CM 5 : Kiss

477 17 1
                                    




.05

CM : 5

Selena

Di pa nagtagal ay nakita ko na ang ilan sa mga sasakyan ng pulis na nakaparada sa tapat ng isang bahay. Agad kong. Ipinaalam kay Bryce iyon saka ako bumaba sa kotse niya, naramdaman ko namang sumunod siya sa akin.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay sinalubong na agad ako ni Chief Inspector Martinez at ng kambal kong si Sander na ngayon ay nakatingin kay Bryce. Lagot. Matagal-tagal na eksplanasyon na naman ito.

"Mabuti naman at nakarating ka kaagad." Bati sa akin ni Chief Inspector Martinez.

"Sino itong binatang kasama mo?" Tanong niya sa akin. At bago ko pa maipakilala si Bryce sa kanila nauna na siya.

"Bryce Hermina Alonzo," sabi niya sabay abot ng kamay niya para makipag shake hands kay Chief Inspector Martinez. Tinanggap naman iyon ni Chief.

"Very well," sabi niya at tinawag ang isa sa kanang kamay niya na probably siya rin siguro ang magmamana ng posisyon ni Chief Inspector.

"Ipaliwanag mo sa kanila ang krimeng nangyari rito." Sabi ni Chief Inspector Martinez sa kanya and excused himself. Parang may iba sa kanya ngayon. Parang ilag at hindi mawala wala ang ngiti sa labi niya na nakapaninindig balahibo.

Parang bigla akong natakot sa kanya. Not only hin with his gun but what is inside of him is the one I'm afraid of. Because my mother once told me when my bestfriend and I fell apart and she backstabbed me, befor I got to sleep she told me one thing that keeps on repeating in my head until know.

"In every good person there is a howling beast inside them." And I knew exactly what she meant by that. Na kahit gaano pa kabait ang isang tao ay may tinatago itong kasamaan hindi man nito maipakita pero mayroon at mayroon pa rin ito.

"Ako nga pala si SPO1, Van Drogh." Pagpapakilala nito. Saka nagsimula ng magpaliwanag.

"May natagpuang bangkay sa loob ng banyo. Ang pangalan ng biktima ay Yana Laksama. Laslas ang leeg nito diretso sa may pulso. Kaya dead on the spot ang biktima. Wala pang 3 hours nang matagpuang patay ang biktima. Ang mga prime suspect natin ay ang tatlo niyang kaibigan na kasama niya sa reunion nila." Sabi nito at itinuro iyong tatlong babaeng nakaupo ngayon sa sofa nila.

"Ang babaeng iyon," sabi nito at itinuro ang isang babaeng nakasuot ng kulay pulang lipstick at puting blouse. "Ang pangalan niya ay Sandra Aviar. Isa siyang teacher sa isang public school dito sa bayang ito. At iyon naman," sabi nito at itinurong muli ang katabi nitong babae pa na may hawak-hawak na sigarilyo at minu-minuto itong humihithit dito.

"Ang pangalan ni ay Helena Cariño. Isa siyang abogado sa isang sikat na law firm sa Maynila pero nagpunta dito sa Batangas upang makadalo sa reunion nilang magkakaibigan. At ang isang iyon naman ay si Kara Jaledo, isa siyang pastry chef at mahilig ding magluto ng iba't ibang putahe."

"Sila ang mga prime suspect? May nakuha na ba kayong mga ibidensyang maaaring magturo sa mga suspect s krimeng ito?" Tanong ni Sander.

Sanay na ako sa aura niyang ito. Sa tuwing may iimbestigahan kaming kaso ay lagi siyang seryoso at parang ang lalim ng iniisip. Hinayaan ko na lamang siyang magtanong-tanong habang ang atensyon ko ngayon ay nakatuon lamang sa paligid baka sakaling may naiwang ebidensya ang suspect sa krimeng nagawa niya.

Lumayo muna ako roon habang abala pa sa pagtatanong ng mga impormasyon si Sander kay SPO1 Van Drogh. Parang ang ironic ng name niya, kamukha noong sikat na impressionist painter ng 20th century na si Van Gogh.

Criminal Minds: KWhere stories live. Discover now