CHAPTER 24: LETTERS TO JEREMY

376K 11.8K 5.9K
                                    

Chapter 24: Letters to Jeremy

Napahikab ako habang hinihintay ang guro para sa first subject namin. It was almost 1 in the morning nang makabalik ako sa dorm kagabi. I texted Khael na panay din pala ang paglilibot kagabi kasama sina Mart at Dustin. Kasalukuyan din itong nakasubsob sa mesa niya dahil inaantok din. Pinakiramdaman ko si Zywon sa tabi ko. Wala itong sinabi mula nang dumating ako. Ni hindi nga man lamang ito nag-angat ng tingin.

Dumating na ang guro at nagsimula na ang klase. I did my best upang makinig at pilit na ininda ang antok na humihila sa akin. My body still hurts like hell. Tinadtad ko na ng salonpas ang katawan ko ngunit masakit pa rin iyon. The bruises are still visible too lalo na ang pasa na nasa gilid ng labi ko. Nang tumunog ang bell tanda na break time na ay agad na nilapitan ako ni Jeremy sa upuan ko. Wala sana akong balak lumabas dahil gusto kong matulog ngunit heto si Jeremy at
nangungulit.

"Bestie, gising! Nahawa ka na ba dito sa seatmate mo at naging saksakan ka na ng tamad— oops. Ibig kong sabihin, nahilig ka sa pagtulog", wika nito at paulit-ulit na akong inalog.

"Je, I'm tired", wika ko. Kahit magsalita man lang ay kinatamaran ko.

"Anong ginawa ninyo ni Khael kagabi? Bakit parang puyat kayo? Aba! Makakarating ulit ito sa asawa mo!", he said na ikinakunot ng noo ko.

Napatuwid ng upo si Zywon. Marahil ay naingayan din ito kay Jeremy. "Wala akong asawa Je kaya tumahimik ka dyan at lumayas ka sa harapan ko", wika ko sa kanya. Yeah, I'm seeing beds, comforters and pillows.

"Aba! Ide-deny mo pa si Gray Ivan Silvan? Makakarating", wika ni Je at napansin ko ang pag-stiff ng anyo ni Zywon. Does he despises Gray so much? Tumayo ako sa upuan ko at naglakad palabas.

"Fine. Kung gusto mong kumain edi kakain tayo", wika ko. I saw him called Khael na kahit tinatamad ay tumayo pa rin.

"Khael", tawag ko dito.

"Hmmm?"

"Naalala mo ba nung nagbasketball kayo nina Cooler sa Bridle?", I asked. Hindi pa rin kasi ako matahimik sa peklat ni Ryu na nakita ko kagabi. It's been bugging me since last night.

"Of course. We won that game at ako lamang ang nagpanalo nun. Wala akong aasahan kay Silvan kapag basketball but I must admit that his big bro is good at it too but not an inch better than me", pagyayabang nito. Well that's him. Birds with the same feathers flock together and since mayabang si Gray, I already expected the same on Khael.

"Walang nanalo kasi hinimatay ka. Ang weak mo kasi", nakangiwing wika ko sa kanya. He was sick that time ngunit nagyabang pa rin ito na kailangan ni Gray ng tulong. It was indeed a good game, though Cooler and him are good in basketball samantalang parehas namang bokya sina Ryu at Gray.

"Kahit na. Ako lang kaya ang nakaka-shoot nun. Bakit mo nga pala natanong?"

"Do you remember seeing a big scar on Ryu's back? Hindi ko kasi maalala na meron pala siyang peklat eh", wika ko sa kanya.

Bigla na lamang niya akong kinurot. "Ikaw Special A ha! Di mo naman sinasabing type mo pala ang abs ko kaya wala ka ng nakitang iba kundi ang abs ko lang. It's okay Special A, I understand", natatawang wika nito.

I gave him a deadly glare. "Keep dreaming Mikmik."

"Pero seryoso Special A. Maybe he did have a big scar on his back. Kaya pala hindi niya hinubad ang damit niya", Khael said.

Kung mayroon nga siyang malaking peklat? But how did he acquire it?

"Hindi ko talaga napansin."

"Wag ka kasing ma-mesmerize ng sobra sa abs ko Special A", he said with a wide grin.

"Wala naman akong napansing abs sayo ah. Puro ribs", sagot ko sa kanya.

DETECTIVE FILES. File 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon