Chapater 6

2.2K 24 0
                                    



NAGISING siya sa ingay nang ring ng kanyang extension phone sa kanyang silid. Mabilis niyang inabot ito at sumulyap sa alarm clock niyang katabi ng telepono. Mag twelve midnight na pala. Halos dalawang oras na rin siyang nakakatulog, sino naman kayang sira-ulo ang nambubulahaw ng ganitong oras sa kasarapan ng tulog niya.

"Hello!" Antok na antok na sagot niya

"Neh asan ka ba? Gumising ka nga kanina pa kita hinahanap at inaabangan dito!"

"Gabi na ah... tinatamad na ko kaya umuwi na lang ako." Groggy pang sagot niya, kahit hindi na niya tukuyin ay alam na niya, dahil boses pa lang ni Marimar ay kabisadong-kabisado na niya.

"Siguro naman pupunta ka dito ngayon? Paano kung sasabihin kong hindi kita matutulongan sa sinasabi mong pag-organized nang Party na sinasabi mo."

"Ano ka ba! pupunta na nga, magbibihis na nga eh." Mabilis na tayo niya, ang galing talaga mam blackmail ng bading na ito. Kahit nais pa niyang pumikit, batid niya gabi lang niya ito mahahagilap, dahil pag araw marami pa itong raket na kinakabilangan at mahihirapan siyang ma-contact ito.

"Okay sa Libis ha! baka tulog ka pa."

"Okay-okay tawagan mo ko ng Taxi dahil nasa office si Red." Mabilis na ibinaba ang kawad ng telepono at tinakbo ang banyo, nagmomog lang siya at mabilis na naghagilap siya nang maisu-suot.

Ilang saglit pa nasa harap na siya ng Bar.

"Siksikan naman ata. Friday night kasi eh." bulong niya. At mabilis na pumasok sa loob nito mabilis niyang inikot ang kanyang paningin sa loob ng Bar.

Agad niyang binagtas ang daan patungo sa Managers Office. Muntik na s'yang mapasobsob dahil napatid siya nang may nakahambalang na mahabang binti sa dinaraanan niya.

"Ano ba! Parang iyong-iyo ang daan ah!" Tuloy-tuloy na rumagasa ang kanyang pagiging bungangera.

"Sorry Miss." Agad na humingi ito ng despensa sa kanya.

"Hmmp! aanihin ko sorry mo kung sumubsob na ako!" Tiningnan lang niya ito ng masama at mabilis na tinalikuran.

"Maam doon na po kayo tumuloy sabi ni Boss sa Office niya." Tumango siya dito. Salubong sa kanya ng floor manager na si Ruben.

Dahil madalas siya sila sa lugar na iyon kaya naging pamilyar na sa kanya ang mga tauhan ng kaibigan.

"Hmp! Naka bwesit talaga! May mga taong walang pakundangan kung umasta." Bungad niya dito.

"Neh sinong kaaway mo, May nagsamantala ba sa pinaka ingat-ingatan mo." Biro nito sa kanya at sinalubong siya nito ng yakap at halik

"Wala naman, muntik na kung mapasubsob sa baldosa."

"Hayaan mo na baka naman kasi tulog ka pa noh? Ito shoot mo muna para kumalma ka." Sabay abot sa kanya ang isang martini

"Gising na gising na po, bilisan mo nga't uuwi pa ako may pasok pa ako kinabukasan!" Patamad siyang naupo sa swivel-chair nito at sinimsim ang alak na inalok sa kanya.

"Abat! Nag mamadali lang! di ba? pwedeng mag antay ka muna! "Ikaw kaya ang nanganga ilangan ng tulong!" Nakataas ang ahit na kilay na sabi nito "Anong kinabukasan ka pa d'yan? umaga na noh! What kind of party ba? That we should to be organized?" Biglang kabig nitong tanong sa kanya.

"Stag party raw ito, syempre may babae diba expect mo na yan dapat?"

"Bakit may stag party walang babae ah? " sagot naman nito. "Saka sino bang nag papa organized?" Muling tanong nito.

" Di ko din kilala eh, pinapaasikaso lang rin sa akin ito nang Boss kung si Eric. Parang kaibigan niya ata.
" Dami mong tanong Bakla ano may maitutulong ka ba?"

Strip For A Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now