CM 15 : Suspect Behavior

351 11 2
                                    



.15

CM : 15

Suspect Behavior

Selena

Library girl ang peg ko ngayong araw. Biruin mo ba naman kasi yun, sunod-sunod ang long quizes namin sa iba't ibang subject grabe! Kaurat pa man din ang mag-review ng walang pagkain. Paano ba naman bawal kumain dito sa library. Makapainis. Kasarap hambalusin ng walis tambong punong puno ng sapot ng gagamba sa ulo yung nagpatupad ng bata na hindi pwedeng kumain sa loob ng library.

Hindi pa naman ngayon yung quiz at bukas pa yun, pwede naman akong mag-review sa dorm ko pero ayoko doon kasi hindi ako makakapag-focus at cellphone lang din at laptop ang hawak ko if ever. Kaya ngayon nandito ako sa library, and to be honest inaantok na talaga ako at sobrang pinipigilan ko lang. Wala pang pumapasok sa utak ko. Hindi naman sa bobo ako pero naninigurado lang ako sa mga information na alam ko.

At dahil narinig kong nagwawala na ang mga bulati ko sa tiyan inayos ko na yung gamit ko at inilagay yun sa bag ko saka ko idadala sa Giorsk saka ko pupunta sa cafeteria para lumamon. Oo lamon talaga dahil sa lagay ko ngayon understatemen ang mangyayari kapag sinabi kong simpleng kain lang. Gusto ko ng maalat and at the same time matamis.

Nang mailagay ko na yung gamit ko sa Giorsk ay eksakto namang nasalubong ko si Carla na halos isang linggo ring wala dito.

"Hi Carls! Bakit wala ka ng isang linggo?" Bungad kong tanong sa kanya pagkatabi ko sa kanya sa paglalakad.

"May ginawa lang akong importante." Sabi nito at nanatili ng tahimik.

"Oh- okay." Tinignan ko naman siya at feeling ko naman mapapagkatiwalaan ko siya. Binabalak ko kasing sabihin sa kanya yung tungkol sa "The Punisher" iyong iba't ibang kasong nakuha namin na konektado pala sa isa't isa.

"Carla." Seryosong tawag ko sa kanya kaya naman napalingon din siya sa akin.

"Op?"

"Can you keep a secret?" Tanong ko munasa kanya. Damn I feel like I am a child again. (::^_^::)

"What secret? Ofcourse you can trust me." Sabi nito. She seems good and trustable if there is even a word like that. I don't care.

"It's about a serial killer back in the day. It was called "The Punisher". We have different recorda of cases that was killed by the same process and the unknown serial killer was named "the punisher" because the victims sufferred from torture and electroconvulsive theraphy na pinagbabawal na. In short, the punisher wanted them to feel pain and I think na kung malalaman natin kung sino ang nasa likod ng krimeng mga iyon and if we managed to solve that unfinished business, mabibigyan natin ng hustisya ang mga pamilyang namatayan ng dahil sa punisher na yan." Mahabang litanya ko sa kanya habang siya naman ay hindi maipaliwanag ang itsura.

"How the hell did you get that information?!" Sabi niya sa akin.

"Its all Sander." I said calmly saka mas binilisan ang paglalakad para madali akong makapunta sa cafeteria. Naririnig ko na yung mga pagkain na tinatawag ang pangalan ko yung para bang "Selena, kainin mo ako."

Nang makapasok ako sa cafeteria ay iba ang sumalubong sa akin. Yung totoo? Kailan pa naging bugbugan site ang cafeteria.

Paano ba naman kasi sa di kalayuan malapit sa entrance ay nagbubugbugan si Bryce at isang lalaking hindi ko kilala. Siguro higher year sa amin dahil iba ang kulay ng ID lace nito. And siyempre, me being the concerned citizen that I was.

Criminal Minds: KWhere stories live. Discover now