Chapter 8

1.9K 31 0
                                    

STAG PARTY ni Allen ngayon hindi na sana siya pupunta kung hindi tumawag sa kanya si Eric na hindi makakapunta dahil nasa Palawan ito. Kakarating lang rin niya straight from Hong-Kong. Halos ilang araw lang ang lumipas na nagbakasyon siya dito. Kung wala lang siya nata-ungan engagement sana tuloy-tuloy na ang bakasyon niya. Kaya kahit pagod tumuloy pa rin siya sa unit ni Allen.

Habang pinapakingan niya ang kanta ni Alicia Keys. Naging playlist niya na ang tatlong kanta. Stress reliever niya iyon. Ewan ba? Kapag isinalang niya iyon gumagaan ang pakiramdam niya. Pinapaala lang nito na ang babae sa secret room.

Minamasahe ni Rake ang kanyang ulo, habang binabagtas na nila ang kahabaan ng costal road, doon na siya muna tutuloy sa condo ni Allen.  Mabuti na lang naitawag niya kay Ambet ang kanyang pagdating ang kaniyang driver. Halos umaamot na lang siya ng tulog.

Kahit sa eroplanong sinakyan niya hindi niya magawang umidlip, paano ba naman kasi katabi niya ang tatlong batang ubod ng likot at ang iingay pa ng mga ito, sa buong byahe nila halos hindi niya nagawang umidlip. Kahit papano naman nag eenjoy rin siya sa pakikipagsalamuha sa tatlong bibong bata.

Anak iyon ng isang businessman from Davao, pumasyal ang buong mag-anak sa Disney Land. He sight... if he could have her own children, kahit buwan-buwan ipapasyal niya ito sa Disney land. Ngunit paano niya magagawa iyon kung wala pa rin ang magiging ina ng mga pinapangarap niyang anak. Soon I found you. Bulong niya.

CONDO

"Pare paano nalalapit na ang oras ng pagbitay sa iyo two weeks na lang ang pagiging binata mo." Narinig niyang sabi ni Dax kay Allen.

"Lukong Eric iyon ah! In Inindian nito ang party ko." Sabi ni Allen sa kanila.

"Pare kahit inindian ka nang loko may regalo naman sayo." Sabi ni PJ habang hila-hila nito ang isang napakalaking di-gulong na Cake.

Hiyawan silang lahat at malakas na nagtawanan.

"Para sa'yo Pare, sa nalalapit mong Sakal." Itinaas niya ang kanyang hawak na kopita at sabay-sabay rin nag sunuran ang mga kasamahan niya.

Thank you mga Brod... nasorpresa talaga ako. Lalo na sayo pare hindi ko akalaing makakasipot ka pa dito." Baling nito sa kanya. Alam kung busy pero nagagawa mo talagang isingit." Wika muli nito.

"Ano ka ba wala iyon. Alam ko naman na halos bilang na lang ang araw mo sa mundo eh." Tukso niya rito.

"Ano ito mga Brod. Bitay..."

"Oo Bitay na iyan sa iyo." Tukso ni Raymond. Na ikinatawa nilang lahat.

Ilang saglit pa pinatay na ng Gay organizer ang ilaw kapalit ng mga spot light na itinalaga sa bawat sulok ng Condo living room ni Allen. Hudyat para magsimula na ang okasyong para sa despedida de soltero ni Allen. Ilang saglit pa pumainlang ang isang tunog mula sa CD component na papalakas ng papalakas, isang maharot na musika ang sumunod hudyat na magsisimula na.

Biglang nawasak ang napakalaking Cake, lahat sila ay napatuon doon isang napakagandang babae ang lumabas habang sumasayaw sa saliw ng maharot na tugtog. Pulang-pula ito mula sa suot na hapit na hapit na terno skinny. Nakayuko pa ito at natatabunan ng kinulot na buhok nito ang kanyang mukha. Unti-unting itinaas nito ang medyo pawisang mukha nito. Na natatakpan ng maskara ang mga mata nito. Parang may kung anong rumagasa sa dibdib niya ng mga sandaling iyon.

"De javu"

Nagulat siya sa nakikita niya ngayon. Ito rin ang babaing muntik ng napasobsob sa kanya noong nakaraang linggo sa isang bar. Kahit napapatungan ng makapal na make-up ito at ng suot nitong maskara ay  kilala pa rin niya ito at hindi siya maaring magkamali.

Strip For A Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now