Chapter 12

1.6K 31 1
                                    

DIS ORIENTED pa rin ang pakiramdam niya ngayon, pero mas maige-ige na kaysa nong nakaraang araw.

Usap-usapan sa kanilang departamento, ang pag-upo ng chairman nang E'l ngayon, wala na si Eric, muli naman siya nakaramdam ng kalungkutan.

At ayon pa sa mga narinig niya sa mga chismosa niyang ka-opisina ang president mismo na ang siyang mamahala ng El. Ayon sa kanyang mag narinig na usap-usapan naman sa kanilang opisina, ay hindi lang raw iyon ang pag-aari nitong kompanya at Dahil sa biglaan pagkamatay ni Eric, minabuti raw nitong ito muna ang maghandle sa El' dahil iyon naman raw talaga ang pinaka main resources ng pagkilala sa pamilya nito, sa ibat-ibang panig ng mundo.

Kahit, namumutla pa siya ng mga sandaling iyon, at matabang pa rin ang kanyang panlasa ay nagpumilit pa rin siyang pumasok. Ayaw niyang may masabi ang bagong Boss nila na isa sa mga staff nito sa accounting ay absent. So kahit may kasamaan pa rin ang pakiramdam niya ay minabuti niyang pumasok para maka attend ng enauguration na inihanda ng kompanya.

"Jam...halika na, punta na tayo sa Function hall," yaya ng kanyang mga kasamahan.

Doon kadalasan isinasagawa ang mga big event sa kanilang Company.

"Kayo na lang muna siguro, nahihilo pa ako eh....pero susunod ako once I feel better."

"Okay, sige you looked pale, kung hindi mo kaya dito ka na lang, hindi naman nila malalaman eh, sa dami ba naman natin." Pag bibigay assurance ni Chelsea.

"Pero sayang kung hindi mo masisilayan ang CEO, sa tatlong taon ko na rito, hangang ngayon puzzle pa rin sa akin, ang mukha ng isa sa pinakamatagumapay na tao sa mundo, sana pag naayos na iyong pakiramdam mo sumunod ka agad ha."

Tumango na lamang siya rito, batid nitong may dinadamdam siya. Hindi rin nga niya maipaliwag ang kanyang nararamdaman, napakabigat at hilong-hilo siya. At namamawis siya ng malamig kahit ang lakas naman ng boga ng aircon sa buong opisina nila.

Kung magiging maayos ang pakiramdam niya, may ilang saglit pa ay pipilitin niyang humabol. Napayokyok siya sa kanyang desk ng mga sandaling iyon. Iniisip pa rin niya ang scandal na kinakatakutan niya. Malaki ang naging epekto niyon sa kanyang sarili. Kaya siguro nagkakasakit siya.

'Tanga! Bakit mo sisihin ang scam eh, nagpaulan ka sa ulan, at iyon ang naging daan kung bakit napakabigat ng iyong pakiramdam. Mang sisi ka pa! Kagustuhan mo rin naman ang nangyayari, kong hindi ka ba naman umintra di hindi ka sana ngayon namumoblema!' Bulyaw niya sa kanyang sarili. Nanatili pa rin siya sa ganoong ayos.

Hayzzzz.... hindi na niya maintindihan ang sarili niya, kailangan niya ng kausap.. kailangan niya ang kaibigan ngayon.. Pupuntahan niya si Marianong bakla mamaya sa bar nito. Kaya dapat maging maayos ang pakiramdam niya ngayon. Mabilis niyang hinagilap ang kanyang cellphone sa kanyang bag. At mabilis itong tinawagan.

"Hello Ne.. Ohhh ano na? Hibang ka pa din ba?" Iyon agad ang bungad nito sa kanya.

"Hay naku Mariano! kailangan ko ng kausap, mababaliw ako... "

"Di mabaliw ka!"

"Bakla!"

"Okay-okay! Kailan mo ako kailangan Madam ngayon na ba?"

"Sana? Kaya lang nandito pa ako sa opis ngayon."

" So kailan mo balak?" Tanong nito.

"Baka ngayong lunch or mamayang hapon. Di ko sure kong makakalabas ako. Try ko mag half day, basta etxt or call kita basta ang araw na ito ilaan mo muna sa akin ha."

" Ganern... demanding ha??"

"Aba dapa't no! Para que pa at naging mag kaibigan tayo.?"

"Aba't may panunumbat agad?

Strip For A Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon