Chapter 24

3K 55 28
                                    

Maka ilang beses niyang nilingon at sinundan ng tingin si Aling Edna. Nais niya itong tanungin. Ika limang araw na ngaun na hindi pa din bumabalik ang binata para sunduin ito.

"Susss naman... gusto mo lang makita? Na mimiss mono?

Okray ng kanyang isipan . Ipinilig niya ang kanyang ulo ng magising siya ng kunti.

Nakakaramdam na siya ng pagkainis at pag kabagot. Parang na miss niya ang presensiya nito sa bahay niya kahit pa wala siyang pahintulot dito. Hinahanap niya ang amoy nitong matapang pero hindi masakit sa ilong. Ipinilig niya ang kanyang ulo..

Bakit ba siya nagkaka ganun. Masasapi na ba siya sa membro ng mga hibang sa lipunan.

Napangiwi siya. Iba din ang takbo ng isip niya ngaun jumping in conclusion agad ang drama niya.

"Maam may kailangan po kayo? Basag ni Aling Edna sa hallucination niya..

"What? Ano po iyon?"nauutal na sabi niya.

"Baka po kako may kailangan kayo kanina ka po naka tingin sa akin?"

Napailing siya ng mga sandaling iyon dahil mahaba na pala ang nilalakbay ng utak niya.

"Aww wala po nag tataka lang po ako kung bakit di pa kayo sinusundo ng magaling mong Boss dito isang linggo ka na din naman dito. Saka okay na po na naman ako." Sabi na lang niya.

"Wala naman pong sinasabi si Seniorito kung susunduin niya na ba ako dito nong tumawag siya sa akin kagabi." Sagot nito.

Aba ang magaling na lalaking iyon hindi nakalimutang kamustahin itong kasambahay niya. Bakit siya hindi?

Bakit binigay mo ba ang number mo? Tanong niya sa sarili niya Hindi!.

Pigil na pigil niya ang leeg niya baka umirap siyang bigla at baka akala nito patungkol ito sa kanya.

Ayaw niyang maakusahang nag mamaldita dito sa pansamantalang pag tira nito or pag lagak nito sa pamamahay niya. What ever.

"Ganun ba? Sige po tuloy ninyo na ang ginagawa nio.. "  pakiramdam niya may kung anong matulis na bagay ang tumusok sa dibdib niya. Mabuti pa ito nagawang kamustahin ng deputang lalaking iyon samantalang siya ay hindi.

Mema niya sa kanyang isipan.

Kesa sa mag mokmok siya at mag hintay na wala namang inaantay  mas mabuti pang gumala siya. Maaga pa naman  11 pa lang naman ng umaga.
Kung di siya aalis baka masiraan siya ng bait  mag antay ng wala namang inaantay.

"Ohh Aling Edna" muling tawag niya rito

"Magluto na lang kayo ng para sa inyo huwag na ninyo akong isama.  Sa labas na lang ako kakain, maiwan  na po kayo muna." Sabay pasok sa loob ng kanyang silid di  na niya inantay ang isasagot nito.

Mabilis siyang nag hanap ng masuot napili niya ang jumpshort tube na kulay puti. Uso naman iyon kasi summer naman. Wala siyang balak na dalhin si Red kaya komontak na siya ng Grab.

"Eh Mam teka po...  san po kayo pupunta? " tanong ni Aling Edna naka abang ito sa kanya sa pag labas niya ng silid.

"Kahit saan lang kung saan abutin ng paa."

"Eh Mam, pasensiya na po kung mag tatanong ako. Di ko po alam ang isasagot kay Seniorito kapag tinanong niya ako eh.." nakayukong sabi nito.

"Ganun ba? Sabihin mo sa kanya wala siya pake sa akin. At wala akong obligasyon na sabihin sa kanya kung saan ako pupunta. " nakataas ang kilay niya. "Aling  Edna iyon lang sasabihin mo. Huwag kang matakot sa pangit mong Boss okay. Wala akong obligasyon sa kanya. Wala akong utang. Kung tustuusin yang Boss mo Makapal ang mukha. Trespassing siya dito sa bahay ko. Feelingero pa.. "

Strip For A Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now