CM 19 : Not A Coincidence

253 7 1
                                    



.19

CM : 19

Not A Coincidence


A/N: I woke up at 3:33 am. Yes. Grabe ay kinilabutan ako. September 12 na pero umaasa pa rin ako. Okay, haha. Ito na yung next update. Expected na medyo mahaba-haba ito dahil sinama ko na rito yung buong semestral break. Pero may mga jumps dito kaya, yun basahin niyo nalang.

----------•-----------

Selena

Its 7:00 in the evening when we decided to leave our rooms and go down stairs for our supper. Nasa restaurant na sila na nasa katabi lamang ng hotel na tinutuluyan namin but I decided to take a little walk on the beach.

Kahit gabi na ay marami paring taong nasa tabing dagat. Ang iba ay nag-bonfire and they are gathered around laughing and probably sharing stories about theirselves.

I stopped walking when I heard the same voice I heard kaninang dumating kami rito.

"What? May bagong misyon na naman? They told me to stay here tapos dahil nagka-problema tapos ngayon hindi pa tapos ang misyon ko papatungan niyo na naman? I think you Green are being too hard on me." Sabi nito sa kausap niya sa telepono, then silence. Kanina lang Black yung sinabi niya, tapos ngayon naman Green? What the heck? Are they some kind of gangsters that uses colors as code names?

Befor I can even figure out what I was asking. He talked again.

"You want me to watch those kids?" Manghang tanong nito sa kabilang linya.

"Eh mas mukha pa ngang may kakayahan silang ipagtanggol ang sarili nila that what I can do."

"Okay I understand." Sabi nito at ibinaba na yung telepono.

Hindi ko pa rin maaninag ang mukha nito dahil may kadiliman na sa parteng ito ng dalampasigan. Wala rin kasing ilaw na naka-kabit dito. Pero by the looks of it, at kung ang anino niya ang pagbabasehan ko masasabi kong may kalakihan ang kanyang katawan at matangkad ito malamang nasa 6"5-"7 inches ito.

Nagitla naman ako nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman napatingin siya sa may gawi ko, agad naman akong nag-iwas ng tingin at sinagot ang cellphone ko na nag-ring.

Si Sander lang pala yung tumatawag.

"Ano?" Agad kong bungad sa kanya pagka-sagot ko nung tawag.

"Bumalik ka na." Sabi lang nito saka ako pinatayan. Ganyan kami mag-usap wala ng ek-ek at kung ano-ano pang mga cheche-burevhe straight to the point lagi dahil kung hindi, you are just wasting our time. Well thats how we believe pero iba pa rin kapag sila mama at papa na ang kausap and speaking of, I haven't talk to them for a while now, last na usap ko sa kanila is noong last sunday pa ang last na pag-contact ko sa kanila. Hindi rin naman kasi magtutugma lagi ang schedules namin. Umaga sa kanila gabi sa atin. Masyadong conflict ang oras.

Nagpunta na ako sa may pagkakainan namin at nadatnan ko na kararating palang nung pagkain. Grabe. Pagkakita ko palang nung pagkain nagutom na agad ako. Mamaya na nga muna yang mga bagay na yan. Umupo na ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Bryce at saka ako nagsimulang kumain at ganun din ang ginawa nila. Tahimik ang naging dinner namin dahil na rin siguro sa gutom.

Nang matapos akong lumamon. Oo lamon talaga dahil sa sobrang gutom ko hindi na kain kung hindi lamon na ang ginawa ko. Hay. Busog.

Naagaw naman ng atensyon ko ang dalawang lalaking nag-uusap sa pinakadulong parte ng restaurant malapit sa may daanan papuntang comfort room.

They are talking but slightly arguing. Panaka-nakang lumilingon iyong isang lalaki na parang may tinitignan kung mayroon bang sumusunod sa kanya. Parang natatakot ito na ewan dahil na rin sa itsura nito. Nang mapagawi ito sa direksyon kung nasaan ako ay agad kong iniwas ang tingin ko mula sa kanila pero eksakto naman noong ginawa ko iyon, ay ang tunog ng isang pagbasag ng baso sa kabilang table.

Agad namang lumapit iyong waiter doon at pinulot yung nalaglag na baso. Panay naman ang paghingi ng paumanhin noong babae.

"O ano? Tara na? O gusto niyo munang mag-bonfire?"  Tanong naman ni Carla sa grupo namin.

"Magpahinga nalang muna tayo." Aya naman ni Bryce.

"Oo nga. Pagod na rin naman ako." Sabi naman ni Franz.

At dahil nga rin doon ay dumeretso na kami sa kanya-kanya naming kwarto. Tig-iisa kami ng kwarto since isang buong penthouse sa pinakamataas na floor ang inokupa namin and that penthouse was able to accomodate us 10.

Lumabas na muna ako sa balcony since ang kwartong napunta sa akin ay yung kwartong nakatapat sa karagatan.

Napapikit ako sa simoy ng hangin. Ang sarap ng paghampas nito sa aking mukha at katawan. It was peaceful and relaxing at the same time. Sabayan pa ng isang breath taking view ng karagatan at mga ilaw sa ibaba. Truly amazing.

Isang malakas na sigaw ang nadinig ko na siyang napatigil sa akin sa pagmumuni-muni. Agad-agad akong bumaba upang hanapin kung saan nannggagaling yung sigaw na iyon. Hindi na ako nag-abala pang magpaalam at tawagin sina Sander. Nang makarating ako sa ibaba, sa may lobby. Ay agaran kong nakita ang pinagmulan ng sigaw dahil sa kumpulan ng mga tao. Nagkukumpulan sila sa isang sulok na para bang mayroong nagma-magic show.

"Anong nangyari dito?" Tanong nung gwardiya sa isang taong una niyang nakalabit.

"May narinig kaming sigaw tapos nung nahanap namin ang pinagmulan ng sigaw ito ang bumungad sa amin." Sagot nito.

"Lumayo muna kayo jan, papunta na ang mga pulis dito." Anunsyo nito.

"May nakakakilala ba sa biktima?" Tanong nito sa mga taong nandoon. Mayroon naman nag-step forward at nakataas pa ang kamay.

"Ako po. Kapatid ko po ang biktima." Sabi nito.

"Anong pangalan mo? At ng biktima?" Hindi ko na napigilang magtanong. Hindi na kasi ako makapaghintay sa mga pulis dahil sadyang mabagal silang dumating at mamaya baka naaagnas na ang bangkay ay hindi pa ito nareresolba. Hindi naman sa minamaliit ko sila pero if it takes this late for them to go here one must make a move.

"His name is Remor Garcia at ako naman si Gary Garcia." Sagot nito.

"Ilang taon na ang biktima?" Tanong kong muli sa kanya.

"24."

Hindi na muna ako nagtanong sa kanya ng mga kung ano-anong pangyayari pa. In-examine ko ang bangkay at tinignan kung anong sanhi ng pagkamatay nito. Wala naman itong physical na sugat kaya imposibleng external ang dahilan ng pagkamatay nito. It could be internal. Maybe he intaked something that could have triggered something.

I just have to know what it is, and I know exactly a person who can help me with that.

Criminal Minds: KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon