CM 3 : Love's To Blame

482 7 0
                                    




Chapter

.03

CM : 3

Sander

Nandito na kami sa harapan ng room ni Xander Lumiban, Daria Gabriel, at nung Janelle Roa. Himala nga at pare-pareho sila ng dismissal time kaya naman mas napadali ang pagi-imbistiga namin sa kanila.

Ipinakita sa amin ni Carla iyong mga itsura nila para mas madali naming ma-identify kung sino nga ba ang sino. Mula rito sa kinatatayuan ko ay nakikita ko sila. Pare-parehong nasa window seat at parehong column sila. Pinagaralan kong mabuti ang bawat galaw nila.

Si Daria Gabriel ay tahimik na nakikinig habang kinakalikot ang dulo ng notebook niya kaya naman nagugusot ito. Mahahalata mo rin na pasmado siya at basa ang kanyang kamay kaya naman in the end nagiging parang over used na ang sulok ng notebook niya.

Si Janelle Roa naman ay nagt-take down notes. Kaliwa ang gamit nitong pansulat habang ang kanang kamay naman nito ay pinaglalaruan ang dulo ng palda niya. Nothing suspicious.

Si Xander Lumiban naman ay pasimpleng naglalaro sa cellphone niya habang nagtuturo ang guro. Panay rin ang paggalaw niya sa paa niya na parang naiirita. That would be so suspicious but I also did my research.

Si Xander ay madalas na atakehin ng allergy niya iyong tipong nangangati ang halos kalahati ng katawan niya sa tuwing kakain siya ng hipon. Siguro ay nakakain ito kanina ng hipon ka naman ay inaatake siya ng allergy niya ngayon.

Kaninang first subject ko ay hindi ako nagpunta sa klase ko kung hindi ay pumunta ako sa roof top kung saan pinaniniwalaang nalaglag ang biktimang si Rowen Ledesma. Wala ka namang makikitang kahina-hinala roon bukod sa isang makinang na bagay. Isang bead.

Inilabas ko iyong bead na napulit ko sa bulsa ko at pinagmasdang muli ang tatlo. Kinuha ko rin mula sa bulsa ko iyong papel at tinignan iyong mabuti. Napangiti na lang ako sa naiisip ko.

Kilala ko na kung sino ang gumawa ng krimeng ito. At alam ko na kung paano kita bubukuhin. Alam ko na kung paano mo siya pinatay.

Nagsilabasan na sila at si Selena at Carla naman ay pinuntahan iyong tatlo at kinausap. Dinala namin sila sa pinangyarihan ng krimen. Kitang kita ko papaano nawalan ng kulay ang mukha niya na mas lalong magdidiin sa kanya.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Xander sa amin. May mga nakakalat pang pulisya sa lugar na iyon at nakita ko si Chief Inspector Dave Martinez. Ninong namin siya.

(Sa mga hindi nakakakilala sa kanya siya po iyong kanang kamay ni Chief inspector Escobar sa Book One. Yung Project Mischief. Na-promote siya dahil bumaba sa pwesto si Inspector Escobar)

"Anong ginagawa niyo dito Sander at Selena?" Tanong niya sa amin nang makita kami. Agad naman kaming nagmano bilang paggalang.

"We are delivering you the culprit of this crime." Sabi naman ni Carla.

"Diba ikaw yung anak ni Edward at Ria." Tanong niya kay Carla at tango lang naman ang isinagot nito. "Who's the culprit?"

"Anong pinagsasasabi niyo? Pinagbibintangan niyo ba kami?" Bulalas naman ng kapatid ng biktima.

"Hindi namin kayo pinagbibintangan sadyang ang isa lang talaga sa inyo ang may kasalanan. Ikaw Xander, ayaw mo bang malaman kung sino ang pumatay sa kapatid mo? Ikaw naman Janelle hindi ka man lang magluluksa sa pagkamatay ng bestfriend mo? At ikaw. Daria Gabriel, bakit mo siya pinatay?" Sabi ko na ikinagulat naman nila.

"Anong sinasabi mo? Wala kang pruweba sa pambibintang sa akin!" Pagdedepensa niya na ikinangiti ko.

"Yun ang akala mo." Sabi ko at saka inilabas ang isang piraso ng papel na nakuha namin sa bulsa ng biktima.

"Itong papel na ito ay binigay mo sa kanya bago mo siya pinatay. Napakalinis ng krimeng ginawa mo pero hindi pa rin sapat na malinis lang dapat perpekto. Yun ang hindi mo nagawa. Kung ebidensya lang hahanapin mo maibibigay ko sa'yo iyon. Makikita mo sa papel ang nagkalat na tinta dahil kaliwete ang nagsulat nito." Sabi ko, matamang nakikinig lang sa eksplanasyon ko sina Selena, Carla at ang iba pang mg pulis.

"Hindi ako kalewete! Si Kanelle ang kaliwete sa amin dito."

"Your right. Hindi ka kaliwete pero you can use both your hands in writing and etcetera. And your mannerism, nakikita mo ang dulo ng papel na ito? Nagmukhang luma dahil pinaglalaruan mo ito bago mo ibigay sa kanya. At sa motibo mo para isagawa ang krimeng ito? Nalaman mong mayroon ng ibang napupusuan si Rowen at balak niyang ibigay iyong bracelet ng kanyang ina rito tanda ng pagibig niya sa kanya. Pero nang malaman mo ito ay galit na galit ka kaya nagiwan ka ng note sa locker ni Rowen at nagpanggap bilang iyong babae na kung pwede ba kayong magkita sa roof top. At dahil gusto ni Rowen yung babaeng iyon ay hindi siya nagdalawang isip. Ang hindi niya alam kamatayan na pala ang sasalubong sa kanya roon. Makikita mo ang note sa locker mismo ni Rowen. At nandoon pa rin iyon ngayon. Pinagkaitan mo ng pagkakataong magmahalan ang dalawang tao dahil lang sa inggit mo. Hindi ka marunong maghintay ng taong nakalaan para sayo pinagsisiksikan mo lang ang sarili mo sa taong kailan man ay hindi nakatakda sayo."

Hindi siya nakapag salita sa nga sinabi ko dahil totoo ito. At ang babaeng tinutukoy ko ay si Janelle Roa. Totoo ngang saka mo lang malalamab ang halaga ng isang tao kapag wala na siya sa tabi mo. Narealize ni Rowen na mahal niya pala talaga ito kaya napagdesisyunan niyang umamin rito pero kamatayan ang sumalubong sa kanya.

Love really works in mysterious ways.

Criminal Minds: KWhere stories live. Discover now