CM 10 : House Rules

409 12 1
                                    



.10

CM : 10

Break From Crimes

Third Person's Point Of View

Weekend ngayon kaya naman nanatiling nakahiga sa kama niya si Selena sa nilipatan niyang dorm. Eksaktong ang nakatokang room sa kanya ay yoong walang kasama kaya solong-solo niya ang kwarto. Hindi masyadong maluwang iyong kwarto at tama lang para sa iisang tao.

Wala kang makikitang kitchen sa loob dahil mayroong cafeteria kung saan nago-offer sila ng breakfast-lunch-dinner kasama na yun sa fees mo as a student. May banyo sa dulo ng pasilyo at wala sa loob ng kwarto nila. Okay lang naman na maligo sila doon at maglakad ng nakatapis dahil exclusively for girls lang ang building na ito.

Tinatawag nilang Giorsk ang dormitory ng Girls at Berzek naman ang tawag sa dormitory ng boys na matatagpuan sa east side ng facility ng school habang ang Giorsk naman ay sa west side. Kumbaga sinasya talagang paghiwalayin ang dormitory ng girls and boys para walang issue ng kmga kung ano.

May mga dormitory rules din silang tinatag at ang kung sino mang mangangahas na suwayin ang mga rules na iyon ay siguradong may kahahantungan.

Ilan sa mga ito ay:

• Hindi ka pwedeng magpunta sa dorm ng boys kung babae ka unless importante talaga.

• Kung maaabutan ka ng curfew hours sa labas ng dorm which is exactly 10:00 pm (wag umangal batas ni Duterte yan) diretso detention ka kinabukasan at kapag lumagpas sa 3rd offense ang ginawa mo. Community service ang bagsak mo.

• Kailangan mong panatilihing malinis ang loob ng kwarto mo dahil every week may nagpupuntang facilitator sa bawat quarters at chine-check iyon. Kung naabutan nilang madumi ang dormitory mo, automatic patalsik ka na sa dormitory at hindi na pwedeng magregister pa ulit.

• Kapag breakfast, breakfast. Hindi ka hihintayin ng pagkain kaya dapat alam mo ang oras ng pag-kain mo.

• Limitadong oras lang pwedeng lumabas sa school facility. 3 times a week lang at kasali na ang weekends doon. Kung may mangyari man sayo outside the school premises ay hindi na kasalanan ng school iyon.

• Sa dorm, no ID; no entry. Sa school na ito malayang nakakapasok ang iba at kinukuha sa feont gate ang mga ID nila pero ang estudyante may sriling ID na para lang sa dormitory mismo kaya walang ibang makakapasok sa Giorsk at sa Berzek.

• No alchoholic drinks are allowed inside. Hindi pwedeng magpuslir ng mga alchoholic drinks sa loob ng dorm.

• Visiting hours is every Thursday at 10:00 am to 3:00 pm. Limited visiting hours for students' safety.

• Bawal ang sobrang maingay.

• Parties are allowed inside basta walang alchoholic drinks and alam ng school na mago-organize ka ng party.

• Kapag sinabing lights out. Lights out na agad. (Hindi ito yung lights out na movie a? Intiendes?)

Ilan lamang iyan sa mga rules na dapat mong sundin once na nandito ka na sa dormitory ng Trinity University.

At dahil kalilipat pa lamang ni Selena sa dorm niya ay nakamaleta pa ang mga gamit niya at hindi pa nailalagay sa kaniya-kaniya nitong lagayan.

Maluwang naman kaunti ang dorm na ito at kagaya nga ng sinabi ko kanina tama lang para sa isang tao. May isang single size bed at airconditioned din ang dorm. May isang malauwang na study table at may office chair din na kulay itim. May isang cabinet din na hango rin sa style ng school. May pagka-vintage ito. Meron ding maliit na couch sa may paanan ng kama. May bed side table din kung saan nakapatong ang isang lanoara at kung saan niya nilagay ang susi ng kotse niya na minsan niya lang gamitin.

Dalawang maleta, isang gym bag at isang backpack ang dala-dala ni Selena. Iyong dalawang maleta ay mga damit at sapatos niya habang iyong isang gym bag naman ay mga kagamitan niya sa pagw-work out at mga pangself defense na armas katulad ng arnis na karaniwan na niyang dala.

Sa kabilang banda naman. Si Sander ay abalang-abala sa pag-aayos ng gamit niya. Kumpara kay Selena si Sander ay may kasama sa quarters niya at iyon ay si Jared Villarama. Matagal na niya itong kilala pero hindi lang talaga niya ito ka-close. Nalaman niya rin na kaibigan ito ng pinaghinalaan niyang boyfriend ni Selena na si Bryce Alonzo.

Maganda naman ang pakikitungo nito sa kanya kaya wala naman masyadong problema. Kasalukuyang kumakain ito ng umagahan sa Cafeteria. Wala siyang gana at mamaya na lang siya kakain pagkatapos niyang mag-ayos ng gamit niya. Karamihan sa dala niyang gamit ay mga sapatos dahil lingid sa kaalam niyo ay mahilig mangolekta ng iba't ibang klase ng sapatos si Sander. Mapa-sneakers man iyan o sports shoes. Kahit ano. Pero may taste naman ito pagdating sa mga sapatos at may pagka-pihikan.

Sa gamit naman ay mas malinis pa ito kung ituring kaysa sa kambal niyang si Selena. Lagi itong may dala-dalang bag kung saan nakalagay ang mga first aid kit. Isang pares ng damit. Tsinelas at isang sapatos. Mayroon ding mga gamot doon at extra na cash. Tinatawag niya iyong emergency bag na dala-dala kahit saan magpunta. Kada-linggo kung hindi niya nagagamit ang damit na nakalagay sa bag na iyon ay papalitan niya iyon ng bago para hindi ma-stuck iyong damit niya sa bag niya.

Ibang pamamaraan ang maiisip mo agad pagdating kay Sander. Katulad ni Selena ay may dala rin itong gym bag. Isinali na rin kasi nilang magkapatid sa lifestyle nila ang page-ehersisyo kaya kung mayroon mang isang bagay na napagkakasunduan nila bukod sa pagresolba ng iba't ibang kaso ay ang pag-g-gym na ikinagagalak naman ng mga magulang nila. Paminsan nga ay kasama pa nilang magpunta sa gym ang mga magulang nila noong nandirito pa sila sa pilipinas.

Nang matapos si Sander sa pag-aayos ng mga gamit niya ay nagpunta siya sa Giorsk na dorm ng nga babae para sunduin ang kapatid niya. Balak niyang umuwi para kuhanin pa ang mga naiwan niyang mga gamit at balak niya ring tanungin si Selena kung mayroon pa itong ipapakuha para minsanan na lang silang pupunta pauwi.

Noong pagpasok niya ay hinarang pa siya ng babaeng gwardiya slash facilitator ng Giorsk sa harapan pero nang malaman ang dahilan nang pagpunta niya sa Giorsk ay pinapasok rin ito.

Napapanganga naman ang mga babaeng nakakasalubong niya sa taglay niyang karisma. Hindi naman talaga maipagkakailang napakagandang lalake nitong si Sander idagdag pa ang kapatid niyang mala-dyosa ang ganda kaya naman bata pa lamang ang mga ito ay marami ng nanliligaw sa kapatid niya at siya naman bilang nakagagwapo este nakatatandang kapatid ay todo bakod sa kapatid gaya na lang ng bilin ng kanyang ama na ngayon ay nasa Amerika na.

Nang makarating siya sa harapan ng unit ni Selena ay walang ano-ano'y binuksan niya ito. Hindi naman naka-lock kaya agad siyang nakapasok. Napailing na lang siya sa katangahan ng kapatid paano na lang kung may isang babaeng takas sa mental ang nagtangkang patayin siya ay madali lamang nitong maisasagawa dahil hindi siya marunong magsarado ng pinto.

"Matuto ka ngang mag-lock." Pangaral niya rito nang madatnang nag-aayos ng gamit sa cabinet niya.

"Opo itay." Sarkastikong tugon nito sa nakatatandang kapatid na si Sander.

"Uuwi ako."

"O tapos?" Pambabara ni Selena sa kanya.

"Saya mo kausap, bahala ka nga." Sabi nito at akmang lalabas na dahil naiinis ito sa inaasal ng kapatid.

"Op! Op! Op! Saglit! Hintayin mo ako. Sasama ako." Sabi ni Selena na agad na kinuha ang backpack niyang halos walang laman saka nauna ng lumabas pagkatapos nitong mahablot ang susi ng unit niya sa ibabaw ng study table niya.

Magkasabay nilang tinungo ang parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Sander na siyang gagamitin nila pauwi ng bahay nila.


PS: iyang picture na iyan is taken by me opkors haha. Siyempre i am proud. So proud. Naks!

Baby A ❤️

Criminal Minds: KWhere stories live. Discover now