasalalay rito lalo pa at tinawagan niya iyong babaeng iyon na dapat hindi niya tinawagan. Pero iyong babaeng iyon marami nang nalalaman.

Pwede nila iyong magamit para mapadali ang ginagawa nila.

"Someday, ate. You'll understand me." Sabi ko nalang atsaka ibinaba iyong tawag.

Tinignan ko naman mula sa malayo si Selena Alberts. Kung titingnan mo parang wala lang, chill lang ang buhay niya pero hindi niya alam na ang lugar na nilalakaran niya ay isang alambre na mayroong nagi-iinit na lava sa ibaba na kahit na anong oras ay pwede siya saktan.

Hindi niya pa kilalang lubusan ang mga taong nakapaligid sa kanya at kailangan ko siya masabihan bago pa maunahan ng taong iyon. Tutal iyon din naman ang tunay talagang pakay.

Ang tiyakin ang kaligtasan nilang dalawa.

------

A/N: Short update again. Exams are coming up at tambak sa works so this would probably be my last update until next next week. Kailangan kong maready ang sarili ko for the exams. So yun lang 😊 salamat sa paghihintay ng update.

P.S.

Pakinggan niyo yung kantang How To Save A Life by The Fray. Bakit? Wala lang sinabi ko lang yun kasi yung pinapakinggan ko habang sinusulat itong chapter so yeah. Adios 😉

Criminal Minds: KWhere stories live. Discover now