Chapter 17

1.5K 36 0
                                    

MERON siyang I-meet na client, Isang clothing company, ang nais makipag deal sa kanila. Kung magiging maganda ang outcome, another points uli iyon para sa El'. Sa loob ng ilang araw pa lang, laman siya ng Business News, isa na iyong scooped ngayong umaga na kababasa lang niya. The Gigolo Rake Salvador, Owns El' Textile Company! Sa manila bulletin. The well-known Roberto EL' Salvador Jr. was Rake Salvador Its is rumor or Fact. Sa Star Philippines naman.

Napapailing siya ng mabasa niya ang mga iyon. Sadya ngayon lang nalaman kung sino talaga ang may ari ng El'. Matagal niyang itinago iyon sa publiko. Magmula noong ipinaubaya iyon sa kanya ng kanyang ama ay pinili niyang huwag munang ipaalam sa kanyang buong tauhan na siya na ang namamahala noon. Labis-labis ang naglalabasang kritiko noon ng sumabulat sa buong Pilipinas ang pagkamatay ng kanyang ama. Maraming batikos ang lumabas, maraming gustong sumali at makisali pa. Maraming isyu ang naglabasan.

Dahil likas ang pagiging tahimik na tao ang kanyang ama, At napaka prebadong tao nito. Hindi nito hinayaang malaman ng media ang buong buhay nito. Dahil sa Spain siya pinanganak at lumaki at doon na rin siya nakapagtapos ng Business Management, maraming hindi nakakaalam na siya ang anak ng Business Tycoon na si Roberto El' Salvador.

At his early aged, pinilit niyang, maging iba sa paningin ng tao. Ayaw niyang laging nakabuntot sa pangalan niya ang ama. Hindi niya pinangarap na laging anino nito. Nang tumuntong siya ng disiotso ay pinili niyang, magkaroon ng sariling identity. Ayaw niyang malamang anak siya ng mayamang Business Man. Nakilala siya bilang Rake, Kung ano man ang nakamit niya ngayon ay sa sarili rin niyang pagsisikap iyon.

Kaya naman nagulat ang buong sambayanan, hindi lang dito sa Pilipinas, kundi sa ibat-ibang panig ng ibang bansa na kilala ang El'. Na siya pala ang nasa likod ng patuloy na pagtagumpay nito. Kaya naman ang ibang balitang naglalabasan ngayon ay napapangiti na lang siya. Katulad ng Headline sa Philippine Star sa business section. Kanino raw niya iaalay ang lahat ng iyon kung saka-sakali... Napapailing na lang siya. Masyadong exaggerated ang mga Pilipino talaga.

Kakatapos lang ng Business meeting na dinaluhan niya. Dahil sa Mega mall sila nag meet ni Mr. Chan. Naisipan muna niyang maglakad-lakad. Matagal-tagal na niyang hindi iyon nagagawa. Hindi niya maiwasang lingunin ang bawat magkapareha, kapag meron siyang nakakasalubong lalo na kapag isang pamilya, magkaparehang halos nasa kaganapan na nito ang babae. napapangiti siya, kailan kaya niya mararanasan ang ganon.

Sana ganoon din akbay rin niya si Jam habang inaalalayan niya ito maglakad, nakikita niyang buntis rin ang dalaga sa kanyang imahinasyon. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Malayo-layo na ang nilalakbay ng kanyang isip.

May hinampo siyang nararamdaman, kailan kaya siya magkakaroon ng sariling pamilya niyang matatawag. Kaninang bago mag lunch, hindi niya napigilan silipin ang dalaga sa opisina nito. Natutuwa siyang nagustuhan nito ang mga pinadala niyang bulaklak kaninang umaga.

Hindi niya namalayang ginabi na siya ng husto. Binagtas na niya ang car park kung saan na roon ang kanyang sasakyan. Nang marating niya iyon, hindi niya maiwasang lingunin ang nasa kabilang bahagi, kung saan ang isang bading ay may kausap sa cell-phone nito wari mo'y sa kabilang bundok ang kausap nito at lumalabas ang lintid nito sa sobrang kaartihan nito.

Hindi naman siya against sa third sex, naalibadbaran lang siya sa mga kinikilos ng mga ito. Lalo na sa mga baklang maarti at ang mga nakakairitang boses nito. Mukhang desinte naman itong tingnan, hindi katulad ng mga ibang bading nagmumukha Christmas décor sa sobrang arti ng mga ito. Kung ano-ano ang pinagagawa sa katawan.

Napangunot ang noo niya ng maalalang parang nakita na niya ito noon. Hindi siya maaring magkamali ito ang guy organizers ng stag party ni Allen noon. Ito ang ang nakakakilala sa star dancer na iyon. Hindi niya maaring kalimutan dahil nasa tabi niya ito halos, kaya hindi niya maaring maklimutan ito. Lalapitan na sana niya ito, ngunit nagmamadali naman itong sumakay sa sasakyan nito.

Mabilis siyang sumakay sa kanyang S.U.V, inagapan niya kaagad na masundan ito. Ito lang ang makakapagturo sa kanya kung sino at kung saan niya makikita ang babaing minsang nakaniig niya at hindi lang iyon. Siya pa lang ang unang lalaki sa buhay nito.

Habang sinusundan niya ang pulang kotse iyon, napakunot ang noo niya ng pumasok iyon sa Ortigas center. Ito lang ang makakasagot sa mga katanungan gumugulo sa kanyang isipan.

Hindi niya inalis ang kanyang tingin kung saan ito tutungo. Nang itabi nito ang sasakyan at naglakad ito patungo sa isang matayog na building ay mabilis siyang umalerto para sundan ito. Napakunot siya, Gil More towers iyon din ang address ni Ms. Quevas na nakuha niya sa records nito.

May kung anong damadamin ang nag utos sa kanyang sundan ito. Halos kasabay niya ito halos na pumasok sa elevator sa sixteen floor ito lumabas. Nagkunwari siyang doon rin siya tutungo, nang humantong ito sa pintong 288. Kitang-kita niyang si Ms. Quevas ang nagbukas ng pinto para rito. Maraming tanong ang sunod-sunod na pumasok sa isipan niya ng mga sandaling iyon. Na unti-unting nabibigyan ng kasagutan, kaya ba ganon na lang ang interest niya kay Ms. Quevas dahil ito rin ang babaing, laman ng kanyang panaginip.

Sa isang banda may kung anong damdamin ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon na hindi niya maipaliwanag. Kung saan-saan pa siya naghahanap, iyon pala ay nasa loob lang ng kanyang kompanya niya ito matatagpuan. Tama hindi maaring magkamali ang damdamin niya ng unang makita niya ito roon. Ito nga ang babaing mananayaw na nagpawindang sa buhay niya magmula ng masilayan niya ito at hinanap-hanap..

Minabuti niyang lisanin muna ang lugar na iyon at bukas na bukas rin ay kakausapin niya ito. Diba nga't kaninang umaga, ng Makita siya nitong nakatanaw sa glass wall ng opisina nito ay kitang-kita niya sa mata nito ang pagkagulat at pagkataranta.

Sa reaksiyon pa lang nito kanina ay nasisiguro niyang nakilala siya at natatandaan siya nito. Hindi siya maaring magkamali kitang-kita sa mga mata nito na ang pagkagulat at mababakas iyon sa mga mata nitong natatandaan siya nito. Kung hindi lamang siya nag mamadali kanina ay baka pinasok na niya ito. At kinayumos na niya ng halik ang mga labi nitong matagal na niyang pinanabikan nakaawang wari mo'y nanunukso. Nangungulila siya dito, sa tagal ng panahong hinahanap hanap niya ito.

Magaan ang kanyang dibdib ng iniwan niya ang lugar na iyon. Bukas na bukas rin ay lilinawin niya ang kanyang saloobin niya rito. Mag mula noong pangyayari ng gabing iyon, ni minsan ay hindi nawaglit sa isipan niya ang dalaga. Hindi lang niya agad napag tuunan ng pansin iyon, dahil marami siyang inasikasong trabaho sa Hong-Kong bago siya bumalik ng Manila.

Strip For A Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now