Chapter 18

1.6K 37 0
                                    


Sa isang clinic siya pumunta, madalas niya iyong natatanaw kapag napapadaan siya sa lugar na iyon, kaya doon na rin niya naisip na magpatingin kay Doctor Rhea Garcia- Hernandez ang OB-gyn. Buntis rin ito, iyon nga lang mukhang paanakin na dahil sa laki ng tiyan nito. Very friendly ito, mukhang mabait naman.

"Its positive Ms. Quevas, you are seven weeks on the way. Its have a heart beat. Congratualion!" Sabi ng kanyang doctor.

Kahit in-expect na niya iyon. Na shock pa rin siya, Pakiramdam niya ay may nag aawitang anghel sa kanya ng mga sandaling iyon. She had a baby now, Nasapo niya ang impis pa niyang tiyan.

'Kahit gawa ka sa kalokohan ng nanay mo anak, I was really happy na dumating ka sa buhay ko.' Bulong niya.

"You don't expected, yet?" Nakangiting sabi nito.

"No Doc, I was surprise, expected ko na rin ito, gusto ko lang manigurado." Ngumiti rin siya rito.

"First baby ninyo ni Mr." At tumingin pa ito sa labas ng clinic nito, baka sakaling matanaw nito ang kanyang Mr. na sinasabi nito.

"I'm alone." Hindi niya napigilan magkomento.

"Ic, he don't know yet." Nakangiting muling sabi nito. Hindi niya alam kung bakit tumango siya rito.

"You trying to surprise him, huh.." Ngiti lang ang sinagot niya rito.

"You better stay muna sa house, para mag relax, you looked pale, mukhang hirap kang maglihi, usually for the first trimester lang naman medyo mahirap ang paglilihi, pag nasa forth quarter of the month na, lipas na rin iyan. Like me isang buwan na lang naming hinihintay ng aking husband ang paglabas ng baby namin." Sinapo pa nito ang pagkalaki-laki ng tiyan nito.

"Just go back next week, titingnan natin kung may pagbabago sa paglilihi mo, if you take those medicine."

"Okay Doc, I hope na ikaw din ang, magpapaanak sa akin."

"Yea sure, two months lang ako mawawala, iyong kaibigan ko muna ang magre- relieve, after I'll giving birth pwede na uli akong bumalik, kaya pwedeng-pwede na."

"Okay Doc, sige aasahan ko iyan ha."

"Yea...Just call me Rhea. And you."

"Jamela, Jam na lang." Nakipag shake hands siya rito. Natutuwa siya nakahanap siya ng isang bagong kaibigan sa katauhan nito.

Gusto niyang mag celebrate, gusto niyang I-share ang kanyang nararamdamang saya ngayon, kalimutan muna niya ang kanyang mga iniisip. Enjoyin muna niya ang pagiging bagong ina niya. Matapos siyang resitahan ng mga gamot, mga vitamins at iba pa. Ay minabuti niyang mag libot-libot muna. Dahil malapit lang ito sa isang Mall, naisipan niyang maglakad-lakad muna, medyo matagal-tagal rin na niyang hindi nagagawa iyon, mag mula ng umuwi siya ng Saudi.

Nang mapadaan siya sa isa sa mga sikat na salon ngayon, naisipan niyang pagupitan ang kanyang mahabang buhok, upang kahit papano maging magaan namn ang kanyang pakiramdam. Nang pagmasdan niya ang kanyang bagong anyo, ay parang gumaan ang kanyang pakiramdam at mas nagmukha siyang bata. Hindi na niya pinanghihinayangan pa putulan ang kanyang matagal-tagal rin inalagaan at pinahabang buhok.

MAGHAPON siyang naglakad-lakad, plano niyang mag window-shopping na tuloy. Nang mamataan niya ang isang Micro-Mini skirt green sa Folded Hung, ewan ba niya, kung bakit gandang-ganda siya, feeling niya pag suot niya iyon sexing-sexy siya, kaya naman kahit wala sa budget niya ang mamili ng damit ngayon ay binili na niya iyon.

Bago siya umuwi dumaan muna siya sa Supermarket, gagawa siya ng chicken salad, iyon ang gusto niyang kainin. Nag grocery na rin siya tuloy. Nang mapadaan siya sa wet area, nakita niya iyong hito na pagkalaki-laki, Nang maalalang masarap iyon pag inihaw at may sawsawang dinurog na sampalok na pinakuluan na tapos may konting bagong at kalamansi, sarap...... naglalaway na siya.

Strip For A Night (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang