Chapter 20

1.7K 43 0
                                    




Nagsalubong bigla ang makapal nitong kilay ng mga sandaling iyon, sa pagkakasigaw niya, nag galawan ang ugat nito sa leeg at ang Adams apple nito.

Oh my god! mukhang nagalit na ata ito sa kanya. Gaga ka talaga Jamela! Sigawan mo ba naman! Kahit sino naman siguro mapipikon sa inasal niya.

Pakialamero kasi! bulong ng kabilang bahagi ng isipan niya. Ikaw na nga itong tinulungan ikaw pa itong may ganang mambulyaw. Sisi niya sa kanyang sarili. Napakagat labi siya.

"I'm sorry... I don't mean it" Mabilis niyang hingi ng paumanhin rito.

"What did you say?" Matigas na sabi nito.

"What?" Nagtataka naman siya rito, "I don't say anything wrong, sorry kung nasigawan kita."

"Say it!"

"Sabi ko pakialamero ka kaya dapat ka lang sigawan no." Bumangon na siya sa pagkakahiga at inagaw na niya rito ang bag niya.

"Say it!" Hinawakan na nito ang balikat niya.

"Aray ano ba!"

"I'm sorry, can you say it again?" mahinahon na ang tono nito.

"What is it nga! Gusto mong sigawan uli kita! Ganon? Kulit din nito ha!" Hindi niya napigilang maibulaslas. Nang salubungin niya ang mata nito nababanayad doon ang naramdaman nitong galit.

"Can you say what my name again?" Mahinahon pero matigas na sabi nito.

"Sus iyon lang pala, nag iinarti ka na. Okay-okay Allen... that's it!" Muling nagsalubong ang kilay nito nang mga sandaling iyon.

"Oh what's wrong naman, pwede ba umalis ka na nga, kung magiging ganyan lang rin naman ang pag mumukha mo sa harapan ko, gusto ko ng magpahinga."

Suplado! anong gusto nito maki sweetie rin ako sa'yo. Bulong niya.

Nang aktong tatalikod na itong muli, at tuluyan ng iwan siya ay bigla niyang naalala ang problema niya rito ito na ang pagkakataon niya at baka hindi na niya ito Makita pa.

"Hoy! Saglit...may sasabihin pa ako." Hindi ito humarap sa kanya, isang malalim na buntunghininga ang ginawa niya bago siya muling nagsalita.

"Before you go....I-i want to clear every thing, kung ano man ang meron sa ating dalawa, sana sa atin na lang iyon." Nabubulol siya, pakiramdam niya may bikig sa lalamunan niya ng mga sandalaing iyon.

Unti-unti itong humarap sa kanya na salubong pa rin ang kilay. Hindi niya kayang salubungin ang mga mapanuring tingin nito sa kanya. Napayuko siya, Baka pag sinalubong niya ang matalim nitong tingin, ay makalimutan na niyang lahat ang sasabihin niya rito.

"Ayaw ko ng gulo, ayaw ko rin ng eskandalo. Kung ano man ang purpose mo ngayon, I have nothing done with you. Mas gusto kung manahimik. Sana sa paglabas mo rito, ito na ang huling mag cross ang landas natin." Tuloy –tuloy na sabi niya rito. Hindi na niya napigilan ang sarili, hindi naman sa nagsisi siya, nais niya lang malinaw rito ayaw niya ng gulo at eskandalo.

"And paki check na lang ang condo mo, baka merong hidden camera ka doon. Mamalayan ko na lang, bintang-binta na pala ako sa Quiapo." Hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha niya at nauwi iyon sa hagulhol.

Ang tagal niyang kinimkim iyon sa dibdib niya, halos araw-araw, gabi-gabi ay napa-paranoid na siya sa kakaisip na meron siyang sex scandal, tuwing may makakasalubong siya ng tao parang gusto na niyang takpan ang mukha niya. Hindi niya mapigilan ang pag bagsak ng mga luha niya ng mga sandaling iyon.

"What the hell!" Iyon lang ang nasagot nito sa mga sinabi niya.





Anong scandal ang sinasabi nito, at kung ano-ano ang lumalabas sa bibig nito. Pero kahit ganon pa man malinaw sa bibig nito ang mga sinabi niya at naintindihan niya ito.

Strip For A Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now