Chapter 5

2.6K 29 0
                                    

KINA-UMAGAHAN agad niyang tinapos ang kanyang naiwang trabaho kagabi nai-print na niya ang dapat na i-print. Kung ginabi siya ng uwi last night, ngayon ay napaaga pang masyado ang pasok niya. Natanawan niyang papasok sa kanilang departamento ang boss niyang si Eric. Agad itong lumapit sa kanya.

"Jam." Bulong nito sa kanya habang nakadukwang ito sa kanyang mesa.

"Bakit?" Tanong niya ditong hindi tinapunan ng tingin dahil nakakatutok siya sa harap ng Computer.

Kung ang mga ka-office mate niya ang makakapansin sa kanila malamang ang iisipin nito ay may relasyon silang dalawa.

"Lika na sa baba gutom na ako samahan mo akong kumain."

"Paano to?" Turo niya sa kanyang ginagawa.

"Hayaan mo na iyan, hindi pa naman 'yan kailangan...saka break time na. Nakalimutan mo naman ang oras."

"Okay tatapusin ko na lang itong mga nakasalang."

"Okay paglabas ko dapat okay ka na ha." Muli itong tumalikod sa kanya. Napailing na lamang siya, muli niyang sinave ang kanyang mga ginawa. Sabagay kumakalam na rin naman ang sikmura niya. Hindi rin niya kasi ugaling mag-almusal kaya heto sa totoo lang kumukulo-kulo na ang sikmura niya ng mga oras na iyon.

Eric his big boss, aside from that, one of her closes friend also here in office and the out side word. Ito ang madalas niyang nakakasama at nakakasabay sa pagkain. Sa tindig nito at gandang lalaki ay kakaibang dating. Hindi mo mapapansin na isa itong closet queen.

Bukod tanging siya lamang ang nakakaalam nang pagkatago-tago nitong sekreto sa buhay nito. Sa pag-aakala nang marami ay may relasyon silang dalawa ngunit ang hindi alam ng karamihan ay may itinatago itong sekreto sa buhay. Kahit siya nanghihinayang sa kaibigan niya. Ang pagmumukhang iyon, lalaking-lalaki ang dating "dyuding" pala. Napapailing siya.

Hinahayaan lang nila ang mga bulong-bulongan sa loob ng kanilang opisina tungkol sa kanilang dalawa. Magandang pabor iyon para kay Eric, lalo't hindi mo mababakas dito na bahagi ito ng third sex. Pinabobolaan na lamang nila ang mga bulong-bulongan sa kanilang Departamento.

Noong una lumapit ito sa kanya, akala niya manliligaw na sa kanya dahil nag offer ito nang friendship. In hypothetical, Ganon naman talaga mga ang lalaki pag nakikipag kaibigan sa iyo ibig sabihin may hidden agenda ito. Oo nga't natuwa siya sa nangyayari, bukod kasi na mabait ito ay gwapo! Pero walang sparks siyang na feel, tinapat niya ito kaagad na wala itong maasahan sa kanya.

Tanging pakikipagkaibigan lamang ang mai-offer niya rito. Ayaw niyang ma-involve siya sa ganoong relasyon, makikipagkaibigan muna bago sasabihin ang totoong nararamdaman nito. Nang pareho nilang na express ang nais sabihin, nagkaroon sila ng magandang rapport ng binata. Naging maganda ang simula ng kanilang pagkakaibigan.

Sa isang banda naging malapit sila sa isat-isa. Ipinapakita niya kung ano siya dito. Isang prangkang kaibigan madaldal at maasahan sa lahat ng pagkakataon. You can treasure as one a real friend. Sa ganong paraan mas lalo silang naging malapit sa isat-isa.

Nang may isang buwan na siguro ang na-establish nilang friendships marami siyang napapansin rito.

Naalala pa niya ang mga usapan nila ng mapansin niyang parang may kakaiba itong hindi niya malaman.

Tinanong niya ito kung may bumabagabag ba dito minsang kumakain sila.

"What's wrong?" Umiling ito.

"Nothing, pagod lang siguro ako."

"Dah! Pagod! You looked upset my friend." Umiling lang ito.

Strip For A Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon