CHAPTER 5: THE REAPERS

408K 14.6K 8.9K
                                    

Chapter 5: The Reapers

Inilapag ko ang newspaper sa mesa. Sumasakit na ang mata ko sa kababasa ng mga balita tungkol sa nangyaring assasination sa isang pulitiko. He was a known politician and he was killed by a single sniper shot. No one knows who did it and what is the motive behind but many rumors says it's about the elections.

Kung totoo man iyon, I wonder how people thinks. They really would go into killing others just for power. I don't know why they do it. Nakakainis ngang isipin na nagpapatayan ang mga tao over things that are temporary. In the end, everyone will die, that's for sure but why does people make it as soon as possible?

It's saturday and I'm planning to go home. It's already March at ilang araw na lang ay matatapos na ang skwela. I'm gonna miss school, that's for sure.

Inayos ko na ang kama ko at kinuha ang bag ko. I left my pass slip on the dorm's office and made my way towards Bridle's main gate. I waited for a cab to stop in front of me but there wasn't any. Sa halip ay isang magarang sasakyan ang huminto. Sumungaw ang ulo ng driver mula sa nakabukas na bintana.

"Hey, where to? Want a lift?"

I almost rolled my eyes when I saw the Devil Ryu's face. He wasn't flashing his familiar smirk but he wasn't smiling either.

"No thanks," wika ko at lumingon sa paligid. Uh, Taxi! Nasaan ka nung kailangan kita?!

"Don't expect a cab dahil may strike ang mga drivers ngayon. Haven't you heard about such news?" he asked at nagulat naman ako. Strike?! Kaya pala marami ang umuwi kagabi! Ni hindi ko man lang alam ang tungkol sa sinasabi nitong strike. "Now, sasagutin mo na ba ang tanong ko?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Suko na ako. I have no other choice at nakisakay na lamang. I told him my home address and I asked him to take me there. Pumayag naman siya and I regretted asking him to take me home.

"I'm surprised my future prey is asking me to take her home," wika niya and his gaze was fixed on the road. God, kailan ba niya titigilan ang pagbabanta sa buhay ko?

"Ryu please. Ceasefire muna okay?" naiinis kong wika. As much as possible, I shouldn't throw words at him like the one he's throwing me. Sabi nga nila, pagbinato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. And as of this moment, tinapay ang binabato ko sa kanya. Kapag ako hindi nakapagtantya, babatuhin ko pa rin siya ng tinapay but this time, it's stuffed with stones.

"Where's your whiteflag? And can I reject your retreat? I always want war," he said at hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"My suggestion is that you should go wherever na may gyera, that's what you want right?"

Sinulyapan niya ako and he me gave a pokerface. "Ha. ha. ha. Funny," he said sarcastically. He pulled the car towards the nearest gasoline station.

Nagpaalam naman ako sa kanya na gagamit muna ng banyo sa katabing grocery shop.

Paglabas ko ay nakita kong nag-aabot ng pera si Ryu sa babaeng punong-puno ng singsing ang kamay.

"Devil! Halika na." Pumasok ako sa sasakyan niya at iyon din ang ginawa niya. "I don't know na mahilig ka palang magpahula."

"No. The woman approached me and told me a frightening premonition."

A frightening premonition? "About you?" I asked and he nodded at binuhay ang makina.

"Yeah, she said that someone's into my life," wika niya. Napatigil siya saglit at tinanong ako. "Nagmamadali ka ba?"

"Hindi naman. Bakit?" I asked him at saka ko lang napansin ang pagseryoso ng mukha niya.

"Good, because I guess that crazy woman's premonition about me is going to happen," wika niya at napatingin ako sa direksyong tinitingnan niya. I saw 3 guys in black at matamang nakatitig din sila kay Ryu.

DETECTIVE FILES. File 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon