CM 4 : Bryce

581 20 1
                                    




.04

CM : 4

Chasing The Sun

Selena

Naalala niyo pa ba noong bata tayo na akala natin sinusundan tayo ng araw? Yes? Well its happening to me right now, pero ang kaibahan ay hindi araw ang sumusunod sa akin kung hindi tao. Oo alam kong maganda ako pero kailangan talaga nakasunod kahit saan ako magpunta? Ulti mo sa CR susundan ka pero not to the point naman na papasok siya sa cubicle. Sino? Walang iba kung hindi si Sander!

Napakapraning niya promise! Akala mo naman bigla-bigla na lang na bubuka yung lupa at lalamunin ako non, todo bantay kasi. Napaka-oa. Katulad na lang ngayon. Sabi ko sabay na kaming magme meryenda ni Carla pero nakabuntot pa rin siya. Agh!

"Sander. Seriously? Kaya ko okay?" Sabi ko sa kanya. Hindi naman ako galit pero naiirita lang ako ng kaunti. Alam ko namang ginagawa niya ito para siguraduhing okay ako pero iba kasi yung paninigurado niyang okay ako e. May kasamang batok at pang-aasar.

"Naninigurado lang. Tanga ka pa naman." Sabi niya kaya naman this time ako na anb nambatok sa kanya.

"Gago."

Inirapan ko siya at nagsimula nang maglakad paalis doon pero may napansin akong babae na nakatingin sa gawi namin pero nang mapansin niya naman akong nakatingin sa kanya kaya umiwas siya ng tingin. What the hell? Sino naman yun?

"Did you see that?" Tanong ko naman kay Sander, pero malabong makita niya. Busy mag-cellphone habang nagpapacute sa mga babae sa di kalayuan na kilig na kilig naman. Sinamaan ko nga sila ng tingin. Putspa. Aral muna bago landi oi!

"What?" Hindi ko na lang siya sinagot. Whats' the point? Halata naman na hindi niya nakita kasi busy siya sa cellphone niya. Magsasayang lang ako ng laway kapag sasabihin ko sa kanya.

"Hoy ano nga?" Pangungulit niya sa akin pero di ko pinapansin. Wag niya akong inaano.

"Wala." Sabi ko.

"Paasa ka naman."

"Jusko. Sander Neil Alberts, wag ako."

Nilayasan ko nga. Tutal matagal-tagal na rin naman akong pumapasok rito sa Trinity ay medyo alam ko na ang pasikot-sikot. Medyo lang naman. What I mean by matagal-tagal is 3 days, yes 3 days talaga yon. Matagal na iyon para sa akin. Hindi ko nga lang siya makita ng 3 days mabaliw na ako e. Pero siyempre joke lang! Baka pakainin ako ng medyas ni Sander e. ^_^

Nandito na ako ngayon sa Cafeteria and luckily nakita ko si Carla na nakaupo sa palagi niyang pwesto. And of course, as usual may hawak na namang libro. Angels & Demons by Dan Brown. Sabi nila maganda daw iyong book. I've watched the movie and no wonder nga talaga, it was good but I'm looking forward into reading the book.

Mayroon naman kasi akong libro ng Angels And Demons pati yung The Da Vinci Code pero iba kasi ang binabasa ko ngayon e. James Patterson ang bet ko ngayon. Favorite ko nga yung 4th of July niya, pero gusto ko rin yung ano— a basta! Lahat maganda! Mahirap pumili. Pero minsan dadating talaga sa point na kailangan mong pumili. Okay, charot lang ulit. Sorry na, medyo may topak ako. Okay, di na medyo. Haha. K.

"Hoy! Bat ngingiti-ngiti ka mag-isa jan? Baliw." Sita sa akin ni Carla na ngayon ay nakatingin na sa akin na para bang sinasapian na ako ng masamang espiritu. Grabe siya o! Greyb! Haha.

Criminal Minds: KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon