Chapter 11

1.6K 26 0
                                    

SA KAWALAN ng magawa, dinampot niya ang remote ng kanyang T.V set, naghanap siya ng channel na puwedeng mapanood niya. Nag half day lang muna siya ngayon, umuwi siya dahil sa sobrang masama ang pakiramdam niya gawa ng naulanan siya kahapon ng dumalaw siya sa puntod ni Eric.

She got a fever and flu kaya minabuti niyang magpahinga muna sa kanyang bahay. Wala pa siyang ganang kumain, pahimad siyang nakaupo sa isa sa mahabang sofa sa kanyang living room.

Kailan ba siya huling nanood ng television, hindi na niya maalala. Maaga pa siya umaalis ng bahay at gabi na rin naman siya nakakauwi. Hindi rin niya nga nagagawang mai-open ang kanyang email, hangang yahoo messenger lang siya para ma open niya ang kanyang webcam. Wala siyang nais na mapanood, minabuti niyang ituon na lamang sa news, dahil hindi niya ugali manood ng T.V kaya lagi siyang huli sa balita.

' Binabasa niya ang mga headlines. Halos lahat ng balita tungkol sa Drugs, mga biktima ng summary execution killings. Pag patay ng isang sundalo sa isang biker's. Ipinagkibit balikat niya iyon, napaka morbid ng mga balita ngayon, kaya inilipat muli niya ang channel hangang sa mapanood niya ang totoong scenario ng headlines na nabasa niya. Nakakatakot na talaga ang panahon ngayon.

Meron ding patayang kitang-kita sa mga cctv. Ang laking bagay talaga ang nagagawa ng mga cctv ngayon sa mga kreminalidad na naglilipana sa ating lipunan. Nang may bigla siyang matigilan.

Sen. Laila de Lima ipinagtangol ang kanyang sarili sa mga akusasyon ng Duterte Administration sa mga nilabas na ve
video scandal. Driver ng nasabing senador ang di umanoy lover nito.

" Tsssk! OOhhh...my god, Oh my god!" Iyon lang ang paulit-ulit na sinabi niya.

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig ng mga sandaling iyon. Hindi niya maigalaw ang kanyang katawan ng mga sandaling iyon. Parang nakikita niya ang sariling repleksiyon sa televisioni. Paano kapag scandal na niya ang makikita niya sa television bilang star dancer sa isang stag party. Sila ng kaibigan niyang bakla ang nag-organized ng party. Isang buwan na ang nakalipas mula ng nangyari iyon.

"Paano kung? paano kung???"

Ang daming question mark tuloy ang naglilipana sa isipan niya.

"Ooooh oh...my god! Oh my god!, Tama! si Marimar dapat ang unang tatanungin niya." Mabilis niyang dinampot ang kawad ng telepono at mabilis na dinaial ang numero ng kaibigan.

"Hello...Sino ito?" Iritadong sagot nito sa kabilang linya.

"Hello Bakla! Busy ka ba?,"

"Abay hindi!" Sakrastiko nitong sagot.

" Tsk... Bakla wala akong paki alam! Kailangan ko ng kausap ngayon!" Hysterical na siya.

"Hello Jam, Jam... jammmm.. maghunos dili ka muna dyan! Hindi kita maintindihan!" She inhale and exhale her breath extremely.

"Okay... okay...." Sagot niya.

"Hello Jam.... okay... ano ba yon? kahit kailan wrong timing ka laging tumawag, alam mo naman oras ng tulog ko eh," Nagrereklamong sabi nito.

"Gumising ka muna at may ico-confirm ako sa iyo?"

"What! Ano naman iyon dalian mo!" 'estorbo hmmp...'" bulong pa nito.

"May gusto akong malaman?" Tanong niya dito.

"Ano iyon?"

"Are you sure walang camera ang condo na iyon during na nag perform ako?"

"Ano? Saang condo, ano bang sinasabi mo?"

"Bakla gumising ka muna, sisipain kita pag hindi ka umayos d'yan," Taray niya dito.

Strip For A Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now