Chapter 16

1.5K 34 0
                                    

Nagising siya ng madilim na buong kapaligiran. Hindi agad siya bumangon ng mga sandaling iyon, iniisip niya kailangan maresolba agad ang problema niya, hindi habang panahon magtatago siya sa mga nakakilala sa kanya. Mabilis siyang napabalikwas ng maalalang meron pa pala siyang kaibigan na pwedeng hingian ng payo si Marimar. Agad niyang dinaial ang telepono nito.

"Hello bakla? Asan ka?" Nang may sumagot na sa kabilang linya.

"Lola dito sa Mega mall, nag sho- shopping, Bakit? kamusta ngayon ka lang tumawag, hindi mo naman sinasagot ang mga txt ko sa iyo."

"Pasensiya kana, hangang ngayon kasi hindi ko pa rin binubuksan ang cell-phone ko. Saan ka ba? Pwede ba kitang makausap."

"Yea of course, ang tagal ko ng hinihintay ang tawag mo. Wait total papunta ako sa Fairview ngayon daanan na kita diyan. Saan ka ba?"

"Okay sige dito lang ako sa bahay."

"Okay hintayin mo na lang ako dyan with in fifteen minutes siguro nandiyan na ako"

"Wait kakasabi mo lang nandiyan ka sa Mega mall diba, daan ka sa Red ribbon ibili mo ako ng chocolate cake."

"Okay....." Pinutol na nito ang kabilang linya.

Ilang sandali pa nakarinig na siya ng door bell sa kanyang pinto, si Marimar nga, ang bilis naman nitong makarating.

"Oh...bakit andito ka na agad?" Tanong niya ng salubungin niya ito. Nagbeso-beso muna sila bago ito sumagot.

"Lola andiyan lang ang megamall oh, kaya ito, am here." Maarting sabi nito sa kanya. At inabot nito ang dala nitong Red ribbon cake.

Nang makapasok ito at naupo sa kanyang sofa ay inurirat na kaagad siya nito, habang sinisimulan na niyang lantakan ang dala nitong cake.

"Ano ba iyon pinuproblema mo? Iyon pa rin bang sex scandal na sinasabi mo. diba sanabi ko na sa iyo, wala they are decent people. Bakit mo ba iisipin iyon. Ayan tuloy para kang maputlang ewan hindi ka man lang nasisikatan ng araw ba? Oh kulang ka lang sa lamyerda...."

"No...no... am okay stress lang ako." Paliwanag niya.

"So you looked stress kung ganon, pero para sa akin you looked sick. Jam! I know meron bumabagabag sa dibdib mo, tell me...you know me na man diba." Parang pipiyok na ang tinig nito. Mas emotional pa ito sa kanya.

Napahugot siya ng hininga ng mga sandaling iyon. Sa tagal na ng pagkakilala niya rito, ay masasabi niyang true friend niya ito.

"Bakla, nakakahiya man pero wala na akong choice, pakiramdam ko sasabog na ako." Hindi na niya napigilan mapahagulhol rito. Lahat ng nasa loob niya, nasabi niya rito. Sa loob ng dalawang buwan, na pilit niyang itinago ang lahat ay sinabi na niya rito ang lahat-lahat ng iiwan siya nito sa condo iyon. Wala siyang itinago pa.

"So kaya pala, pilit mong inaalam kong may hidden camera ang lugar na iyon. Alam mo napaparanoid ka na talaga lola, walang camera kaya wala kang sex video. Disenti naman ang mga lalaking iyon. Teka nga pala, are you sure na ang grooms ang naka one night stand mo. Dahil sa pagkakatanda ko hinabol pa ako nito sa elevator para ibigay ang bonus mo. At halos sabay ko rin siyang tinungo ang car park, Sa forth floor kung saan naroon ang mga sasakyan nilang dala at ganoon rin iyong sa akin. So I'm sure, pity sure na hindi ang grooms iyong nakasama mo." May pakumpas-kumpas pa nasabi nito.

"Oh my god! kung hindi iyon ang grooms eh sino naman iyon?" Na lalong ikinamutla niya, at pinanlamigan siya ng pawis.

"Abay Ma at Pa...." Nakangising sabi nito. Habang tinutugma nito ang kanyang personal ref.

"What!"

"Lola sabi ko Malay ko at pakialam ko. At dapat ikaw ang nakakaalam non, bakit hindi mo kasi inusisa iyong guy ng hindi ka namomoblema ngayon."

"Bakla kakalbuhin kita!" Banta niya rito.

Namay wang ito sa kanya habang hawak na nito ang diet coke niya.

"Abay, hindi ko makikilala ang mga iyon alalahanin mo pito sila Eneng. So sa tingin mo matatandaan ko silang lahat. Ikaw tong nakipag churvahan eklah doon, ako itong tinatanong mo?" Napakagat labi siya ng mga sandaling iyon.

"Huwag mo ng intindihin iyon. Itanim mo d'yan sa utak mo na walang sex video naganap, its truly passion and desire. At mag thank you ka at hindi ka na buntis. Aalis na ako at raraket pa ako. Babu!" Pakumpas-kumpas na sabi nito.

Para naman siyang natuka ng ahas ng marinig ang huling sinabi nito. Hindi na niya ito napigil, nakipag beso-beso na lang muli siya rito. At hinayaan niyang ito na ang magsara ng pinto niya. Hindi na niya nagawang umalis sa kanyang ikinauupuan nag mistula siyang estatwa ng mga sandaling iyon.

Oh my.... Oh my....

Mabilis niyang tinungo ang pinto ng kanyang silid kung saan na roon ang kanyang calendar. Dahil ang huli niyang mag mark kung anong petsa siya unang dinantnan. May 3, ang unang araw niya, dapat June 3 meron na siya. May sixteen ang stag party, muli siyang nagbilang, kung tama ang kutob niya, may 16, ay fertile siya ng mga panahong iyon. At talagang dapat na niyang asahan iyon.

Nakapa niya ang pipis pa niyang tiyan. Hindi pa siya sigurado, pero may kutob siyang may buhay ng umusbong sa kanyang sinapupunan. At mahigit dalawang buwan na ang baby niya kung ganoon. Napasandig siya sa kanyang kinauupuan. Kaya pala nitong mga huling linggo nakalipas ay malimit siyang nahihilo at nangagasim ang kanyang sikmura.

Parang gusto niyang umiyak ng umiyak, ang dami niyang iniisip na problema, Natigilan siya ng maisip na walang kasalanan ang munting anghel na nasa sinapupunan niya. Binigay iyon sa kanyang ng diyos. Kaya bakit niya idadamay iyon sa mga pansarili niyang problema. Siya ang may gawa at hindi ito.

Pinahid niya ang kanyang mga luha, umusal siya ng panalangin upang magpasalamat. Malugod niyang tinangap iyon ng buong puso. Saka na niya isipin kung papano niya iyon masasabi sa mga mga magulang niya ang tungkol sa kanyang kalagayan. Hindi pa siya handa kung papano ipapaliwanag sa mga ito ang pagbubuntis niya ng walang ama.

Bukas na bukas rin ay magpapacheck -up siya, mas maganda na ang manigurado siya. Saka na niya alalahanin ang bumabagabag sa kanya. Ang pinaka importante ngayon ang kalagayan niya at ng baby niya. Ano ba itong nararanasan niya, sunod-sunod ang problema dumarating sa kanya. Pero sa pagkakataong iyon, hindi isang problema ang matatawag niya, kundi blessing ni God. Bukas na bukas rin ay magpapatingin siya sa doctor.

Strip For A Night (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon