CM 6 : The Art Class

422 12 2
                                    




.06

CM : 6

Selena

Pagkaalis na pagkaalis namin sa bahay na iyon ay dumeretso na kami sa palengke at binili ang mga kakailanganin namin at ng mga kaklase namin. Hindi katulad sa mall na pinupuntahan ko kasama si Sander ay mas magulo at maingay dito sa palengke. Iba't ibang lebel ng tao ang makakasalamuha mo at makikita. Halo-halo.

May mga bata ring nagtatakbuhan sa gilid ng kalsada. Magulo nga talaga sa palengkeng ito.

Pagkatapos naming mabili ang mga pintura, paint brush. At iba pang gagamitin namin ay dumeretso na kami sa school para simulan ang activity na pinagagawa sa amin.

"Oh ayan na pala sila e." Sabi ni Rico na kaklase namin sa klaseng ito. Hindi ko nga maintindihan e. Art class in english subject? I'm taking accountacy here bruh. U kidding me?

"Sakto! We only have one hour left para tapusin ang painting. By pairs daw sabi ni ma'am." Sabi naman ni Dina.

"Sinong pair ko?" Tanong ko agad sa kanya.

"Nakasulat sa white board ang bawat pairs pero ang pagkakaalam ko si Bryce din yata ang pain mo." Sabi nito kaya naman tumango na lang ako at dumeretso na sa harapan at hinanap ang pangalan ko sa board. And she wasn't bluffing kasi si Bryce nga talaga ang pair ko. Great. Ang sungit pa man din charot lang.

Pumunta na ako sa kinalalagyan niya at naghahanda na pala siya ng mga gagamitin namin sa pagpipinta.

"Anong ipe-paint natin?" Tanong ko sa kanya pagkalapit na pagkalapit ko sa kinaroroonan niya.

"Fire." Sagot niya lang.

"Marunong ka ba?"

"Hindi. Ikaw ang gagawa." Sabi niya kaya naman napataas kilay ko sa sinabi niya.

"Kalakas ng loob mong mamili ng ipipinta natin hindi ka pala marunong magpaint."

"Why can't you just be submissive like Anastasia Steele and do exactly what I want you to do? Paint a fire." Sabi niya at saka inabot sa akin yung paint brush na wala sa sarili kong kinuha.

What the actual fuck did he just say? Did he just mention Anastasia Steele from 50 Shades of Grey?

Hawak hawak ko pa rin iyong paint brush at sa gilid namin ay may pintura. I dipped the brush in the can at saka ko ipinahid yon sa leeg niya habang nakatalikod siya sa akin and act like nothing happened.

I started painting a fire pero deep inside tawang-tawa ako sa kanya. Wala akong narinig na reaksyon sa kanya and noong nasa kalagitnaan na ako at malapit ng matapos at finishing touch na lang ang kailangan. And then I felt a hand in my face with liquidy thing which I guessed was a paint.

It was splattered over my face.

"What the heck?!" I shrieked! Paano ba naman kasi wala man lang warning and nang makita ko kung sino ang may gawa noon, Bryce "Fucking" Alonzo. He was laughing so hard. Hawak hawak niya ang tiyan niya sa kakatawa while he was seated on the floor.

"Iyon pala ang gusto mo ha." Pagbabanta ko sa kanya kaya naman napatigil siya sa kakatawa at umiling iling.

"Yes, Bryce. Yes." I dipped my palm in paints' can at ikinalat ko iyon sa buong mukha niya. Eksakto namang kulay pula yung pintura kaya naman nagmukha siyang kamatis.

This is the time na ako naman ang tatawa. "Mukha kang kamatis! Hahaha shet!"

Napapatingin na sa direksyon namin iyong iba pa naming kaklase na medyo natatawa na sa itsura namin. Our face is soaked with paint. Mabuti na lang at waterbased ang paint na ito. Yung pintura sa mukha niya ipinunas niya sa damit niya at saka siya lumapit at niyakap ako. Kaya naman nailipat sa akin yung pintura.

Criminal Minds: KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon