CM 9 : Hoax

355 11 2
                                    




.09

CM : 9

Hoax

Xena's Point Of View

Hindi namin mareresolba nang ganun kadali ang kasong ito. Masyadong malawak ang pagkakagawa sa kasong ito. Siguradong mahihirapan kami sa pagtukoy kung sino nga ba ang tunay na salarin s likod ng mga kasong ito. Hindi pa tapos iyong kay Faye Alvarez at ngayon naman may sumunod. Terry Johnson. Sino ka nga ba? Anong dahilan kung bakit ginawa sa'yo ito?

Tinignan ko isa-isa ang bawat taong nandirito sa loob ng lounge area. Siguradong isa lang sa kanila ang salarin sa magkaparehong kaso and that makes it harder to know kung sino ang tunay na salarin dahil hindi namin alam kung kotektado ba talaga sila sa isa't isa ang alam ko lang bago ako nagpunta rito ay sabay-sabay silang nagsidatingan sa hindi malamang dahilan.

At alam ko na may alam si Franz kung bakit nangyayari ang mga ganitong pangyayari. He knows this would happen even before it occurred. Mahirap malaman kung anong tumatakbo sa isip niya.

Pinagmasdan ko ang kinikilos ni Franz pero wala naman akong nakitang kahina-hinala dahil mailap itong magsalita nang pinatawag niya iyong Matthew Ferguson which I know na isang sikat na detective, bakit naman hindi ko malalaman e kaopisina ko siya. He was my partner back then pero nang sumibol ang kasikatan niya ay nakalimutan na niya ang mga pinagsamahan namin.

Aish. Kalimutan na natin ang nakaraan. Move on. Matagal nang nangyari ang lahat ng mga iyon.

Tinignan ko ang orasan sa wrist ko at nakitang alas nuebe na ng gabi. At dahil mayroon pang pasok sina Selena at Sander, kahit na ayaw pa nila ay pinilit namin sila na umuwi na. Eksakto namang papaalis nila ay ang dating ni Matthew Ferguson kaya naman nakapagpa-pirma pa si Selena bagos ila tuluyang umuwi sa dorm nila sa school.

That night have been the long night in my whole life dahil hindi naging madali ang lahat. We had a hard time in identifying the killer but I wouldn't dare to doubt Matthew's skills. No wonder he is the most famous detective at all times. He manage to identify the culprit and the killer of Faye Alvarez.

The memory is still fresh in my my mind when that happened.

Flashback (Identifying The Culprit)

Nainspeksyon na namin ang mga gamit nila at wala naman kaming nakitang kahina-hinala pero saglit kaming pinalabas ni Matthew sa lugar na iyon at pagkatapos ng ilang minuto ay pinabalik niya rin kami. Nilingon ko ang paligid at wala naman akong nakitang kahina-hinala o nagbago pero naagaw ng pansin ko ang isang pack ng powder na nakapaibabaw sa lamesa.

Dinukot ko ang surgical gloves ko sa bulsa ko at sinuot yun sa kanan kong kamay saka ko kinuha iyong nakapack na powder.

"Where did you find this?" Takang tanong ko sa kanya habang ang iba naman na sina Franz Alberts, Carson Alvarez, Ferdinand Dolores at ang iba pang empleyado din ni Franz ay nanatiling tahimik at pinakikinggan ang pag-uusap namin pero hindi nakatakas sa paningin ko ang paninigas ng isang tao sa kwartong iyon. Huli ka.

That moment alam ko na siya nga ang killer. Ang simpleng pag-flinch niya lang na ganoon ay iba na ang ibig sabihin. Every gestures is important dahil doon mo malalaman kung paano sila nakokonekta sa pagpatay.

"Its Aconite. The same thing that killed Faye Alvarez and Terry Johnson. I found it in a secret compartment of Mr. Ferdinand Dolores' briefcase. Mind explaining Mr. Dolores kung bakit mayroong ganyan sa briefcase mo?" Tanong naman ni Matthew sa isang mapanuring tono.

Teka nga. He is not the one I saw who flinched kanina at sigurado ako na iyong taong iyon nga ang killer pero bakit napunta kay Mr. Dolores ang powder na iyon? It was the same poison that Faye Alvarez ingested.

"That's not mine." Sagot nito. Hindi mababahiran nang kung anong pagkatakot sa tono ng kanyang pagsasalita at tanging diretso lamang ang pagkakasabi nito.

"'That's not mine.' 'Hindi yan sa akin.' I'm tired of hearing those excuses. Palagi na lang sa tuwing magi-interrogate kami ng suspect ay palaging sinasagot iyan. So why won't you just tell us the truth that you killed both Faye Alvarez and Mr. Terry Johnson in the same day and think that you will get out of it that easy?!" Sigaw niya.

I didn't know why but I just rolled my eyes and I know that he saw it. Isang salita ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Tanga. Isa siyang tanga. Akala ko ba alam niya ang mga pasikot-sikot sa mga krimeng nahahawakan niya? Pero bakit ngayon ganito? Hindi ba niya nakita iyong nangyari sa taong iyon kanina? That time pa lang dapat ay alam na niyang hindi si Ferdinand Dolores ang tunay na salarin kung hindi ay ang mismong tatay ni Faye Alvarez na si Carson Alvarez!

"Kaya nga naman Mr. Carson Alvarez. Why don't you just tell them the truth at aminin na ikaw ang pumatay sa dalawang iyon? Bakit hindi mo pa kasi aminin na kaya mo pinatay si Faye Alvarez na sarili mong anak ay dahil mas pinili nitong sumama sa kanyang ina at iwan kang mag-isa. Becausr you are an abusive father and they are both tired of your sick games so why don't you just tell the truth na kaya mo pinatay si Mr. Terry Johnson which is a physicist dahil nagbabalak siyang magsalita kanina pa lang magmula nang malaman niya ang sanhi nang pagkamatay ng anak mo but you poisoned him instead."

Mahabang litanya ko. Hindi naman siya agad na nakapagsalita dahil naunahan ko na at nabuking ko na siya sa krimeng ginawa niya.

"You set up Ferdinand Dolores dahil alam mo na maghihinala talaga kami pero since you are the father of the other victim malayong pagbintangan ka namin and be the suspect."

Nang matapos ako ay ngumisi siya ng nakakatakot kaya noong mga oras na iyon ay alam ko na ang mga susunod na mangyayari kaya naman pinindot ko na ang recorder ko.

"Akala ko pa naman makakatakas na ako sa mga krimeng nagawa ko." Panimula nito habang pailing-iling na nakangiti pa. Nakakakilabot. Para siyang may sayad sa utak.

"Nandoon na e. Nagpapakatanga na ang isang Matthew Ferguson at hindi niya alam na ako ang tunay na pumatay sa dalawang iyon dahil lang sa nakita niya yung isang pack ng aconite sa briefcase ni Dolores. Napakatanga. Pero paano mo naman nalaman ang lahat ng impormasyong iyan tungkol sa akin at doon sa traydor na Johnson na iyon aber?" Mapanghamong tanong niya sa akin.

"Nanggaling kay Selena. Nanag hiramin niya ang laptop ni Franz ay nagawa niyang makakuha ng impormasyon sa isang source na lubos niyang pinagkakatiwalaan tungkol sa inyong tatlo. Nagulat kasi siya kung bakit nandirito kayo lalo ka na Mr. Carson Alvarez. Ama ka ni Faye Alvarez kaya naman sayo siya pinakanaghinala. Nagtaka siya kung bakit nandiritoo ka ganun din ang dalawa mo pang kasama wala rin kayong sinabing pakay niyo rito kaya mas naguluhan siya. Hindi basta-bastang nagpapapasok si Franz ng kung sinong tao rito sa facility niya kaya imposibleng wala lang ang pagpunta niyo rito. Ikaw Carson Alvarez isa kang government employee at inatasan kamg tingna ang lugar na ito at inspeksyunin. Ginamit mo ang pagkakataong iyon para maisagawa ang krimen mo na akala mo magtatagumpay perosa kasamaang palad. Hindi."

"Matalinong bata ngang talaga ang dalawang iyon. Hindi nga talaga nagkamali si Supremo." Sabi nito at ngumisi.

Tumawag na kami sa mga otoridad at ipinaalam ang nangyaring krimen na iyon.

End Of Flashback

Palaisipan pa rin pa rin kung sino ang tinutukoy niyang 'supremo.'

Sino nga ba ang taong yun?

Criminal Minds: KWhere stories live. Discover now