CM 11 : Who Is Jared

353 12 3
                                    



.11

CM : 11

Who Is Jared

Still Third Persons' Point Of View

Sabi nila don't get too attached to a specific person because sometimes when you are too attached to that person saka tumataas ang porsyentong iiwan ka rin niya sa huli. Iyan ang paniniwala ni Jared Villarama.

He learned from his past experience na walang sino man ang nakakaalam bukod sa isang tao. Ang bestfriend niya dati na si Lena. Right from then, hindi na siya nagtangka pa o kahit man lang i-try ang magtiwala sa iba pa. He only trusts himself at iyon ang nagpahirap sa ibang tao para i-approach siya at makipag kaibigan sa kanya.

Nakatira siya sa Taytay, Rizal kasama ang kanyang lola at lolo na siyang nagpalaki at nag-alaga sa kanya magmula nang siya ay pitong taong gulang. Bukod sa sarili niya, ang dalawang taong iyon lamang ang kanyang lubos na pinagkakatiwalaan pati na ein ang kanyang matalik na kaibigan na nawalay sa kanya nang tumuntong siya ng high school.

Magmula noon ay naging ilag si Jared at wala pang nagiging nobya dahil pinangako niya sa sarili niya na iisang babae lang ang kanyang papakasalan at iyon ay ang magiging una niyang nobya. Nais niya na ang first girlfriend niya ang siya ring mapapangasawa niya. Nangako din siya sa sarili niya na kung sakali mang mayroon siyang magustuhang babae ay ibibigay niya ang lahat ng makakaya niya upang mahalin rin siya nito.

Labing-pitong taong gulang si Jared Villarama at kasalukuyang nag-aaral sa Trinity University sa Tagaytay. Gusto niyang dito mag-aral dahil nagbibigay ng kakaibang degree program ang eskwelahang ito. Kung ang field mo ay criminology, maaari kang maging isang detective na magre-resolba ng iba't ibang kaso.

Ang isang Jared Villarama ay may isang salita at kailanman he never broke any promises. Lahat iyon fulfilled.

Si Jared Villarama ay sikat noong siya ay High School pa lamang dahil isa siyang mahusay na Graphic Artist. Kaya niyang mag-pinta at mag sketch kaya nababagay lamang siya sa field ng criminology kung sakali mang ka-kailanganin nila ng Graphic Sketch na maaaring maging daan upang mahanap kung sino nga ba an salarin.

Kung field missions lang naman ang pag-uusapan ay siguradong pasado na at kasado na agad si Jared. Hindi lamang dahil magaling siyang mag-martial arts kung hindi asintado rin ang mga tama kung siya ay nagpapaputok. Dati ay may sinalihan siyang training kung saan ma-e-enhance ang agility, strength at ang bilis mo. Pati na rin ang diskarte mo sa mga bagay bagay. Sa training din iyon ay makikita kung paano ka magdesisyon when it comes to critical situations. And there he passed with flying colors.

He is very dedicated to what he wanted to do. Ibang-iba sa dating batang Jared na walang patutunguhan ang buhay. Nang umalis ang kanyang kaibigang si Lena ay parang nawalan na rin siya ng dahilan para mabuhay pero nang malaman niya ang lagay ng kanyang kaibigan ay parang ginanahan siyang makita ito pero bago iyon ay kailangan may mapatunayan muna suya hindi lang sa sarili niya kung hindi pati na rin sa kaibigan niya.

Kaya ngayon nandito siya sa Trinity University ang eskwelahang pinag-aaralan din ng kanyang kaibigan. Nagbabakasakali siyang makita niya pa si Lena sa mga taong hindi niya ito nakasama upang makabawi sa mga panahong nawala sa kanila.

Lingid kasi sa kaaalaman ni Lena, bata pa lamang ay gusto na siya ni Jared. Hindi naman inakala ni Jared na ang simpleng pagka-gusto kay Lena ay magiging pag-ibig na.

Sa Taytay, Rizal ay kilala siya sa pagiging graphic artist ng mga pulisya. Madalas siyang ipinapatawag ng mga ito sa tuwing may magr-report ng isang krimeng ginanap at idini-detalye ang pigura ng mukha nito upang matukoy at mailagay sa watch list ng Taytay Police.

Mahirap mang paniwalaan pero ngayon ay mag-isa na lang siya sa buhay. Namayapa na ang kanyang lolo at lola noong nakaraang taon at sa kanya iniwan lahat ng mana pati ang kanilang kompanya. Ang Villarama Industries na nagma-may-ari ng ilan sa mga hotel and resorts sa batangas at sa iba pang panig ng bansa. At dahil wala pa siya sa legal na edad ang kanila munang attorney ang siyang nag-aasikaso ng mga negosyong naiwan ng kanyang lola at lolo.

Pero bukod sa mga nasabing impormasyon, sino nga bang talaga si Jared Villarama?

—————•—————

QOTC (Question Of The Chapter) : What would you prefer, red or black?

A\N: I know it is a very short update but I guess I just have to make up for my losses in the next chapters. I hope you enjoy reading as much as I exerted effort in writing. Thank you 😘❤️

Criminal Minds: KWhere stories live. Discover now