Chapter 29

276 7 0
                                    

NANG bumukas ang elevator ay tinugma niya ang hallway kung saan may nakalagay na path sign Office of CEO.

Nang bumungad siya sa lugar na iyon. Hindi niya maihambing ang kanyang nararamdaman. Parang dinagsa ng kaba ang kanyang dibdib. Nanlamig ang kayang mga kamay at pinagpawisan siya ng malapot. Kahit sino naman siguro dadagain kapag ipinatawag ka ng CEO ng ganoong oras. Nang Makita niya ang mesa ni Emily ay agad niyang tinungo iyon. Nakangiti ito sa kanya.

"Oh Maam, akala ko po mamaya pa kayo, upo muna po itatawag ko lang kay Boss." Napatango lamang siya rito.

Mabilis nitong dinampot ang intercom na naka connect sa opisina ng Big Boss nila, hindi na pala niya Boss dahil mamaya lang ay wala na siyang trabaho. Parang gusto niya muling mapahikbi ng mga oras na iyon kung hindi niya lang napipigil ang sarili niya.

"Sir, Ms. Quevas is already here." Narinig niyang sabi nito.

"Okay let her in Ms. dela Cruz, and hold all phone calls I'll be busy for the moment." Narinig niya ang baritong boses na sabi nito sa kabilang linya. Sa boses pa lang parang nanginginig na ang kalamnan niya ng mga sandaling iyon. Parang narinig na niya iyon. Parang nagdadalawang isip tuloy siya ng mga sandaling iyon.

"Maam you can go inside hinihintay na po kayo ni Sir." Parang nagising siyang bigla sa kanyang narinig. Nang balingan niya ito ng tingin ay nakangiti ito sa kanya.

"Pasok na po kayo." Turo nito sa isang kanugnog na hall way kung saan nandoon ang private office nito.

Hindi alam ni Jam kung papano kikilos ng mga sandaling iyon habang nasa tapat na siya ng pinto na tinutugma niya. Nag aatubili pa siyang kumatok. Kung hindi niya susubukan gawin baka abutin siya doon ng mga alimuong. Hinamig niya ang sarili bago nag-warning knock ay may narinig siyang tinig.

"Come in_" Nang marinig niya ang hudyat ay pinihit na niya ang doorknob.

Isang amoy kaagad ang sumalubong sa kanya ng mga sandaling iyon. Familiar iyon sa kanyang ilong. Mabilis niyang naihagod ang ang kabuuan ng silid na iyon. Maaliwalas ang kabuan nito light blue ang kulay ng ding-ding, isang couch lamang rin ang nandoon sa isang panig at isang painting ang nasa ibabaw nito. Simple lang pero bagay lamang ang isang lalaking namamahala doon. Mababakas doon ang powerful and authority. Nang tugmain ng mata niya ang mesa. Isang lalaking hindi pa niya nasisilayan dahil may hawak-hawak itong diyaryo. Kaya hindi pa niya nakikita ang kabuuan nito.

"Take a sit." Narinig niyang turan nito. Nanginginig man ang mga tuhod ng mga sandaling iyon ay pilit niyang humakbang para makalapit sa dalawang upuan na nakaharap sa mesa nito. Muli napahugot siya ng malalim na buntung hininga.

"Relax I wont bite you." Sa narinig niyang sabi nito ay bigla niyang ibinaling ang tingin rito, dahil naibaba na nito ang diyaryong hawak-hawak ay nasilayan niya ang mukha nito.

Isang matamis na ngiti ang sumalubong sa kanya. Nang mga sandaling iyon napaawang ang kanyang bibig ng tuluyan ng itong tumayo mula sa pag kakaupo.

"You.... you..." Hindi niya alam kong papano sisimulan.

"Yes me sweetie.... Cut it off." Putol nito sa sasabihin niya.

"Don't you miss me...." Turan pa nito.

Parang nais na nga niyang itugon ritong miss na miss rin niya ito. Ngunit dala ng labis na hiya at sari-saring emosyon ang bumabalot sa kanya ng mga sandaling iyon. Muli niyang hinamig ang sarili bago magsalita, pakiramdam niya may bara sa lalamunan niya ng mga sandaling iyon. Parang nanuyo rin ang lalamunan niya. How she miss him so much, ilang araw ba niyang hindi ito nakikita at labis niya itong pinanabikan. Kaya pala halos familiar sa kanya ang amoy ng pumasok siya sa opisina nito. Halos maka ilang ulit niyang sinuyod ito ng tingin. Kung hindi ba siya nanaginip man lang.

Strip For A Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now